Kani (Inspired by Hachiko)

125 4 3
                                    

Kaibigan- masarap pag may kaibigan diba? isa sila sa dahilan kung bakit makulay at makahulugan at ang ating buhay, tinuturing na nga rin natin sila bilang pamilya hindi ba? mahal mo ang mga kaibigan mo tama ba? kagaya mo, mahal ko rin ang mga kaibigan ko, pantay-pantay ang pagmamahal natin sa kanila pero kasi, bukod tangi itong bestfriend ko.

Taliwas sa hula mo, hindi sya babae,lalong lalo naman na hindi sya lalaki.

hindi rin sya bakla o kaya naman ay tomboy.

Ilalahad ko kung paano ko nakilala ang bukod tangi kong kaibigan,ang bestfriend ko.

Tatlong taon ang lumipas nang pumanaw ang lolo.Sa edad na lima, mahirap unawain at tanggapin ang pagkamatay niya lalo na't malaking parte ang ginampanan nya sa akin,sa buhay ko.Ang lolo ang nagturo sa akin kung papano gumawa ng saranggola,nagtampo pa nga ako nun kasi ayaw nya ituro sa akin kung paano gumawa ng guryon,na sya namang pinapalipad nina kuya, syempre nakaramdam ako ng konting inggit at lungkot pero bumawi naman ang lolo ko, sinamahan nya ko magpalipad ng saranggola sa bukirin, kasabay ng pagpapalipad nila kuya ng guryon, tinangtang ni lolo ang aking saranggola.Ang taas nang lipad nito, halos maabot ang langit, dinaig pa ang guryon nina kuya.Hanggang sa may itim na asong lumapit samin ni lolo,nagustuhan ko ito kaagad kaya pinilit ko ang lolo na iuwi yung aso.Nakakatampo na naman kasi hindi pumayag ang lolo, malaki na daw ang aso at sigurado sya na magagalit sila tatay pag inuwi ko ito.Pagbalik daw namin, may ireregalo sya, kaso naman namatay si lolo.

Nanghinayang ako, wala nang lolo, wala ng kalaro,wala ng sopresa,wala ng regalo.

Pero may sulat, sulat na galing kay lolo, sabi nya sa sulat, kung inaakala ko na wala ng regalo, mali daw.

"Arf! Arf!"

Ang lawak ng ngiti ko sa regalo ni lolo.

Isang tuta,itim, kagaya nang gusto kong aso dati.Ang lolo talaga, kahit wala na, ang hilig manurpresa.

Kasabay ng pagbalik namin sa manila, inuwi ko si Kani, walang kaalam alam ang mga magulang ko tungkol sa pagdala ko kay Kani, bitbit ang karton ng zesto,nakalagay ang tuta kong si Kani, natuklasan din nila nanay ang kalokohan ko dahil umiyak si Kani pagsakay namin sa bus.Pilit nilang ipinapatapon ang tuta ko, ayaw nila sa tuta, ngunit ipinaglaban ko si Kani, nag iskandalo ako, ngawa ako ng ngawa kaya naman pumayag na sila,napilitan nga lang.

Dumating sa punto na muntik mamatay si Kani.Sino bang walang utak ang magtitrip na paliguan ang tuta tatlong beses isang araw? wala diba? ako lang.Mabuti't nasaway ako ni nanay, eto at buhay si Kani.

Ang asong katulad ni Kani ay hindi basta bastang aspin, parang tao rin sya kung magisip minsan, minsan nga mas nauunawaan nya pa ako e,kaysa sa tao.

Sabay kami matulog, sa paa ko sya nakapwesto lagi, ewan ko,gusto nya yata ang amoy ng paa ko.Sabay kami magdasal,pano? behave din sya pag mag p-pray ako bago kumain at bago matulog.Sabay kami kumain.Madalas din kami maglakad sa labas.

Isa lang ang ayaw nya, pag kinukutuhan ko sya.Haha! 

Atsaka pala pag nakita nya akong may kalarong pusa.Selosa haha!

Marami akong naging kaibigan ngunit gaya nga nang sinabi ko, si Kani, ang Bestfriend ko......

Maswerte ako,may bestfriend akong kagaya ni Kani, pero si Kani? malas, napakawalang kwenta ko kasi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kani (Inspired by Hachiko)Where stories live. Discover now