5 - Kiss in the rain

9 1 0
                                    


KATIE's POV

Saturday - whole day kaming nagpractice kina Gen kaya medyo napagod ako. Natapos kami ng 2pm and umuwi na lang din kina Cehl. Kabisado ko na yung steps kaya sabi ko kay Gen na di na kami magpa-practice sa Sunday para makahanap na din ng costumes ko.

3:00pm - nakauwi na kami ni Cehl sa bahay nila.

"Hi Ate Mikz!" sabi ko kay Ate Mikaella na naabutan naming nagbabasa ng bagong book nya. Si Ate Mikaella ay ate ni Cehl na graduate din sa school kung saan kami nag-aaral ngayon.

"Oh hi, Katie. Tired?" sagot nya.

"Di naman masyado... Sleepy lang hehehe" i said.

"Mawawala din yang antok mo pag nalaman mong may naghahanap sayo dito kanina kasama ni Liam. she smiled...
at hinihintay ka nya ngayon sa bahay nila Liam." dugtong ni Ate Mikay...

"Si Red, Ate Mikz? sabi ni Cehl na kalalabas lang ng kwarto nya dahil nagbihis ng damit.

"Tumpak!!" sabay smile at wink sa 'kin...

I simply smiled and tumayo para makapagbihis na rin sa kwarto ni Cehl.

Pagbalik ko sa sala, hinila na din ako agad ni Cehl para pumunta kina Liam.

Sa bahay nila Liam...

"Hi 'iam.. hi Red!" bati ni Cehl.

Umupo na ako agad sa sala nila Liam, sa sofa kung saan din nakaupo si Red.

"You look tired...and sleepy!"
Red smiled to me...

"Yep!" sabi ko...and i yawned then closed my eyes...

"Cehl, punta tayo sa village, maganda daw mga bagong houses dun. sabi ni Liam na busy sa paglalaro ng games sa laptop nya... sarap mag-selfie dun... ha? Cehl?.. dugtong ni Liam...

Tinatamad na "Ohhhkaaayyyy....." ang sagot ni Cehl...

Maya-maya pa nag-shut down na si Liam ng laptop and tumayo na.
"Tara!" sabay abot sa kamay ni Cehl at nauna ng lumabas.

Nakapikit pa din ako and maya-maya ay dumilat na. And, nasa harapan na ng mukha ko ang mukha ni Red and he smiled, "Ang takaw mo sa tulog, tara na. Iniwan na nila tayo." nakangiti pa rin sya and hinila na din ako palabas.

Nailang ako! Feeling ko nag-blush talaga ako ng todo. At paglabas namin nagsimula na kaming maglakad papuntang village. Napa-Wow ako sa designs ng bahay, pang ranch na houses ang style... Si Liam at Cehl masyadong busy sa kaka-take ng pictures. Kami ni Red naglakad papunta sa may hill na overlooking ang CDO.

I breathed fresh air and when I opened my eyes, napa- "Wow!" ako sa view na nakikita ko.

RED's POV

Nandito na kami sa hill kung saan matatanaw ang kabuuan ng city. Pero pinagmasdan ko lang sandali ang city at nilingon ang pinaka-magandang view... si Katie!...na nakapikit at nag-breathe in... Bakit ganito'ng nararamdaman ko towards her? Alam ko mahal ko sya...pero confused ako kung anong klaseng pagmamahal ba 'to? dahil ba bestfriend ko sya kaya ako ganito? o more pa dun ang nararamdaman ko?... nasa ganung moment ako ng biglang unti-unti ay pumapatak na ang ulan.

"Katie, halika na. Lalakas na ang ulan..." hinila ko sya pero nanatili sya sa pwesto nya...

Sumagot sya sa 'kin na...
"Di naman masama bumalik sa pagiging bata kahit minsan lang." na nakapikit pa din.

