10 - Revelations

5 0 0
                                    


At school...

Nag-iiwasan pa rin ang dalawa pero nagpapakiramdaman. Minsan pag di na talaga kaya ni Katie ang sakit sa dibdib na nararamdaman nya, madalas ang laki ng buntong-hininga nya o di kaya minsan magmamadali syang pupunta ng CR at bigla nalang tutulo luha nya. Naiisip nya talaga na sobrang sakit ng dibdib nya at nagsisikip ito kaya sya madalas nakayuko sa armchair nya and kunwari nagsusulat o nagdu-drawing, pero ang totoo nun, di nya talaga kayang tingnan ng diretso si Red kasi bigla-bigla nalang tutulo luha nya. His appearance have a big impact on Katie's heart... Kasi siguro naiisip ni Katie na one-sided love lang ang namamagitan sa kanila ni Red, that only she's the one who felt it, she's just the only one who loved... Ang sakit naman ng ganito... Kaya madalas yumuyuko nalang sya to hide her eyes kasi alam nya na mapapansin ng mga tao ang lungkot nun.

"Kat! biglang tawag ni Jason... daydreaming?"

Katie showed a sad face... 🙁
"Nope! super hurting..."

"Ok,i won't say anything na."
sabi ni Jason at ki-niss yung shoulder nya. Bahagya namang ngumiti si Katie. Isipin mo, ang bully nito pero may pagka-gentleman din pala.

"Jase, san na yung sinulat ko last friday?"

"Naiwan ko sa bulsa ng pants ko nung friday." ....Jason

"Dalhin mo bukas ha? Gagawin kong remembrance ng "katangahan"..." sabi ni Katie

"Di naman siguro ganun, mahal ka nun Kat, sure ako dun. Di nya lang alam kung paano ka kakausapin."....Jason

"Pero Jase, andito ako oh? Di ba nya napapansin na nasasaktan ako? Ganun na ba talaga ka-manhid mga tao ngayon?" at bigla na lang namula ang mata nya na pinipigilan pa ring wag maiyak... kinagat ang ibaba nya labi pero di napigil nun ang pagtulo ng luha nya. Haplos ng haplos naman si Jason sa likod nya, di alam kung ano'ng isasagot. Buti nalang dumating sila Cehl at niyakap si Katie. Nagpahid na ng luha si Katie kasi pumasok na ng classroom ang mga classmates nila, pati na rin si Red. Nagkatinginan sila pero wala man lang makuhang reaction si Katie sa mukha nya, blank expression!! Pero siguro naman pansin na pansin nya na umiyak si Katie.

RED's POV

Pagkapasok ko sa classroom kanina nagkatinginan kami ni Katie...nagulat at medyo nagulo ang isip ko kasi sa tingin ko parang umiyak sya.  Tama! Kagagaling lang nya sa pag-iyak kasi namumula mata at ilong nya. Pero why? Ang saya-saya pa nya nung Friday ah?!.. Sino bang dapat kong makausap sa kanila? si Ken, Jason, o Liam? Di naman pwede ang mga girls kasi baka nagtatampo din sila sa kin, kahit kasi di nila sabihin sa kin,alam kong medyo na-disappoint ko sila. Pero bahala na... Hahanap talaga ako ng way para may makausap sa kanila.

.........After class, while nasa jeep na sila, nakatabi ni Red si Jason. Kaya nagtanong na sya.

"Jase, may problema ba si Katie? bakit parang umiyak yun kanina?" Red asked Jason..

"Ikaw Red, ikaw problema nya.."

"Huh?!..why me?"

"Ang manhid mo, dude! Mahal ka nung tao alam mo ba?!.."

"Papa'no si Ken?"... Red

"Ken?what about Ken?"

"I mean, yung proposal nya kay Katie nung Friday Jase.."

ANG BESTFRIEND KONG MAHAL KO...Where stories live. Discover now