xxviii...

3.5K 37 4
                                    

KATE POV

Mga gago talaga tong kasama ko! Pahiyain daw ba ko sa jeep! Demmit lang eh…

Umepal pa si manong driver kaya lalo akong tinawanan! Di ko alam kung pano ako babawi sa pambabasag sakin! Lintik lang ang walang ganti humanda handa lang si Franz ! >.<

Di ko na sila pinansin buong byahe,plano ko na ngang wag magbayad sa jeep dahil binadtrip na nila ako e..pero  syempre may konting kabaitan pa naman din ako kaya sige magbabayad  na ko..

“manong bayad po! Sa may iglesia ng angono!” sabi ko at nakatingin ako kay Franz ang baliw naman nagpipigil parin ng tawa batukan ko kaya to!

Si manong naman nakatingin sakin sa rear view mirror at natatawa rin habang inaabot ang bayad ko hayyy!!

All eyes pa lahat ng pasahero sakin nu ba yan! Ano kaya tingin nila sakin? Si JOKER?? Kasi naman pagnapapatingin ako sa kanila para silang mga natatawa e..

SHANE POV

Kahit trapik,nagging Masaya naman yung byahe namin, si Kate kasi e natural joker yata yun o ano tandem lagi sila ni Franz sa mga asaran!

Pero ewan ko kung bakit ko nalang biglang pinunasan ang pawisang mukha ni Franz..nagulat din ako sa sarili ko eh..

Nauna na kami bumaba ni Franz ng jeep para sumakay ng ibang byahe pataas ng Antipolo ginabi na talaga kami kaya naman sobrang pagod na nararamdaman ko.

Habang nagaabang kami ay umakbay naman sakin si Franz,alam ko naman na mahilig syang mang akbay pero iba yung naramdaman ko ngayon!

Parang nakuryente ang buong katawan ko ng lumapat ang kamay niya sakin!

“daan muna tayo samin Shane kukunin ko yung kotse hahatid kita sa inyo” sabi niya at naka full smile pa

“wag na nakakahiya naman n,saka yung sasakyan naman na natin derecho nay un samin kaya wag mo na kong ihatid..”

“wow! Kelan ka pa nahiya Shane? Eh..tulad ka rin naman namin WALANGHIYA!” sabay tawa niya

Kinurot ko nga sa tagiliran “ouch! Bakit? Totoo naman yun ah..matatawag ba tayong barkada kung di ka mana samin?” paawa effect niyang tanong

Sabagay,tama nga namna sya magiging kaibigan ko ba sila kung mahiyain ako? Parang di uso yung salitang MAHIYAIN nayan e…

Wala na rin naman akong magagawa pag sinabi ni Franz dapat masunod,kaya naman pagdating naming sa antipolo ay agad kaming nagpunta sa kanila para kunin ang kotse niya

Habang nasabyahe ay tahimik lang kaming dalawa,pansin ko rin na pagod na si Franz humihikab na din kasi sya habang nagdadrive

“makakauwi ka pa ba nyan? Mukhang antok kana” alalang sabi ko sa kanya

“Oo naman no! ako pa!”pagmamayabang niya at tinuro pa niya ang sarili niya

“naku! Baka mamaya nu pang mangyari sa’yo sa daan pauwi e..dun ka nalang kaya matulog samin”

Alok ko sa kanya madilim kasi ang daan ditto at puro zigzag kaya nagaalala ako sa kanya baka kung mapano pa diba

“okay lang ,kung oras mo naman na oras mo na e” lumingon sya at nagsmirk

Ewan paranag may kirot akong naramdaman ng marinig ko yung salitang binitiwan niya,ayokong mawalan ng isang sobrang bait na kaibigan ang feeling ko ngayon

“Oh,bat natahimik ka dyan? Di pa naman ako mamamatay no! wag mo ngang isipin yung sinabi ko!” sabi niya na may bahid  ng pagaalala sakin

Ayokong mawala si Franz sakin! Kung kelan bumabalik na ulit kami sa dati! No way! At di ko hahayaan yun! Kung matigas ang ulo niya mas matigas ang ulo ko,sabi nga niya mana-mana lang yan eh!

“hindi,dun ka matutulog sabahay” madiin kong sabi sa kanya Napatingin lang sya sakin at napakamot ng ulo

“ano ka boss?!” sarcastic na tanong niya sakin

“OO! Bakit?! May reklamo ka?!” mataray kong sagot sa kanya

“wala po boss..” sabi niya na parang isang kawawang bata na inagawan ng kendi

“Good. Kala ko meron  eh sa barangay ka magpaliwanag kung meron man ha?” seryosong sabi ko sa kanya

Natatawa lang sya habang nagmamaneho,kala niya ha ako pa!

FRANZ POV

Wala na talaga akong masabi sa babaeng katabi ko ngayon! Makautos..AMO lang??

Pero may point din naman sya at pagod na din naman ako sa maghapong duty,pero ang mas nakakapagod eh yung pagcocommute,yung tipong masakit yung katawan mo kasi si manong driver biglang pepreno ng malakas at lahat kayo halos magpalit na ng mukha!

Isama mo pa yung init at yung trapik na sasagupain mo,tipong isang oras na byahe mo magiging tatlo o apat na oras dahil sa trapik.

Buti nalang din at mapilit tong si Shane dahil parang di ko na kakayanin eh..nanginginig na yung katawan ko sa sobrang pagod na nararamdaman ko

***********

Nangmakapasok kami sa loob ng bahay nila Shane ay agad akong pinaupo ni tita at inabutan ng tubig

“ginabi na kayo nak,kumain nab a kayo?” tanong sakin ni tita

“Opo tapos na po,sobrang trapik po kasi sa cubao kaya po ginabi nap o talaga”

“Ah..magpahinga hinga na muna ayo bago kayo maglinis ngkatawan,ditto kana matulog at mukhang pagod na ang mata mo”

Sasagot na sana ako ng biglang sumabat si Shane

“ditto naman talaga yan matutulog nay eh..diba Franz?” tumingin sya sabay kindat

At uy! Para akong matutunaw sa kindat nayun!

“ahh..O-opo” utal kong sagot at napalunok kinabahan akong bigla sa inasta ni Shane

Ano ba..gang kelan ko pipihilan tong nararamdaman ko sa kanya? Sana ako nalang mahalin niya..yun lang naan tangi kong hiling ngayon,pero ayokong maging panakip butas lang pagnagkataon..

Gusto ko mahal na niya talaga ako pag sinabi ko sa kanya na sobrang mahal ko sya….

===============================================================

HAPPY READING!!!

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now