3 - Mr. and Miss UN

17 0 0
                                    

Naging busy na ang susunod na mga school days dahil nag-celebrate ang PCA ng Nutrition Month and Mr. and Miss United Nations. At 'yun ang problema ni Katie ngayon. Dahil pinapatawag daw sya ni Mrs. Waminal, ang kanilang adviser at pinapunta sa Faculty Room...

"Ma'am, pumili na lang po kayo ng ibang sasali. 'Wag na lang po ako. Wala po akong alam sa beauty contest, wala po akong talent." litanya ni Katie..

"Ms. Enerio, it's final. Ikaw na ang napagdesisyunan ng mga kaklase mo na sumali." sabi ni Mrs. Waminal

"Bakit di nalang po si Shiela or si Edz, Ma'am? Sila naman po yung pang muse ang dating.. Sige na po Ma'am..."pilit ni Katie sa Teacher nya...

"No Miss Enerio.. Nakuha na nila Shiela at Edz ang title na yan nung 2nd and 3rd year kaya di na sila pwede." ngumiti si Mrs. Waminal at sinabi, "You're beautiful Katie, and you have a handsome escort...kaya perfect partner kayo..." yun lang at tumalikod na si Mrs. Waminal sa 'kin.

KATIE's POV

Wala na akong nagawa at 'di na mababago ang lahat. Kasali ako sa Miss UN... Haayyyy naku! ano naman ang magiging talent ko? At Oo nga pala, si Red ang magiging partner ko dito. Bahala na! Kakausapin ko nalang ang Class President namin tungkol sa talent ko. Bumalik ako sa classroom at nakita ko si Gen na nagbabasa ng magazine.

"Gen..."tawag ko sa Class President namin.

"Yes Katie?"ani Gen...

"Help!" nagpapaawa ang face sabay hawak sa arms nya na nakapatong sa armchair "I can't think of any talent for Miss UN..." sabi ko...

Nangiti si Gen at said, "Katie, alam ko magaling kang sumayaw, kaya dance nalang i-talent mo." Habang naka-look-up bigla syang nag-snap ng fingers at sabi, "I know now... Why don't you dance to Anggun's Snow in the Sahara? Perfect 'yun kasi 'di ba Asian 'yung theme and India 'yung place mo? at may pa-ngiti-ngiti pa sya.

Napa-pout lang ako ng lips habang tinitingnan sya. Kasi nga, nahihiya nga talaga ako.

"I'll download the video para makita din natin yung steps ni Anggun, and magpaalam ka bukas na mag-sleepover sa bahay namin, practice tayo ng steps. Weekend naman kaya i'm sure papayagan ka." Gen said...

"Ok!.." i answered...

At bumalik na ako sa seat ko kasi dumating na 'yung teacher namin para sa next subject.

4:00pm ng mag-ring na ang bell... kaya nagsilabasan na kami. Just like the old days, sabay kaming magkakaibigan sa hallway palabas ng school.. Nagtatawanan, nagtutuksuhan...

"Hey guys! hahang-out ako kina Gen bukas after school para makapag-practice ng talent ko for Miss UN, baka gusto nyo din sumama?"sabi ko...

"Sure Kat! Pwedeng-pwede ako, ako pa?!.. Cehl replied...

"Pwede ako until 8pm lang..."Liza added...

"Dadaan kami ni Tonton Kat, may pupuntahan kasi kami bukas." si Luisa yun. Si Tonton ay ang college student na bf ni Luisa na nag-aaral sa Cagayan de Oro College. Na nakatira malapit sa Boardinghouse kung saan nakatira si Luisa na pagmamay-ari ng Lola nya.

"Wow Luisa, ikaw na ang may happy lovelife.hehehe Congratz!"sabi ni Cehl...

"Ay naku Cehl, Kaya nga pinakilala ka namin ni Tonton kay Pius di ba? Para di ka ma-bored pag magkasama tayo hehehe Pero di mo pa rin sinasagot, ganyan ba talaga kahirap palitan si Ken?" sabi ni Luisa. Si Pius ay classmate ni Tonton na nakatira sa boardinghouse nila Luisa. Nakilala na namin sila kasi minsan na silang dumalaw sa PCA nung nag Nutrition Day kami.

"Hep! Narinig ko ang pangalan ko? Why?"sabi ni Ken at ngumiti ng pa-cute na tumitig kay Cehl.

Inirapan sya ni Cehl, huminto kami saglit sa paglalakad, hinarap si Ken at sinabihan na, "Who are you para pag-aksayahan namin ng laway? Di ka naman importante para mapag-usapan! 'Di ka rin conceited noh?"sabi ni Cehl...
at lalong nainis si Cehl ng tinawanan lang sya ni Ken... Nauna na si Ken na maglakad sa 'min bago humarap kay Cehl ng sobrang lapit sa mukha ni Cehl sabay sabing...
"You can run and deny it ng paulit-ulit Cehl, but as what i can see through your eyes, it's the opposite thing."

At naiwan si Cehl na medyo natulala sa sinabi ni Ken.
Kaya nagsalita na ako...

"Guys, i haven't seen Red this afternoon. Absent sya?"

Si Liza ang sumagot, "Na-exempt sila ni Sir Bong sa Math kasi nauna silang magpasa ng project. Nasa Pilgrim na yun i'm sure para i-meet si Angel at Michelle.."

"Ah!"yun lang nasagot ko kay Liza at nagpaalaman na kami para umuwi.. "See you tom guys! Ingat.. Hey, tulala ka parin.." sabay pitik sa noo ni Cehl... Nagulat naman sya pero di na nakapag-react kasi lumipat na ako sa kabilang lane para sumakay na pauwi.

CAST:
si Cehl ay si Sofia Andres...
si Ken ay si Diego Loyzaga...
oh di ba? ang galing kong pumili ng cast..hehe

ANG BESTFRIEND KONG MAHAL KO...Where stories live. Discover now