7 - Strangers again

9 0 0
                                    


RED's POV

      Naiintindihan ko kung bakit nagagalit si Katie sa 'kin. Ang laki ng kasalanan ko sa kanya. PAASA ba ang tawag dun? sa tingin ko yun na nga yun... Pero para sa 'kin, totoo lang lahat ng pinapakita ko sa kanya. Mahal ko sya, nararamdaman ko yun. Kaya lang, di ko napigilan na mag-ok sa gusto ni Angel. Sya ang unang nag-conclude na gusto ko sya at naaalala ko ang sinabi nya,

"i like you, Red! i know you like me too... kaya subukan lang natin please. alam ko magwo-work tayo..."

Yun ang sinabi nya at ayoko namang mapahiya sya sa 'kin. Alam kong mali ako na bigyan sya ng chance pero ayoko kasing i-turn down sya. Nakaka-bakla yung ganun. Pero dahil din dun nasaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko... Pero alam ko maayos din naman to. Wag ko munang ipilit ngayon.

     At mukhang ang bilis lang para sa kanya na balewalain ako. Ang sweet nila ni Ken. Sa lahat ng ayoko ang makitang may ibang lalaki na umaaligid kay Katie. Parang ang close na nila... Parang nagkapalagayan na sila ng loob... Gusto ko sanang ako ang comforter nya pero ako ang dahilan kaya sya nasasaktan and I hate myself for that! I hate to think na ibang lalaki ang kinakausap nya ngayon, ibang lalaki ang dumadamay sa kanya. Nagseselos ako! kaya lumabas na lang ako ng classroom kahapon. Katie, hold on! Sana mahintay mo ako... Sana di pa magiging huli ang lahat...

.......2 weeks na rin mula ng nagalit si Katie sa 'kin at madalas nagpapa-late na sya sa class para di lang kami mag-abot sa school na dati naman palaging kami nauuna dumating sa classroom. Kasalanan ko lahat ng 'to... Ngayon 'di ko na alam how to win her back. Pero bago siguro yun, i have to clear my relationship with Angel.

KATIE's POV

Nakiusap sa 'kin si Ken na tulungan ko syang mapalapit kay Cehl. At nai-excite ako sa isiping yun. Mamayang lunch mag-uusap kami about the plans.

LUNCH BREAK

"Guys, di na muna ako sasama sa inyo mag-lunch ngayon ha? May pupuntahan kami ni Ken importante..." sabi ko...

"Ok/Sure.." sabay na sambit ni Liza at Luisa.. Si Cehl tahimik lang... Kaya hinila ko si Liza sa gilid at binulungan...

"Gawin mo lahat ng paraan para wag sya magtampo sa 'kin ha? para sa kanya din ang plans namin ni Ken..."

"Sureness Kat..ako na'ng bahala kay Cehl..."

At nagpaalam na ako sa kanila. Hinarap ko si Cehl at sinabi ko sa kanya, "Brace yourself..." napatanga naman sya na tumingin sa 'kin...

"Saan?.." Cehl asked...

I just gave her the sweetest smile, at tumalikod na ako... at kumanta ng malakas ng...

"Baby you're my destiny. You and I were meant to be. With all my heart and soul, i give my love to have and hold. And as far as i can see, we were always meant to be, my destiny!"

CEHL's POV

"Guys, ano'ng ibig sabihin ni Katie? sa tingin nyo guys saan sila pupunta ni Ken?" sabi ko.

Nag-duet naman si Liza at Luisa ng... "Secret!"

Nakakainis! Parang pinagkakaisahan ako nitong tatlo. Bahala na nga kayo! Hmp...

"Hayaan mo na sila Cehl... im sure matutuwa ka din pagdating ng araw..." sabi ni Liza..

At naguguluhan na ako sa mga nangyayari at sinasabi nila.. Oo, nagseselos ako tuwing magkasama sila. Pero di naman ako hahadlang sa kaligayahan nila kung sakali.

RED's POV

Nakita ko na naman si Ken at Katie kanina na magkasamang sumakay ng jeep. I wonder kung anong status nila ngayon. It tears me up inside sa tuwing nakikita ko silang dalawa. Everyday parang sinasaksak ako ng paulit-ulit. Tama bang kausapin ko si Ken? o hayaan ko na lang muna para may mag-comfort kay Katie while im away. Di naman literal na away... pero kasi, she seem so near yet so far...

Wala ang teacher namin sa first subject sa hapon kaya may free time pa kami. At wala pa rin si Ken at Katie, di pa din sila nakabalik mula kaninang lunch. Parang masisiraan ako sa kakaisip.

"Red, nangungumusta si Angel sayo. Ba't daw di ka na nakabisita?" ....Liam

Tiningnan ko lang sya at nag-frown... Nagsalita ulit si Red...

"Alam ko ang lahat Red, nasabi sa 'kin ni Mich.. Tapusin mo na Red bago pa lumalim ang feelings nya sayo at para masimulan mo na rin ang about kay Katie. Alam ko Red nasasaktan ka na masyado. Wag mo nang isipin masyado ang kina Ken, bukas malalaman mo kung bakit magkasama sila ngayon."

Seryoso si Liam ng tiningnan ko. Alam ko sincere sya. So, i decided na sumama sa kanya mamaya pauwi para bisitahin si Mich at Angel.

KEN's POV

Everything's all set for tomorrow... Sana lang walang pumalpak... Well, thanks to Katie... ang gaganda ng ideas nya with her friends. Di ko na lang sinama yung dalawa kanina para di makahalata si Cehl. Lunch break ang plano namin para di naman makadisturbo sa class ng ibang students. Tamang-tama mataas ang time namin kasi wala pa din ang teacher namin sa first subject sa hapon bukas. I'm excited! Para may twist, di ko daw muna sasabihin ang name ni Cehl... para daw kabahan din si Red... Loko din kasi tong mga girls kung magplano... may pa-twist-twist pang nalalaman hahaha kailangan ko pang i-prepare ang speech ko bukas...

ANG BESTFRIEND KONG MAHAL KO...Where stories live. Discover now