Chapter 28: Camping, Part 4

283 14 73
                                    

Chapter 28: Camping, Part 4

Ngayon na nagising na ako, narinig ko si KJ.

"AJ! Gising na, at labas na!"

"Bakit, KJ?"

"Gusto raw tayong kausapin nina Sir Mauleon. Tayong sampu na naglakbay pa sa kagubatan kagabi. I mean siyam dahil patay na si Dominic."

"Okey, sige."

Bumangon na ako at lumabas mula sa tent ko.

"KJ, ano mga nangyari pagkatulog ko sa kagubatan? Pakikwento nga." sabi ko.

"Ah. Noong nakatulog ka, naging alerto agad ako na baka makatulog din ako, kaya umiwas ako at ganun din yung kambal. Pero naapektuhan pa rin kami, nakaramdam kami ng bahagyang antok dahil doon. Pamilyar ako sa amoy ng mga pampatulog kasi naranasan ko na yan noong nanakawan kami sa bahay. Anyway, pagkatapos mong matumba dahil sa pagkatulog mo bigla, tumigil muna kami ng sandali nina Joel at Noel. Kaagad kong naisip na dalhin na lang kita rito sa tent mo, habang hahabulin nila ang killer bago pa huli na ang lahat para kay Dominic. Pero di sila nagtagumpay..masyado talagang mahusay ang killer. Nakakalungkot lang na sa gabi na iyon, namatay sina Arc Honey at Dominic. Patawa lang ng konti, ah. Napatunayan dito na wala talagang forever. Wala na tayong #ArcNey at namatay na si Dominic, wala na talagang #DomPhia sa ngayon. Idagdag natin si Nichelle na namatay noong umaga kahapon. Grabe, kung tutuusin apat na namatay sa isang araw. Nakakalungkot at nakakatakot. Last day of camping natin ngayon. Bukas, uuwi na tayo. Sigurado, masaya ang killer dahil nakamit niya ang mga layunin niya." sinalaysay sa akin ni KJ habang naglalakad.

Nakarating na kami roon sa lugar na kinakainan namin. Nandoon sina Sir Mauleon, Sir Raymond at Sir Villareal, naghihintay sa amin kasama sina Yuri, Chantellia, Joel, Noel, LJ, Chachi at Sophia.

"Okey. Nandito na sina AJ at KJ. Simulan na natin ang pagpulong!" sabi ni Sir Mauleon.

Umupo na kami si KJ sa dalawang bakanteng upuan sa kaliwa na pagkatapos ng upuan ni Sir Mauleon. Sa magkabilang hilaga at timog ng upuan ay sina Sir Raymond at Sir Villareal. Dito sa kaliwa, kami nina KJ, Noel, Joel at Sir Mauleon sa gitna naming lima. Sa kanan ay ang mga babae. Sa gitna ay si Sophia na halos maiiyak na dahil sa sobrang lungkot. Siguro, dahil kay Dominic. Katapat ni KJ ay si Chantellia at katapat ko si Yuri. Katapat ng kambal na Abear ay yung isa pang kambal na Montgomery.

"So..kayong sampu, kung sasama natin si Dominic ay pumunta pang kagubatan na kayo kayo lang kagabi. Alam niyo namang masyado delikado iyon, lalo na't gabing gabi. Yang killer na yan, mas madali kayong matatalo..We need an explanation! We deserve an EXPLANATION!!! De joke lang. Basta, pakipaliwanag, please. Kung bakit niyo ito ginawa." sabi ni Sir Mauleon.

"Kasi po, Sir. Nagising po kami sa isang pagputok ng bala mula sa isang baril. Nakita namin ang bangkay ni Arc. Sa panaginip ko, kasama niya si Honey at muntik na mamatay si Honey dahil nailagan niya ang putok ng baril na yun. Kumaripas ang killer papunta sa kagubatan at sinundan siya ni Honey. Gusto sana namin mailigtas si Honey at sama-samang patayin ang killer kung pwede. Naglakbay kami, pero hindi kami nagkasundo. Narinig ni Sophia si Honey na humahagulgol, kaya dumeretso kami sa kanan kung nasaan siya. Pero nakita naman ni Dominic bigla yung killer, humiwalay siya. Naisipan ko naman na sundan siya, na ikinainis ng mga babae. Sumunod sa akin yung mga lalaki, at yung mga babae dumeretso na lang kay Honey. Akala namin ganun lang kadali harapin siya. Kahit lima kami, ang husay niya, may patibong pala siya, at biniktima na niya si Dominic na hindi namin napigilan sa galing niya. Gusto na namin talaga bigyan ng katapusan itong death game na ito." Ako na ang nagpaliwanag.

"Oh..I get their problem. They were conflicted by what they have heard from the gunshot and suddenly became cocky.." sabi ni Sir Villareal habang umiinom ng alak.

Periodical Death ExamWhere stories live. Discover now