Chapter 16: Field Trip, Part 3

301 18 16
                                    

Chapter 16: Field Trip, Part 3

Kaming apat nina Blake, Leofan at Axle ay kaagad na narating ang Mount Pico De Loro at nahanap ang bangkay ni Cliff. Tila basag ang mukha niya at puro dugo pa, wala ka nang makikitang Cliff dito, puro dugo na lang.

"Cliff.." sabi ko at pinakinggan ang tibok ng puso niya.

"Mukhang patay na talaga siya." sabi ko. "Wala na akong naririnig sa puso niya."   

"Halatang nahulog siya mula sa taas." dagdag ni Blake.

"Whoa? So you mean Cliff fell on a cliff? This is so amazing and ridiculous!" sabi bigla ni Eugene.

"Eugene, this serious. We have no time for such ridiculing." sabi ni Leofan.

"Oh, sorry."

Dumating si Eugene.

"Guys! I just returned and I kinda heard a big bang or something from the mountain crate — oh no." sabi niya at biglang nagulat sa nakita niya, ang bangkay ni Cliff.

"Patay na si Cliff. Nahulog siya." sabi ko.

"The killer strikes again. Maaring nagpakamatay siya sa lungkot, sinabihan ng killer na magpakamatay na lang o pinatay talaga siya ng killer." sabi ni Blake.

"Sa panaginip ko, si Cliff ay sobrang lungkot. Siya'y umakyat upang kunin yung wallet ni Alaiza na tinago niya na nagsilbing remembrance. Tapos pinakita niya kalungkutan niya at palihim na sinundan siya ng killer sa tuktok. Nagulat si Cliff at sinabing wala siyang paki sa killer kung papatayin siya, tapos bigla soyang tinulak ng killer, nahulog siya." sabi ko.

"This is all my fault....." sabi naman ni Axle at napaupo sa kalungkutan.

"No, man, it is not your fault. It is the killer's fault." sabi ni Eugene aa kanya.

"Inaway ko pa si Cliff, eh. Lalo siyang nalungkot. Naging ganito pa."

"Hindi. Alam mong hindi ikaw ang pumatay sa kanya, wala kang kasalanan." sabi naman sa kanya ni Leofan.

Dumating sina Kuya Louwi at Kuya Mars. Kasama nila ang iba naming kaklase, sina Yuri, LJ, Chachi, Joel, Noel, Chantellia, Honey, Arc, Dominic at Sophia.

"Ano nangyari rito?" Tanong ni Kuya Mars.

"Naku po.." sabi bigla ni Kuya Louwi nang makita ang bangkay ni Cliff.

"Nahulog ata siya, Louwi eh. Halatang halata. Pero bakit? Umakyat siya, nang walang paalam o gabay natin?"

"Pwede, Mars. Hindi malabong nagpakamatay siya. Hindi rin malabong mqy nanadya nito."

"Opo, may nanadya nito. Hindi po siguro magpapakamatay si Cliff..strong ang personality niya eh." Sabi ko na tiniis ang sarili ko upang hindi sabihin ang mga napapanaginipan ko.

"Mas posible sigurong nagpakamatay siya o nahulog. Di ba matalik silang magkaibigan ni Alaiza? Baka nalungkot siya. Either naisipan niyang magpakamatayan o bigla siyang nahulog." sabi ni Kuya Louwi.

Dumating si Sir Raymond.

"Si Cliff? Patay na?" Tanong niya.

"Opo, Sir. Nahulog po mula sa tuktok." Sagot ko.

"Saan ba si Sir Mauleon niyo? Yung adviser niyo? Sid Raymond, magkasama po ba kayo nun?" tanong naman ni Kuya Mars.

"Hindi ko na kasama eh. Bibili raw siya ng pagkain. Nahihirapan daw siya humanap. Ewan ko ba doon kay Vincent.." sagot ni Sir Raymond.

Dumami ang mga tao. Pati mga taga-ibang seksyon, tumingin na rin.

"Dahil sa nangyari, postponed ang last activity natin sa bundok na ito." sabi ni Kuya Louwi.

Periodical Death ExamWhere stories live. Discover now