Chapter Forty Nine- Rebound

Magsimula sa umpisa
                                    

“H-hindi ko naman sinasadya kanina eh..” habol ko habang napapasigok. Pinipigilan ko pa rin kasing mapaiyak. Ayun. Buti naman tumigil siya. Kasi kung magtutuloy-tuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako papansinin. Baka mamatay na ako sa kinatatayuan ko. Seryoso. Tapos nun. Humarap lang siya. Hindi ko mabasa yung expression niya. Blanko lang.

“Ako d’ba? Ako naman talaga diba?” Kung ano-ano ng sinasabi ko. Ako naman dapat diba ang partner niya… tska ang… girlfriend niya? Ako dapat eh.  

“Ano?” sagot niya. Hindi niya ako naiintindihan. O ayaw niya lang intindihin.

“Magalit ka na lang please…” yun na lang ang nasabi ko.

“It’s always your decision…” sagot niya. Alam ko naman yun eh. Alam kong sinusunod niya lang naman kung anong gusto ko. Na itago na lang muna. Na hwag munang sabihin sa lahat. Na kunwari hindi kami magkakilala.

“S-sorry…” paos na ako. Kahit hindi naman ako nagsisimugaw, pakiramdam ko paos na paos na ako.

Nakita kong lumapit ulit siya. At this time, nakita ko ang expression niya. He cares… Lumapit pa siya hanggang konti na lang ang distansya naming dalawa. Bumaba siya ng kauti hanggang magkalebel na ang mga mukha namin.

“Either you tell HER, or you won’t.” alam kong ang pinatutungkulan niya eh si Yanny. Kung sasabihin ba kay Yanny o hindi. Pinagiisipan ko naman eh. At gusto ko namang sabihin pero sa tuwing nandiyan si Alyanna, iba ang nagagawa ko. Hindi ko na lang kasi biglang sabihin na… ‘Ay kami na pala ng crush mo’. Di ko kaya yun. Kahit crush lang niya. Kailangan ko pang pag-isipan kung paano.

Pero pano na ngayon? Mas lalo yatang hindi ko masasabi sa kaibigan ko. Ano pang sasabihin ko eh may partner na nga si Silver na iba sa Christmas ball? Kasama niya na nga lagi si Bettina eh. At ako, bukod sa magmumukhang nagiimbento lang.

“A-ano kasi…” nakakainis naman eh!! Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko.. “Ang hirap nun. Mahirap talaga… Paano ko sasabihin eh ang hirap, Sinabi ko pa na kami na ulit ni ano… ni Sir Terr--” napansin kong nagbago yung itsura niya nung nabanggit ko si Terrence kaya di ko na lang itunuloy, iniba ko na lang. “Ano…  Ang hirap talaga ng sitwasyon nating dalawa… Ang hirap kasi ano.. Magiisi—”

“Mahirap?” naputol na naman ang sinasabi ko kasi sumingit siya.

“Oo kasi nga…”

“Tigilan na lang natin… para di ka na nahihirapan.” Naglakad na siya palayo…

Tigilan? Tigilan na?

~~ 

“ZYLIE!! UYY! ZY NAMAN!!!”

“ZYLIE!!! What happened.”

“ZYLIEE HOYY!! PLEASE!!!”

*PAK!!!*

Ang sakit…May sumampal sa akin. Pagtingin ko si Mikaela lang pala. Tapos nandito rin si Buknoy. Lahat kami nakaupo sa sahig. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nanginginig ako… Nangangatal.

Niyakap ako ni Mikaela. Umiiyak na pala ako. Yung kanina ko pa pinipigilang iyak, ngayon lang lumabas. Lumabas lahat…

“Bakit kinakailangan mo pa siyang sampalin?” narinig kong tanong ni Buknoy kahit naiingayan na ako sa sarili kong hagulgol. Bakit ba ako ganito? “Ano bang nangyari? Sana hindi mo na lang siya sinampal umiiyak na nga eh…” dugtong niya pa.

“Sorry Zy…” hinahaplos ni Mika yung buhok ko habang yakap-yakap niya ako. “Naghhysterical ka na kasi eh…”

Naghyhysterical na ba ako? Bakit ganito? Parang wala na ako sa katinuan ko. Di ko na alam ginagawa ko… ganito ba ang nababaliw??

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon