Bwisit! Pupwersahin niya talaga?!


Pinilit kong labanan ito at itinulak ng buong lakas 'yong gate, pero parang hindi naman ito sumasara. "Ready?"

Napalunok ako sa sinabi nito. Ang bilis ng pangyayari, ang sunod na alam ko nasa sahig na ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa may puwetan at mga palad ko. Napatigin ako sa maliit na gate naming nakabukas na ngayon. Sumandal sa may pader 'yong lalaki habang tumayo sa gilid nito si Ema. Naiinis ako sa paraan ng pagtingin sa'kin ni Ema. Pakiramdam ko ang liit liit ko sa mga mata niya.


Hindi ko talaga magugustuhan ang babaeng ito!


"Lana!" Napalingon ako sa pinaggalingan ng boses.

"Kuya." Parang batang tawag ko kay Kuya Travis. Napasimangot pa ko nang makita koi to. Dali dali itong tumakbo papunta sa'kin.

"P*ta. Ano'ng nangyari sa'yo?" Tinulungan ako nitong makatayo. Nahirapan pa nga akong buhatin ang katawan ko kasi ang sakit talaga ng butt area ko.

Napatitig ako sa mga palad ko, pulang pula pareho at kitang may mga gasgas. Kitang kita rin ang mga bakas ng malilit na bato na nadiinan ko. Dahan dahan kong pinagpag ang malilit na bato at lupa na dumikit dito.

"Travis..." mula sa gilid ng mata ko, naaninaw ko ang paghakbang ni Ema palapit sa'min ni kuya.

"Lana..." napatingin ako ng diretso kay kuya. "...who did this?" may halong pag-didiin sa pagtatanong nito.

Hindi ko alam kung bakit pero parang biglang may bumara sa lalamunan ko na siyang nagpapairap sa'king magsalita ngayon. Huminga muna ko ng malalim bago ko tinignan si Ema na bahagya nang nakalapit sa'min at 'yong kasama niyang parang buntot nito, nasa tabi pa rin kasi ito ni Ema ngayon.

"Ayoko silang papasukin. Nang isasara ko na 'yong gate pinigilan no'ng lalaki tapos sabi ni Ema 'forced it open' daw." Para akong bata na nagsusumbong sa nakakatandang kapatid. Iyong tipong may nang-aaway sa'kin tapos isinusumbong ko sa kuya ko para resbakan!

"Look, Travis, she's not even asking who we are..." hindi pinatapos ni kuya ang sinasabi ni Ema at mabilis na lumapit dito.

"Kuya!" Gulat na tawag ko rito. Hindi ko kasi inasahan ang sumunod nitong ginawa. Hinawakan niya sa may kwelyo si Ema. Bakas na bakas sa mga ugat nito sa kamay kung gaano kahigpit ang hawak niya sa damit nito.

Mabilis akong lumapit palapit sa kapatid ko at hinawakan ito sa may manggas ng damit nito. Napasinghap pa ko sa hapdi nang maramdaman ko ang kirot na mula sa sugat ko, at ang sakit mula sa pagkakasalampak ko kanina. Gusto kong ipagtanggol ako ni kuya kila Ema pero ayoko namang manakit siya ng babae!

"Hey!" Napaatras kami ni kuya nang itulak kami no'ng lalaking kasama ni Ema. Muntikan—na naman—akong matumba pero nahawakan ako ni kuya gamit ang libre niyang kamay. Hindi pa rin niya binibitawan si Ema.

"Let her go." Matigas na sabi no'ng lalaki.

Mula sa posisyon namin ngayon, kitang kita ko ang galita sa mga mata ni kuya Travis. Para bang kahit ano'ng minute mula ngayon ay sasapakin niya 'tong lalaking 'to. Marahas niyang itinulak ni Ema sabay bitaw sa pagkakahawak niya rito.

Nahawakan naman no'ng lalaki si Ema sa braso kaya hindi ito tuluyang natumba. Isang matalim na tingin din ang ibinigay nito sa kapatid ko.

"Furious? That's how I'm feeling right now. How the hell can you do this to my sister?!" Mariing sabi ni kuya Travis sa kanila. Natatakot na ko kay kuya Travis. Totoong mainitin ang ulo niya pero ngayon ko lang siyang nakitang mawalan talaga ng composure! Kinakabahan ako kasi pakiramdam ko bigla na lang silang magsasapakan dito!


Argh! Bakit ba kami lang nandito? Kuya Jarvis, umuwi ka na agad!


"Travis, please, let me explain." Marahas na hinawi ni kuya si Ema.

Ang bilis ng mga pangyayari. Biglang tinulak no'ng lalaki si kuya at gumanti naman ang kapatid ko ng suntok dito. Naramdaman ko na lang ang malakas na paghawi sa'kin no'ng lalaki. Ang sumunod na nangyari, ito na ko. Namalayan ko na lang napanupo na ko sa may gilid. Nakaramdam ako nang matinding kirot sa kaliwang siko. Nakita ko na lang may malaking sugat ito at dumudugo na.

"Fortin! Stop!" Napatingin ako sa pinanggagalingan ng boses. Kitang kita ko kung paanong sumisigaw si Ema sa dalawang lalaking nagsusuntukan sa harap niya. Wala itong magawa kundi ang sumigaw na lang dahil hindi siya makalapit sa dalawa.

"Kuya Travis!" Hindi ko maiwasang mapangiwi ng gumalaw ako para sana tumayo. Samu't saring sakit ang nararamdaman ko sa iba't ibang parte ng katawan ko, partikular sa may siko ko.

Napatitig na lang ako habang nagpapangbuno sila kuya. Helpless. Ganito pala ang pakiramdam no'n? Mangiyak ngiyak ako habang pinapanuod ko lang silang saktang ang isa't isa. Wala akong magawa kundi ang maupo rito at hawakan ang parte ng katawan kong nananakit.

"Kuya..." mahinang pagtawag ko sa kapatid ko.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now