xviii.....

3.6K 26 4
                                    

FRANZ POV

Sobrang naging busy ako nung pasko dun kasi kami nacelebrate kina tita seth.



********FLASHBACK*********

After ng christmas party namin kina Pat ay nagkanya kanya muna kami sa aming mga pamilya

pagdating ko sa bahay ay agad akong pinatawag ni mama sa kwarto nila ni Dad












tok! tok! tok!

pagkatok ko sa pinto ay agad akong pinagbuksan ni mama






"nak,be prepared ok?" bungad na salita sakin ni mama at humawak pa sa balikat ko


"huh? why ma? is there something wrong??" takang tanong ko sa kanya




"wala pero...you need to dress up like a girly girl girl" nakayuko at seryoso si mama hanabg sinasabi to at ako...

O_o yan ako

"but ma!!! bakit?? alam niyo naman ayoko ng ganung damit!!" pagmamaktol ko sa harap niya at pinapadyak ko pa ang mga paa ko






"wala kang choice anak....dun tayo magiispend ng christmas sa tita seth mo! and you know na gusto niya na nakikita kang bihis babae.."  pagpapaliwanag ni mama







hayyy wala na talaga akong kawala nito!

pag si tita ang nagsalita dapat masunod e! kainis iritable ako sa ganung suot!!!


nanlulumo akong lumabas ng kwarto nila mama so eto na nanaman po tuwing may reunion kelangan girl ako sa harap nila






ang totoo, si tita lang ang mapilit na magsuot ako ng pambabae dhil yung iba kong tito at tita ok lang sa kanila bat kasi kikay masyado si tita seth!!!!!







dumating ang araw na pagpunta namin kina tita

at ang itsura ko?? parang nalugi ang kumpanya namin dahil halos di ko magawang ngumiti



todo naman sa tawa ang dalawa kong magaling na kapatid

nagtitinginan at nangingiti rin sina papa at mama hayyy buhay! parang life!!!

"one week.ka lang naman magbibihis ng ganyan anak" si papa na halos pigil ang tawa

"Oo nga ate! bagay naman sayo a!" si francescka yan nakakaasar na!! aurrggh!

sino ba naman kasi di matatawa e kung nasanay silang pogi ako at di maganda!

sleeveless ako na pink,maikling short at sneakers

and my hair! my o my!!! kailangan talaga may clip!!


halos isang buong araw ang byahe kaya naman medyo nasanay nako agad naman kaming sinalubong ni tita seth at tito mon

"hi niece!!! gorgeous naman" beso sakin ni tita

umakbay naman sakin si tito "pinagbigyan mo nanaman tita mo ha" natatawang sabi niya

isang bugtong hininga ang tanging sagot ko at naglakad na papunta sa kotse

pagdating sa bahay nila ay hindi padin sila tumigil kakapansin sakin

"ang ganda talaga ng pamangkin ko! lika nga sa kwarto marami akong bibigay sayo" excited si tita na hilahin ako sa kwarto niya

and guess what lahat ng binigay niya puro pambabae! di ko to masusuot!!!! at meron pang maxi dress na animal print! san kapa!

"here i want you to wear this on christmas day alright?" inabot na parang sinisukat niya sakin ang isang red na maxi dress at isang pares ng wedge..

grabe naman wala na bang ibang option??







mahilig pa naman to magpost sa fb ay instagram! kahihiyan! layuan mo ako!!!


hapon ng tumambay ako sa pool side ng bahay nila pampaalis ng konting.inis lang

"leggo nak!" yaya sakin ni papa

"san naman po pa?" tumingin ako sa kanya na nagtataka


"i know di ka kompartable sa suot mo kaya i'll be your savior" nagastang superhero pa si papa

ngumiti ako at humawak na sa kamay niya hiniram namin ang sasakyan nila tita at nagtungo sa isang shopping mall



cool ang papa ko pag walang topak!

nung bata ako pag binihisan ako nila mama ng dress ay agad niya kong yayayain pumunta sa mall.at pagbalik namin naka cap at jumper nako sabik ang papa ko sa anak na lalaki kaya ako ang gnawa niyang lalaki!











napapangiti ako habang naglalakad papasok na kami ng mall

"just like the old times anak" masayang sabi ni papa

sabi ko na nga ba e! agad ko syang niyakap at parang bata akong naiiyak na hinagod niya sa likod

"alam ko naman ang gusto mo e..kaya wag kana malungkot...tara mamili na tayo ng damit na bagay sayo. di bagay sayo yan e muka kang ewan"

yan ang papa ko suportado ang pagkatao ko sya naman may kasalanan din kasi hihihi

si papa ang pumili ng isusuot ko baseball uniform ang napili niya at khaki na short

"try mo nak maganda! o sama mo to" itcha niya ng cap sakin

matapos isukat ay nagpakita nako sa kanya

"yun o! mas bagay sayo yan nak kesa sa suot mo kanina" sabay ginulo niya ang buhok ko

umuwi kaming ganun ang suot ko at FYI mas masusunod ang papa ko kesa kay tita

"o bat nagpalit yan ng suot?" takang tanong ni tita

"ah kasi natapunan ng kape ang damit niya habang naglalakad kami sa mall kaya pinagpalit ko" awtorisadong paliwanag ni papa kaya di na umimik sila tita

yes pa! dabest ka talaga!!!!







naging busy kami dito ngayon pasko kaya di ako gano nagpaaramdam sa tropa

panay kasi ang batian hi's and hello's

sinadya ko din di magtext o tumawag kay Shane para mamiss naman niya ko! hihi







madaling araw na at di ako makatulog...

panay ang tingin ko sa cellphone ko

ittext ko ba o hindi?????

paikot ikot ako sa kama gusto ko kasi mamiss niya ko pero bakit mas parang ako nakakamiss sa kanya??! 



Shane mapagod ka naman kakatakbo sa isip ko.....



sa pasukan sasabihin ko na kay Shane na mahal ko sya! this is it pancit! bahala na si batman! basta masabi ko!


hooooooohhhh!!!!












===========================

COMMENT NAMAN PO GUYS!!! THANKYOU!!!

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now