Chapter 11: Dance of Death

435 21 37
                                    

Chapter 11: Dance of Death

Nakalipas ang weekend, okay naman. Sabado, kaming mga officers ay ginawan ng AVP Presentation para gunitain ang dalawa pang namatay na sina Wendell at Alexandra. Linggo, family time.

Ito ako. Nasa school ulit. Naghahanda para sa morning assembly. Nilagay ko muna bag ko sa pila namin, 10-ASIA.

Nakita ko ang Terran Ninjas, nagpapraktis. Oo nga pala, may performance sila, para kina Wendell at Alexandra.

Nanatili ako sa pila. Kaming mga officers ay nag-usap usap. Naunang dumating ang tatlong babae na sina Yuri, Daphne at Nichelle, a.k.a "The Big Three Girls."

"Hopefully, wala nang mamatay. Nagawa ko itong class list. Same lang naman sa last time kong nirevise. Ang tinangal ko lang ay sina Wendell at Alexandra." sabi ni Yuri.

"I have a feeling meron pa siguro, pero, okay, pwede na ito. Baka matagal pa tapos kakailanganin ng iilang teacher ng bago." sabi ko.

"Haha bakit hindi na lang magshade ng pangalan ng namamatay ang mga teacher sa copy nila ng old class list para madali na lang." sabi naman ni Daphne.

"Ewan..baka ayaw nila eh." ani Nichelle.

Dumating na si Leofan, kasama ang Abear Brothers.

"Yo, boys. You came a little late. Leo, nasa USB mo na yung AVP Presentation na inihanda natin?" Tanong ni Yuri.

"Oo. Dala ko. Bigay ko na?" sagot ni Leofan.

"Bigay mo na lang mamaya. Handa mo!" sabi ko.

"Okay."

Dumating si Blake pero dahil alam niyang meeting ng officers, kay Eugene muna siya nakipag-usap. Nag-usap sila tungkol sa video games, na english ang language.

Nag-usap pa kaming officers tungkol sa schedule ngayong week.

"So walang club by Wednesday, di ba?" tanong ni Nichelle.

"Oo. Wala. Oo nga pala, ano mga club niyo?" sagot at tanong na rin ni Daphne.

"Obviously Student Council Club ako. Lahat ng Grade 9 at Grade 10 na presidente ay miyembro rin, pero hindi officer, kaya di kami ang masusunod." sabi ko.

"Ako..Math and Science Club." sabi ni Yuri.

"Knights of the Altar ako. Um, di ba parehas tayo, Daph." sabi naman ni Leofan.

"Kami..BASKETBALL CLUB!" sabay na sabi nina Joel at Noel, tapos nagkaroon pa ng hi-5.

"Volleyball Club sa akin!" ani Nichelle.

"Okay..Sabi raw ni papa, malapit na raw ang field trip. After second quarter siya. Yup..middle talaga ng school year lagi sa atin." sabi ni Daphne.

"Haha matagal pa, yung within this week lang, Daphie." sabi sa kanya ni Nichelle.

"Marami nang mga quiz..for sure mga assignments, kailangan siguro natin i-encourage mga kaklase natin na mag-aral ng mabuti. Para kahit pakonti tayo ng pakonti, paganda naman ng paganda ang mga karanasan natin." sabi ko.

"Okay..president. Sang-ayon ako diyan." sabi ni Noel. Biglang nag-smirk si Joel. "I mean..sang-ayon kami diyan."

Biglang nagbell. Marami na rin naman ang nasa pila.

Bumalik na kami sa mga pila namin.

Nandito naman na agad si Sir Mauleon. Pumunta si Leofan sa backstage, upang ibigay ang USB, at dahil din siya ang magmamanipulate ng presentation.

Morning assembly, morning routines. Morning Prayer, National Anthem, Panatang Makabayan at Vision-Mision Statement.

Si POD agad ang nasa mike. Absent si Cliff, ang Student Council Vice President st usually humahawak ng mike kapag nagwewelcome ng speaker. kaya siya na lang agad.

Periodical Death ExamWhere stories live. Discover now