x....

4.1K 44 3
                                    

FRANZ POV

akala siguro ni Shane iniwan ko na siya di niya alam inikot ko lang tong kotse ko para di niya makita hihi nakakatuwa siyang tignan ngayon dahil di sya mapakali sa lobby itetex ko nga

me: Shane sorry emergency lang kaya umalis nako agad! nways thanks ha! sarap talaga paglibre nabusog ako hehe

natatawa ako habang tinetxt ko siya grabe mukang badtrip na e

Shane: okay no prob...

o diba galit na tlaga patagalin ko pa ng konti para masaya...

ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na si Shane sa Lobby at tumayo sa harap para maghintay ng jeep

pero ilang jeep na ang lumalagpas di parin sya sumasakay bakit kaya? baka naubos na pera niya tsss!

buti nalang di ako umuwi talaga kundi kawawa si Shane kasalanan ko to!

pinaandar ko  na ang sasakyan ko at huminto sa tapat niya

"Sakay na Shane!" sabi ko habang binababa ang bintana ng sasakyan

"ha? hindi okay lang ako..." habang nakadungaw

"tara na! alam ko kasalanan ko..dali na maggagabi na oh!" yaya ko sa kanya sumakay naman sya at bumiyahe kami papunta sa kanila

"bat di mo sinabing wala kana palang pamasahe? buti di pako umuuwi" sabi ko habang nagdadrive

"e di mo naman kasi tinanong e..."nagpout siya

"sorry naman..hehe" napakamot ako sa batok tanga ko kasi

di n siya sumagot at tumingin nalang sa bintana

"grabe yung daan papunta sa inyo e..parang pupunta ako sa baguio!" natatawa kong sabi

"e kasalan mo yan naubos pamasahe ko sa dami ng nilamon mo no!" grabe naman magsalita tong babaeng to sarap kutusan e

"minsan lang naman magpalibre sinumbat pa o!" tsk tsk mas kuripot pa kesa sakin

***************************************

Madilim na nung makarating kami sa kanila sobrang dilim lalo nung papasok sa looban nila 

"dahan dahan ka jan Franz baka madulas ka" yiee ang sweet ni Shane a kakilig lang hihi

"grabe ka ano ako lampa?" sarcastic kong tanong at nagsmirk pako

"hindi tanga lang!" saka siya tumawa ng malakas grabe manginsulto e no

Pagpasok sa kanila ay agad siyang nagmano kay tita ako din siyempre!

"O Franz halika na't sumabay kana samin maghapunan" yaya ni tita habang paupo sa kainan

"wag na nay! dami nang kinain niyan no! uuwi na kaya yan..diba Franz???" at pinandilatan naman niya ko ng mata

"ah.....o--opo tita uuwi na po ako" pakamot ulit ako sa batok lupit nitong babaeng to di man lang ako pinaupo kakapagod kaya magdrive papunta dito...

"hay nako Shane ganyan ka ba magtrato ng bisita mo? lika na dito Franz upo na wag mo pansinin niyan" ginaya nako ni tita sa mesa kala niya a hehe

"di naman bisita yan nay e...bwisita!" tawa ng tawa si shane at pinandilatan naman siya ng mata ni tita kaya nanahimik

"ginusto mo kumain dito diba? kainin mo to" abot niya sakin ng ulam

nako po pano to? di ako kumakain ng tuyo...natatawa sakin si Shane alam niyang di ako kumakain nun dahil minsan nagbaon si Ron nun nung duty halos di ako makahingi at pinagtaawanan nila ako

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon