11 - Giving up na ba?

2 0 0
                                    


Sobrang aga nagpunta ng school si Red, excited na napapaisip ng plans for him to get back to Katie. And to his surprise, pagtingin nya sa hallway ng classroom, mas maaga pa pala si Katie sa kanya... just like the old days... ito yung moment na nami-miss nya talaga sa kanila ni Katie. At di nya maintindihan kung ano'ng gagawin nya... Pagkalapit na pagkalapit nya sa door ng classroom, agad nya din binuksan to... Ng wala silang pansinan ni Katie...At pumasok naman agad si Katie at inilapag ang dalang gamit. Di na sya masyadong nakapag-isip ng matino kaya ng lalabas sana ulit si Katie sa classroom ay hinawakan nya ang wrist nito at pinigilan nyang makalabas. Napatingin naman si Katie sa kanya, na biglang tumulo ang luha, kaya bigla nya itong niyakap ng sobrang higpit...

"I'm sorry! i'm so sorry..." habang yakap pa din si Katie at haplos ng haplos sa buhok nito. Di sumagot si Katie at hinayaan nya lang muna'ng damhin ang yakap ni Red... Ang yakap na matagal nyang na-miss, ang moment na ganito, na katabi nya si Red... Matagal pa bago nagsalita si Katie. Pinunasan na muna ni Katie ang luha nya then nagsalita...

"Hey, wala kang kasalanan. It wans't your fault, it's my fault. Kasalanan ko and let's not talk about it anymore..." na nag-fake ng smile and kumalas na sa pagkakayakap ni Red.

"I'm really sorry Kat, i know i've been so unfair and..."

Pero bago pa madugtungan ang sasabihin ay ni-lock na ni Katie ng finger nya ang lips ni Red at sinabing "Sshhh... kaya nga ako pumasok ng maaga to make it up to you eh kaya wag na nating pag-usapan, ok?"

"Ok!" napabuntong-hininga si Red kahit na ang dami pa sana nyang gustong sabihin pero hayaan nya na lang muna yun. May tamang time para dun! Kaya dapat matuloy ang planning nila ni Ken. Niyakap nya ulit si Katie, "Sobrang na-miss kita!"

"Talaga?"

"Yah!"

"Gaano mo 'ko ka-miss?" kumalas sa pagkakayakap si Katie at tumingin kay Red...

Tinitigan sya ni Red at ki-niss sa forehead... "miss na miss..." At niyakap sya ni Red ng sobrang higpit, at sya din naman ay kumapit ng sobrang higpit.... Feeling every moment.... Pinakiramdaman kung gaano nagja-jive ang tibok ng puso nilang dalawa... They remained in that position for a minute without talking anything, just feeling each others heartbeat... After that so warm hug ay Kumuha si Red ng 2 chairs at sa hallway na silang dalawa nag-usap ng kung anu-ano except sa nangyari sa kanila... Kasi sabi ni Katie bawal daw pag-usapan. And he respects her kaya di na nya nababanggit kasi alam nyang masasaktan ito. Nagkwentuhan sila ng dumating na sila Ken at Liam. At first nagulat si Ken pero he just ignored it na lang at nakipagkwentuhan na rin sa kanila. Sabi pa ni Ken pagkalapit nya sa 'min...

"Ok na kayo?"

Tumango lang si Katie at nag-smile ng matipid...

"Good!" sabi ni Liam...

At nagkwentuhan na sila hanggang sa dumating ang ibang classmates and friends nila...Until nag-start na ang class... Nung lunch, pagkalabas ng classroom ay nagpunta si Red sa Registrars Office kasama si Katie para ibigay kay Mrs. Calub ang kanyang additional requirements. Pero wala pa dun ang Registrar kaya naisipan nilang umupi muna sa chair ng piano... Nakatalikod si Katie, si Red naman ay nakaharap sa piano and he started to play the tune... Intro pa lang ng tinutugtog ni Red na "All my life by KC & Jojo" ay sobrang na-amaze na si Katie... At di nya namalayan na naiiyak na naman sya... Nag-piano lang si Red na hindi nakatingin sa kanya, sya naman ang titig na titig kay Red... Nung lumingon si Red, nakita nyang parang ang lungkot ng mukha ni Katie, kaya tumigil sya sa pagtugtog, sabi nya...

"That was supposed to be a happy love song, bat ka malungkot?"

"i'm happy!" at nag-fake ng smile si Katie pero di naman maitago sa mga mata nya ang namumuong luha...Kaya niyakap sya ni Red...

"Tell me i'll get through this emotional feeling sooner Red."

"Iniiwasan mo na ba? Ayaw mo na ba sa feelings na ganyan?"

"I don't know... Everyday it's like...it's tearing me apart even more..." at tumulo na talaga luha ni Katie... Sasagot pa sana si Red pero dumating na si Mrs. Calub, after handling the documents to her ay lumabas na sila sa office at nag-lunch... Natapos na ang lunch ng di pa rin sila masyadong nag-uusap pero ok naman silang dalawa. Nakikinig na lang sila sa kwentuhan ng mga barkada nila. Tinitingnan ni Red si Katie at nakikita nyang malungkot ang aura nito. Di naman nya alam kung ano'ng sasabihin kasi baka magtanong ang friends nila. Madalas nya na lang 'tong hawakan sa kamay, para atleast maramdaman ni Katie na di sya nag-iisa. Bahagyang ngumingiti naman si Katie pag ganun at titingin kay Red. After class ay hinatid sya ni Red para makasakay ng jeep.

RED's POV

Nasasaktan pa rin si Katie dahil sa 'kin and i admire her for being so strong to accept me as his friend again without any hesitations kahit na nakikita kong sobrang nasasaktan talaga sya. Bakit ba hindi ko maamin sa kanya lahat ng ganun lang kadali? Bakit ako nahihirapang mag-confess ng nararamdaman ko? Mahal ko naman sya pero bakit ko pa sya sinasaktan? I just hope it's not too late for everything...

KATIE's POV

Di ko maintindihan sarili ko kanina. I tried to hold back the tears pero di ko kaya...di ko pa nga talaga kayang i-give-up sya. The more i'll try to forget about this, the more i found myself hurting... Ganun ba talaga ako kahirap mahalin that what he can offer to me is just purely friendship? How will I deal with it? When everyday, as time goes by, mas lalong lumalalim ang feelings ko for him... The more i try to keep my distance, the more i'm holding to the feelings... Kinausap pa ako ni Ken kanina... Sya lang talaga ang open masyado sa sitwasyon and nakikita nya talaga ang awkwardness.

"Kat, ok ka lang?"

"How i wish Ken..." at naging teary-eyed.

"You'll get used to it! Alam ko, it's that hard...but deal with it for now... Pero kung nararamdaman mong wala na talagang pag-asang mag-hold on, then let go ng paunti-unti..."

"Sa'n ba may school para sa mga tanga Ken? Gusto kong magpa-enrol dun."

At natawa naman kaming dalawa... At napabuntong-hininga ako ng bonggang-bongga.... Haaayyyyy.... LOVE.....

ANG BESTFRIEND KONG MAHAL KO...Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin