"Ikaw ano'ng ginagawa mo sa lugar na 'to?" Sa halip ay balik tanong ni Shailine. "At mukhang kilala ka nila basi pakikipag-usap mo sa kanila."

"Ako ang unang nagtanong sa'yo. Kaya sagutin mo ang tanong ko! Damn it!"

"Wag mo akong sigawan! Hindi ko sinabing iligtas mo ako sa lalaking 'yun! And to answer your good damn question, hindi ba obvious na uminom ako! Nasa bar ako, hello?!"

Muling hinawakan ni Matt ang kamay nito at sapilitang pinapasok sa kotse.

"Ano ba! Let go of my hand! Kanina ka pa, ah! Hindi ako sasakay sa kotse mo dahil may kotse ako!"

"Get in or I will put you personally inside." Mahinahon ngunit maotoridad na wika ni Matt.

"Fine! Bitawan mo ang kamay ko!"

Nagdadamog na pumasok si Shailine sa loob. Pagka-upo sinapo niya ang kumikirot na ulo. Medyo hinihingal siya sa pakikipagtalo kay Matthew. Dagdagan pa na nahihilo siya dahil ininom na alak.

Pumasok si Matt. Binalingan siya nito.

"What?" She snorted

"I will bring you home, ipapahatid ko bukas ang kotse mo sa bahay niyo."

"I can drive," bumaling siya sa pinto para buksan ngunit agad na nakarinig ng pag-click.

"How dare you?! Open the damn door, Matthew!"

"Behave."

"Ano'ng akala mo sa'kin bata na utusan mo? Open this good damn door!"

"I said behave!"

"I said open the door!"

"Sha, please stop?" Tila pagod na sambit ni Matt. "Wala akong masamang gagawin sa'yo, ihahatid lang kita sa inyo ng maayos."

"Why are you doing this Matthew? Hindi pa ba maliwanag sa'yo ang lahat ng sinabi ko?"

"I clearly understand, Sha. Gusto ko lang na ligtas kang maka-uwi that's all."

"I don't want to argue with you."

"So I am."

"Ano'ng ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?"

"No, I'm not following you."

"Liar! Siguro suki ka ng lugar na'to kaya ka kilala ng mga tao."

"It happened that I'm the co-owner of the place."

"Ah! No wonder, boss ka pala," maaskad na sagot ni Shailine.

"It's better to bring you home. You should rest by now but look at you, narito ka sa labas at nakainom pa."

"Kung gusto mo akong ihatid, ihatid mo na ako."

Pinaandar ni Matt ang sasakyan. Bago iyon binalingan muna niya ang katabi.

"Fasten your seatbelt."

Sumunod na kinapa ni Shailine ay seatbelt upang ikabit. Naiirita siya ng ilang beses na nausyami ang pagkakabit.

"Let me,"

Pinigilan niya ang sariling mapasinghap. Mas ramdaman niya ang pagkahilo dahil sa paglapit ni Matt. Gustong-gusto niya itong amuyin nang matagal. Pagmasdan ang maamo at gwapong mukha.

Mula sa pagkabit ng seatbelt niya. Umangat ang ulo ni Matt. Namagitan sa kanila ang katahimikan. Walang sino man ang gustong magsalita. Ang mga mata nito na tila na nanunuot sa kanyang kaluluwa sa tuwing nakatitig ay nagpapahina ng kanyang utak. Rinig niya ang malakas na tibok ng puso. Mas lalong bumigat ang paghinga niya niya nang makita ang mabilis na pagtaas baba ng adam apples ni Matt.

You're MineWhere stories live. Discover now