Chapter 7

621 27 2
                                    

Samantha Annika's Point of view...

"Sam, bakit ba ayaw mo kong kausapin? Sorry na hindi ko naman sinasadya yung ginawa ko dati eh."

"Puwedi ba Carl tama na. Hindi mo naman ma-sisisi sakin kung bakit ayaw kitang ka-usap-in. Alam mo na dapat yon. Dahil sayo hindi ako tinigilan ng mga school mates natin, buti nalang nandiyan si Seth." Galit na sabi ko sa kanya. Hindi ko siya magawang kausapin ngayon dahil ayoko na na maulit pa yung nang yari dati. Kagaya ni Sab lagi niya rin akong pinagti-tripan, magka-iba man ang paraan pero pareho nila kong hindi tinigilan. Minsan sinabi niya sa buong school na girlfriend niya daw ako kaya halos lahat ng mga babae sa school hindi ako tinantanan kesyo hindi naman daw kami bagay ni Carl kesyo hindi naman daw ako maganda lahat ng panlalait na yata narinig ko buti nalang nandiyan si Seth.

"Seth? Seth na-naman Sam. Si Seth naman lagi yung bida sayo eh? Siya naman lagi. Asan siya ngayon? Asan yung pinag mamalaki mong lalaking yon."

"Pwedi ba Carl tigilan mo na ko. Puwedi ba? At ano naman ngayon sayo kung wala siya dito." Inis na sabi ko. Magsasalita pa sana siya pero hindi ko na hinayaan pa at tinalikuran ko na siya at saka umalis. Naka-sunod naman sakin yung tatlo.

"Ang harsh teh." Sabi ni Sarah, kasama ko nga pala yung tatlo ngayon. Nandito kami sa room ngayon. Hindi ko nalang sila pinansin.

Nasa Canada pala siya. Kaya ba niya sinabi yung mga yon dahil a-alis siya? Pupuwedi naman niyang sabihin sakin ng maayos eh bakit kailangan niya pang bitawan yung mga salitang 'yon. Alam niya bang sobrang nasaktan ako.

Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong tumunog.

1 new message received.
From: Gwapong CJ
Hi Miss beautiful, kumusta naman dyan?

Napakunot ang noo ko, ano na namang problema ng lalaki na 'to? After that night hindi na niya ko tinantanan kate-text niya hindi ko na nga siya nirereply-an eh. Pano kase may topak yata. Lagi siyang nag go-good morning at nag go-goodnight at lagi ring nagungulit na mag reply naman daw ako.

I change his name from Gwapong CJ into CJ Mokong. Dumating naman yung prof namin at saka nag discuss na ng lesson. I was thinking about Seth kaya wala akong idea sa kung anong lessons namin ngayon. Napatinin ako kay Sarah ng bigla niya akong sunguin sa braso.

"Hindi ka pa lalabas uwian na?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa phone ko at tama nga siya tapos na ang klase. Pag tayo ko ay nakita ko si Carl na nakatayo sa pinto kaya napahinto ako, ganon din sila Sarah. Napa-bugtong hininga ako at saka nag lakad papalapit sa pinto.

"Nakaharang ka." Wala sa sariling sabi ko. Huminga siya ng malalim at saka nag salita.

"Can we talk?" Tanong niya.

"Wala tayong dapat pag-usapan. Tumabi ka sa daraanan namin." Tumabi naman siya kaya nakalabas na ako sa classroom pero sinundan niya parin ako. Ano nanaman bang kailanan niya? Sasabihin niya ulit na girlfriend niya ko para magulo nanaman ang buhay ko. Tapos ano? Mawawala nanaman yung tahimik kong mundo. Huminto ako sa pag lalakad at saka siya hinarap.

"Pwedi ba Carl, leave me alone." Inis kong sabi mag sasalita pa sana siya pero pinigila nalang siya nila Sarah. Thank you girls. Napatigin ako ulit sa phone ko nung tumunog ito. I was expecting CJ dahil siya lang naman ang nangungulit lagi pero it was dad. As soon as I get his text pumunta na ako agad sa airport para sunduin siya. Oo nga pala ngayon ang uwi ni dad.

---

Nandito ako ngayon sa waiting area ng biglang may yumakap sakin from the back. Natigilan ako. Kahit hindi ko pa siya nakikita o kahit hindi pa siya nag sasalita alam ko kung sino siya. Kung pano niya ako yakapin and his smell. Alam ko na kung sino siya. Pilit kong tinanggal yung pagkakayakap niya sakin para sana maharap siya pero pinigilan niya ko.

Right Love Wrong Person (The Beginning of The End)Onde histórias criam vida. Descubra agora