xxxv...

3.4K 58 8
                                    

KATE POV

Yehey! Ang saya ng vacation namin! Dami kong experience na di ko makakalimutan,lalo na yung paghabol samin ng Ostrich…Astig!!!

Pero kinabahan ako ng sobra nun syempre,ang laki eh! Masisira beauty ko kung nagkataon no hihi

Last two days na naming kaya papunta na kami ng Pagudpud!

Hayyss..nakakapagod yung byahe niya kasi malayo sa kabihasnan at medyo may nadaanan kaming rough road,natagtag tuloy mga tabs ko hehe

At..wala akong karapatan magreklamo baka ihagis ako sa labas ng van ni Franz,wala akong pera pamasahe no! kaya behave lang muna ako…

Pero may napapansin akong kakaiba kay Shane…Blooming eh!

Hmmm…ano kayang meron sa dalawang to??

Nakakaintriga kasi lagi silang magkasama simula nung magpunta kami sa Baluarte!

Eh diba magkagalit sila?kaya nga ako kasama ni Shane nun eh…

Sobrang busy ba ko at wala akong kaalam-alam????

“malayo pa ba tayo?” inip na tanong ni Johnson kay Franz

Tumingin naman sa rear mirror si Franz at sumagot “malapit na…malapit na kong sumuko magmaneho!” halatang pagod na rin sa walang katapusan pagbagtas ng daan

“kaya pala Pagudpud ang tawag sa pupuntahan natin eh,PAGOD NA….PUDPOD pa gulong!” sabat ko naman na medyo bad timing!

“reklamo ka pa! eh nakaupo ka na nga lang jan!” pananabla ni Franz sakin,sabi ko na eh

“oh de sige! Ako magdadrive! Tsupi ka jan!ng sa langit ang mapuntahan natin!” pabirong sabi ko sa kanya

“Kate…kung ganun man,malamang di ka naming kasama” kalmado at seryosong sabi ni Shane

“Oo naman! Kasi ako lang mabubuhay! Yes!” pumapalakpak ko pang sagot

Humarap naman sakin si Shane kasi nasa tabi siya ni Franz.

“hindi Kate…kasi…kami sa Langit…ikaw?? Sa Impyerno!” mataray at natatawang sabi ni Shane

Shet! Di ko inasahan yun ah!

“BOOM!!!!!” pasigaw na sabi ni Patrick

Kainis! Pinagtawanan nila ako! Aping lubos ako ditto! Huhuhu

SHANE POV

Yun Oh!! Nakaganti din ako kay Kate kahit papaano hihi….Pag dating naming sa resort ay agad kaming nagpunta sa nirentahan naming Villa na may tatlong kwarto

Kami nila Franz,Ron at ang pasaway na si Kate ang magkakasama samantalang sina Nicole,Ben,Jheng at Sheng naman sa kabila at solo ang dalawa naming binata “kuno” sa huling kwarto

Magpapahinga na muna kami dahil mamayang hapon ay lilibutin naming tong beach

“Kate tabi tayo” sabi ni Ron sa nagliligpit na si Kate

“Wag Ron! Tayo nalang magtabi” sabi ko naman na ikinagulat ni Franz

FRANZ POV

“Wag Ron! Tayo nalang magtabi”

TAMA BA TONG NARINIG KO? SILA NI Ron???

Napatingin ako sa kanya at nakatingin na din pala sya sakin parang sinasabi niyang MAY REKLAMO KA LOOK

Napakamot nalang ako ng batok sako ko inabot ang unan sa kama at ibinato kay Kate

“sa lapag ka Kate! Ayoko ng may katabi!” natatawang sabi ko sa kanya

“Leche! Nagambag din ako ditto no! nu yun ikaw lang makikinabang sa malambot na kama??” sagot niya sakin

“So wala na pala akong choice?” sabi ko na may konting lungkot sa mukha

“walang-wala! Sa ayaw at sa ayaw mo ako makakatabi mo! Hahaha” nakakalokong sabi ni Kate

Nagpahinga na muna kami dahil napagod din talaga ako magdrive ang layo eh..

***********************

Bandang 6:30 pm na ng magising ako sa mahinang yugyog sa braso ko

Si Shane!

“kung laging ikaw ang una kong makikita paggising ko…pwede na kong kunin ni Lord” nakangiting sabi ko sa kanya at hinaplos ko ang kanang pisngi niya gamit kaliwa kong kamay

“kikiligin na ba ko niyan?” natatawang sabi niya sakin  

Manhid yata tong babaeng to! Jusko!

SHANE POV

Nakakatawa lang yung reakyon ng muka ni Franz nung binasag ko yung pagaakto niyang paglalambing EPIC!!!

Kinilig naman talaga ako hihi syempre yoko lang pahalata baka di na manligaw eh…

“bumangon kana jan,ikaw nalang hinihintay para makakain n tayo” sabi ko

Itinaas niya ang kanang kamay niya para hilahin ko..makautos talaga!

“Oh…isa…dalawa…tat!” di ko na natuloy ang pagbibilang ko at siya na ang tumapos

“tatlo!” sabi niya at hinila niya ko pahiga sa kanya

Napapikit naman ang mga mata ko ng pabagsak na ko sa katawan niya

“ang ganda mo parin talaga sa malapitan” sabi niya napadilat ako at nakaramdam ng paginit ng pisngi ko

Iniipit niya ang mga hibla ng buhok ko sa aking tenga. saka niya pinagmasdan ang bawat sulok ng mukha ko..

“ILOVEYOU….” Bulong niya habang nakatingin siya sa mga labi ko

Unti-unting naglapit ang mga labi naming hanggang sa magdikit ito..naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim bago igalaw ang mga labi niya

Marahan niya itong inumpisahan at marahil sa sensasyon na idinulot nito di nagtagal ay gumanti narin ako sa mga halik niya, mapanukso ang mga halik na ginagawa ni Franz kaya diko mapigilan ang magmaon

“Uhmmm…” impit na paglabas ng ungol ko sa pagitan ng halikan namin nararamdaman kong nagiinit ang aking katawan sa paghaplos niya sa likuran ko na parang ikababaliw ko na

Di ko na namalayang naipagpalit na niya ang aming pwesto,sya na ngayon ang nakapaibabaw sakin at hindi niya pinutol ang paghalik niya

Dalang  dala ako sa kakaibang binibigay na sensasyon na nararamdaman ko ngayon

I want her…I want her now…

=========================================================

GUYS! SUSUPORTAHAN NIYO BA KO PAG NILAGYAN NG BS TO???

COMMENT NAMAN PO JAN PARA ALAM KO PO!

SALAMAT!!!

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon