Ipinatong ni Jerome ang isang kamay sa ibabaw ng kamay niya. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"Ilang araw ka roon?"

"Not only a days, one month ang hiningi kong bakasyon, Jerome."

Humugot ito nang malalim na paghinga.

"Sana man lang ipinaalam mo sa'kin ng maaga ang plano mo, gusto kong samahan ka at makilala na ang pamilya mo. Alam mo naman siguro na gusto ko nang lumagay sa tahimik."

Dahan-dahan niyang binawi ang kamay sa kasintahan. Inayos niya ang pagkakaupo. Hindi niya maintindihan ang sarili, she should have felt happy and overwhelmed ngunit iba ang reaksyon ng puso niya. Tila, walang epekto ang sinabi ni Jerome sa kanya bagkus ay parang nagluluksa ang suwail niyang puso.

Diretso niyang tiningnan ito sa mga mata.

"I'm sorry, tama ka. Dapat ay maaga kung ipinaalam sa'yo 'to. Sa dami kasi ng ginagawa ko nakalimutan ko nang sabihin sa'yo at nito lang nakaraang linggo ko naalala dahil na approved nga."

"It's okay, susunod pa rin ako sa'yo, I'll file an emergency leave, isasakto ko one week after ng flight mo. Alam mo namang hindi ko kayang malayo sa'yo ng matagal."

Nakakapang-unawang tingin ang ibinigay niya sa binata. Ngumiti siya at tumango na lamang. Inihatid siya ni Jerome sa condo, hindi rin ito nagtagal dahil may duty pang dapat balikan. He kissed her before he drove away. Napabuntong hiningang ipinasok niya ang kamay sa magkabilang bulsa habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng kasintahan.

Tumilikod siya at pumasok sa lobby ng condominium building. She enter in the lift, pressed the 2nd to the last floor. The building consist of 30 floors, malapit ang tirahan niya sa marina bay sands, ang condo niya ay nakaharap sa malaking barko na nasa ibabaw ng building.

It gives her peace of mind whenever she look at the giant ship at top of building, it has infinity pool. Sa ilalim naman ay makikita ang mga higanting puno na may iba't-ibang kulay. They called the place gardens by the bay, dahil malapit ito sa baybayin.

She yawned. Tumingin siya sa relo, alas otso na pala ng gabi. She checked her email, napangiti siya nang makita ang pangalan ni Jasmine. Hindi nakahadlang ang layo nila sa isa't-isa sa kanilang pagkakaibigan. They always have constant communication. Napag-alaman niya na naging maayos na buhay nito. Including the love life of her friend, masaya na ito ngayon sa piling ng lalaking mahal na mahal. Who happened to be an Altamonte, kapatid ng lalaking minahal niya noon.

She replied her.

"I'm coming home, two weeks from now Jass. I miss you so much. Gusto kong ikaw ang sumundo sa'kin sa airport."

"Really? Hindi ka nagbibiro di ba? Oh, my gosh! I miss you too, sa wakas ay uuwi kana rin. It's been how many years? I can't to see you."

"Absolutely, and I'm not joking, silly! Oo nga, ang dami ko nang namiss sa'yo. Kwentuhan mo ako sa mga happenings sa buhay mo, ha?"

"Oo naman! I have a lot of things to tell you. Handa ka na bang makita siya?"

Napatitig siya sandali sa tanong ng kaibigan, "who?" She pressed send.

"Matt"

"Dapat ba talaga akong maging handa? Matagal na kaming tapos, ang totoo nakalimutan ko na rin siya. Malakas na ako Jass, kaya ko siyang harapin kung 'yun ang ikibabahala mo."

"Just asking you know, alam mo na mahirap kalimutan ang first love, lalo na't single pa rin si Matt hanggang ngayon."

You're MineWhere stories live. Discover now