Halos maubos ko na ang isang jar ng nutella ng dumating si Debbie at gaya ng inaasahan ko mahinang ang boses na sinermunan ako.

        "Hmmp! Maalala ka PA kay mommy." Nakasimangot kong sagot sa kanya.

        "Phoebe ha,hindi ako nagkulang ng paalala sayo."

        "Yah,I know. Saan ba tayo bukas." Pag iiba ko ng topic.

         "Sa Palawan lang, Puerto Gallera." Simple nitong sagot.

Namilog ang mata ko sa narinig. "Are you joking?

Hinablot nya anag hawak Kong nuttela jar at masama ang tingin na ibinigay nya sa'kin.

 
        " hindi ako nagbibiro ayan o."sagot ni Debbie at iniladlad sa'kin ang sampung tiket para sa barko na roro.

       "Lucky you,sis lalo na sa dad mo." Malungkot Kong pahayag.

       "Pareho lang tayo,kaibahan lang  over protected si Tito sayo kasi mahal ka nila. Dad ko naman is tama lang kasi ayaw daw nyang masakal ako."

Tumahimik na lang ako sa sinabi nya,nagkwentuhan kami ng kung ano ano at mga plano sa buhay. Natitigilan  ako dahil lumipas ang magdamag walang Nick na nagparamdam sa'kin.

       "Debbie,kung magkaroon ako ng problema at mabuhay matulungan mo.kaya ako?"

         "Kailanman hindi kita tinanggihan pero siguro depende sa rason Phoebe."

         "Okey,thanks. Kain na tayo para makapagpahinga maaga pa naman tayo bukas.''sagot ko kay Debbie.

Magkatabi kami ni Debbie na natulog ganito naman kami dati pa,at ganun din sa kanilang bahay kahit may guest room sila.

Kinaumagahan sa pagmulat ng mata ko ay agad kong hinagilap ang cellphone ko ngunit gaya kahapon walang text o missed call from Nick, gusto ko ng maiyak pero pinigilan ko. Maya-maya pa ay nakita kong umiilaw ang scree ng cellphone ko alam Kong si mommy ito. At hindi nga ako nagkamali. Matapos kaming mag usap ay naligo na ako kasi maaga kaming aalis at bruhang si Debbie ay tulog pa rin kaya naman nakaisip ako ng kapilyahan.

       " Debbie si Mac andyan sinusundo tayo."malakas kong sigaw na ikinagulat niya at dali-daling naghilamos halos mapaupo ako sa kakatawa sa hitsura nya kung paano ito mataranta.

        "Bwisettt! Inis na sabi ni Debbie sa kaibigan at pinaghahampas nya ito ng unan.

Natigil ang pagkukulitan namin ng kumatok si yaya at sinabing nasa baba na ang sundo namin,agad namin dinala ang mga gamit namin para sa tatlong araw at dalawang gabi na malaya ako sa paningin ni Daddy.

Papalabas na kamo ng gate ng huminto ang kotse ni Daddy sa harap ng bahay namin nagkatinginan kami ni Debbie ng dumiretso si Dad sa van na naghihintay sa'min sumilip ito sa loob na parang may hinahanap at ilang minuto ito na nakipag usap sa driver ng van bago kami nilapitan.

         " be careful ladies. "Sabi ni Dad samin at matiim na nakatingin sa'kin.

        " thanks Dad. "Sabi ko na bahagya ng lumabas sa bibig ko.

       " Tito mauna na po kami."paalam ni Debbie.

        "Okey,Debbie ikaw na bahala sa kaibigan mo, keep her away sa mga taong hindi nya dapat nilalapitan." Makahulugan nitong tugon.

Sasagot sana ako pero hinila na ako ni Debbie. Mabuti na lang at ini-locked ko ang kwarto ko dahil nasisigurado Kong magkakalkal si Dad sa room ko at gaya ng naisip ko di palang kami ganap na nakakalayo ng magtext si yaya kinukuha ang susi sa kwarto ko na dinala ko naman napailing na lang ako.

Love Me For What I Am (COMPLETED)Where stories live. Discover now