Chapter 8

577 24 1
                                    

Samantha Annika's Point of view...

"Tulala na-naman siya."

"Oo nga ehh. This past few days ganyan na siya."

"Ano kayang nangyari sa kanya. Pag pasok niya kasi nung lunes ganyan na siya."

"Ayaw nga tayong kibuiin ehh. Biyernes na, wala na naman tayong pasok bukas."

"Oo nga sana naman sa lunes okay na siya."

"Oo nga mas lumala kasi siya ngayon ehh. Tulala mag hapon. Tulala buong linggo."

"Alam niyo. Pwedi niyo naman yang pag-usapan ehh. Sana naman lumayo kayo sakin para 'di ko marinig. " Sarkastikong sabi ko sabay alis.

"San ka pupunta? " Tanong nung tatlo si Jessa,Nicky at Sarah.

"A-alis malamang nakakahiya naman kasi sa inyo. Naririnig ko kasi pinag u-usap-an niyo." Sabi ko habang papalayo na sa kanila. Isang linggo na ba kong tulala? Hindi ko napansin yun ahh. Hindi kasi mawala sa isip ko yung... Yung... Yung... Aiyst ano ba?! 'Di lang ako maka paniwalang nakita ko na ulit siya. Kahit nakatalikod siya nakita ko parin siya at niyakap niya pa 'ko. sobrang miss ko na siya. May side sa akin na ang saya ko. Ang saya ko at nakita ko na siya ulit. Pero may side parin sa puso ko na nasasaktan kada maaalala ko yun.

"At ikaw Sam, hindi ka pa ba nag sasawa na lagi ka nalang sinasaktan niyang kapatid mo??Hindi ka pa rin ba natatauhan. Hindi sa lahat ng oras Sam may taong darating para tulungan ka. Hindi sa lahat ng oras darating ako para lang tulungan ka. Hindi mo ba na-isip na baka napapagod na kong tulungan ka? Lumaban ka din minsan. "

"Hindi sa lahat ng oras darating ako para lang tulungan ka. Hindi mo ba na-isip na baka napapagod na kong tulungan ka? Lumaban ka din minsan. "

"Hindi sa lahat ng oras darating ako para lang tulungan ka. Hindi mo ba na-isip na baka napapagod na kong tulungan ka? Lumaban ka din minsan. "

" Hindi mo ba na-isip na baka napapagod na kong tulungan ka? Lumaban ka din minsan. "

Masakit nga kasi. Bakit nag pa-flashback ka pa sa utak ko. Pinalo palo ko ang ulo ko.

"Are you crazy? "

Huh!?

"What are you doing here? " Takang tanong ko sa kanya.

*Insert sarcasm mode here *

"Nothing. I'm just. Checking out your school. Hindi naman pala siya cheap gaya ng ina-akala ko." Nakangiwing sabi niya.

"Ganon ba? Buti naman napansin mo. Na mas cheap yung school mo sa school ko. " Sagot ko naman sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero sumingit ako agad.

" Don't worry alam ko naman na mas cheap talaga school mo dito ehh." Nag salubong bigla ang mga kilay niya kaya pinigin ko ang sarili ko pff-- nakakatawa yung mukha niya .

"Naghihintay na si Daddy sa labas sumunod kana. " Sabi niya sabay alis.

Hahahah-- natigilan ako si Daddy asa labas? Bakit? Lumabas na ako at sumakay na sa kotse ni Daddy. Sa harap ako umupo katabi ni Dad.

"Samantha ako dyan." Mataray na sabi ni mommy. Nyak. Pareho silang mag ina.

Napa-pout nalang ako. Tumingin ako kay Daddy nginitian niya lang ako at tumango. Lumabas ako at tinabihan si Sab sa likod.

"Buti nga. " Rinig kong bulong niya. 'Di ko na pinansin. Baka kung saan na naman mapunta walang kwentang pag babangayan namin.

--

Right Love Wrong Person (The Beginning of The End)Where stories live. Discover now