Chapter 11

426 24 4
                                    

Samantha Annika's Point of view...

Anong ginagawa nila dito? Bakit sila nandito? Si Sab at si Seth bakit kailangan pa silang nandito pareho.

"Sam." Natigilan ako. Ano bang ginagawa niya? Tumingin ako sa paligid at nasa amin na lahat ang atensyon. Huminga ako ng malalim at saka naglakad ulit papalayo sa kanya.

Kailangan kong lumayo Seth. Galit ako at kahit anong gawin ko nasaktan ako. Nasaktan mo ako.

"Sam ano ba? Bat ba ayaw mo kong kausapin? Pwedi naman nating ayusin--" Natigilan siya. Bakit? Ayaw niya ba na ma-ayos kami ganon. Napatingin ako ulit sa paligid, bakit ba kasi ang daming nakatingin. Gusto na ayaw ko siyang kausapin. Nalilito na rin ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Iniwan ko siyang mag-isa at hindi naman na ko sinundan. Ka-inis.

"Sam." Natigilan ako. Nanaman, tiningnan naman ako nung tatlo kaya tina-asan ko sila ng kilay. Nandito kami ngayon sa garden ng school.

"Ma-iwan ko muna kayo." Sabi ko sa kanila at saka tumayo para umalis ng hawakan ni Seth ang braso ko.

"Sam ano ba?" Sabi ni Seth. Hindi ko siya hinarap kahit na nakahawak siya sa braso ko. Napapikit at bugtong hininga ako.

"Anong ano ba?" Malamig na tanong ko sa kanya habang hindi parin siya hina-harap. Alam kong marami nanamang mata ang nakatingin samin ngayon.

Nakita ko si Carl na i-iling iling lang habang nakatingin samin. Napatingin din ako kay Seb na naka-upo lang at nakasandal sa tabi ng puno, si Sab na nakangisi habang nakatingin din samin. Yung tatlo na naka nganga lang sa tabi namin.

"Bakit mo ko laging ini-iwas-an?"

"Bakit hindi diba? Hindi naman tayo close." Wala sa sariling sabi ko. Napahigpit ang hawak niya sa braso kaya napaharap ako sa kanya.

"Anong hindi Bestfr--"

"STOP IT SETH! JUST LEAVE! LEAVE ME ALONE! I DON'T WANT TO TALK TO YOU ANYMORE! MAHIRAP BANG INTINDIHIN YON? JUST LEAVE!" Sigaw ko sabay hila sa braso ko kaya nabitawan niya ko.

Natigilan ako I didn't mean to shout. Napatingin ako sa paligid na nasa amin lahat ng atensyon. Anong ginawa ko.

"I just want to talk to you, I want to explain mysel--"

"You don't need to, alam ko naman eh. Nai-intindihan ko na nag sawa ka na, na hindi ka laging nasa tabi ko. Na kailangan kong ipag tangol ang sarili ko kasi sawa kana. Gets ko naman yon. " Seryoso ko siyang tiningnan.

"Hindi mo na kailangan ipaliwanag pa sakin kasi alam ko naman, nai-intindihan ko. Pero Seth bakit? Bakit kapa bumalik? Sana hindi ka nalang bumalik." Bigla naman akong niyakap ni Seth not knowing I'm crying.

"Hush wag ka nang umiyak. I'm sorry, I'm so sorry, tahan na." Sabi ni Seth habang yakap -yakap ako. Anong bang gagawin ko? Bakit bumigay na ako agad?

"Bakit kaba kasi umalis at bakit kailangan mong sabihin yung mga salitang yon?" Tanong ko sa kanya matapos ko mai-kalma yung sarili ko. Kinuha niya ang mga kamay ko.

"Ma-upo ka muna." Sabi niya at saka niya ako pina-upo sa bench kung saan naka-upo ako kanina katabi nung tatlo. "Mag-usap tayo." Sabi naman niya, napatingin ako sa tatlo na nag liligpit na ng gamit nila.

Right Love Wrong Person (The Beginning of The End)Where stories live. Discover now