So, imbes na hilahin sya, lumapit nalang ako sa kanya at hinapit ang beywang nya... Medyo lumakas na ang ulan, enough para mabasa kami... Tinitigan ko sya habang nakapikit sya at ninanamnam nya ang bawat patak ng ulan... What a beautiful sight... Mula sa mukha, napako ang tingin ko sa lips nya... And dahan-dahan kung nilapit ang mukha ko... and my lips reached her lips... ilang seconds na naglapat ang lips naming dalawa... Pinakiramdaman ko sya! Gusto kong magrespond sya... ilang seconds pa at naramdaman ko gumalaw ang lips nya ng bahagya... hudyat yun para sa 'kin na diinan pa ang kiss na yun... and our lips jived... we're exchanging kisses at ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko... ilang seconds pa bago tuluyang natapos ang passionate kiss na yun... I opened my eyes, she opened her eyes... Titig na titig kami sa isa't-isa... She once kissed me ng smack and hinila na ako papunta sa may malaking kahoy. Andun na pala si Liam at Cehl... Nakangiti silang dalawa, ngiting nanunukso... Nag-blush naman si Katie at ako din yata...

LIAM's POV

Umulan na... kaya kinuha na ni Cehl ang payong nya sa pack bag nya...

"Nasan na sila Red?" tanong ni Cehl...

"They went that way kanina, tara dun tayo!" sabi ko...

Nang malapit na kami sa malaking puno, nakita namin si Red at Katie malapit sa hills. Magkaharap at basa na sa ulan... Si Red nakahawak sa beywang ni Katie, habang si Katie parang nakatingala sa ulan. Tiningnan ko si Cehl na sobrang lapad ang ngiti... Sinabi ko kay Cehl na wag munang tawagin ang dalawa para di masira ang moment nila...

"Nice view!" sabi ni Cehl...

"Very nice!" and smiled then positioned my camera towards them. Next thing i saw was when Red kissed Katie... Napatawa ako at napahinto din kasi binatukan ako ni Cehl sabay sabing "Sshhhh..."

So, di na ako nag-aksaya ng time at kinuha ang best shots sa camera ko... Shots sa sinabi ni Cehl na "nice view"... hahaha After that moment, naglakad na sila Red at Katie papunta sa direksyon kung nasan kami ni Cehl kaya binaba ko na ang camera.

Back to reality...

Naglakad na papunta sa malaking kahoy si Red at Katie. At parang nagulat sila ng makita nilang andun na sila Liam at Cehl.

"Kanina pa kayo dito?" tanong ni Red...

"Kakarating lang." nakangiting sabi ni Liam...

"What's the drama with maligo sa ulan guys?" nakangiting tanong ni Cehl...

Nagkibit-balikat lang si Katie at nakangiti...

"Uwi na tayo.." ani Cehl...

Habang nasa daan pauwi, marami pang napag-usapan ang mag-barkada hanggang napagpasyahan na ni Red at Katie na sabay ng umuwi. Naligo muna sila at nagbihis bago umuwi na. Pagkaalis nila, nagkatinginan si Liam at Cehl at sabay na natawa...at nahinto si Cehl, at nagtanong kay Liam...

" 'Iam, ano sa tingin mo ang mangyayari sa dalawa? sila na kaya?"

"Malabo na yun!"ani Liam...

"Why?" si Cehl...

"Kakasagot lang ni Angel kay Red kanina. Galing sya dun bago sya pumunta dito..." sabi ni Liam at nagpaalam na kay Cehl para umuwi...

Sa nasakyang jeep nina Red at Katie...Magkatabi sila habang ang arms ni Red ay nakasandal sa window ng jeep, si Katie naman ay nakasandig ang likod sa chest ni Red...

"Hatid kita hanggang sa inyo." sabi ni Red...

"Wag na. Bumaba ka na pagdating sa kanto sa inyo, para di ka na pabalik-balik. nginitian nya si Red... nakasakay naman na ako kaya ok na..."

'Di na sumagot si Red... alam nya kasing matatalo lang sya pag nakipag-argue pa sila... Naramdaman na lang ni Katie na kinuha ni Red ang left hand nya at pinatong sa legs nya, magka-holding hands na sila ngayon... Kung makikita ng ibang tao, para silang couple pero kahit silang dalawa hindi nila alam ang label ng relationship nila. Wala naman din kasi silang napag-usapan. Let the feelings say it so... Pero hanggang feelings na lang ba talaga? Paano kung 'di pala talaga ganun ang sitwasyon kinabukasan?..

"Para manong..." sabi ni Red... and as usual, he kissed Katie sa forehead just like he used to do and bumaba na ng jeep.

Umayos naman ng upo si Katie at nakatuon ang pansin sa daan hanggang sa nakauwi na din sya sa bahay nila... Mag-isa sya ngayon kasi nasa bakasyon ang parents nya.

ANG BESTFRIEND KONG MAHAL KO...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon