"She flat-lined, mabuti na lang at bumisita ako dito sa ospital kung hindi ay baka hindi makaabot si baby."

She bit her lips and cried harder.

"T-Thank you Flare..."

"Okay lang yun. Anyway, nadagdagan pala ang medications ni baby. 

Napapikit ng mariin si Heleia. Dagdag medications means dagdag gastos. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya sa kanyang buhay ngayon. Simple lang ang kanyang trabaho at hindi masyadong malaki ang kanyang sinusweldo, napaka-rami niya pa ring utang na babayaran.

"N-Nasaan ang reseta?"

Mabilis na binigay ni Flare sa kanya ang papel kung saan nakasulat ang mga niresetang gamot ng Doktor para sa kanyang anak. Napapikit siya ng mariin nang makita kung anu-ano ang mga iyon. Iyon ang mga gamot na naunang nireseta ng doctor sa kanyang anak at ang mamahal ng mga presyo non kaya't naki-usap siya rito na bigyan siya ng mura na gamot.

"B-Bakit ito?"

Mapaklang nginitian siya ni Flare.

"Hindi daw kasi umeepekto ang murang gamot kay baby, Leia. Instead na gumaling ay mas lalo siyang nanghihina doon sa gamot."

Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at napapikit ng mariin.

"Heleia, I can lend you some—"

Mabilis siyang umiling.

"Madami na akong utang sa'yo Flare. For now, maghahanap muna ako ng sideline para mabili ang mga gamot ng anak ko."

"Heleia..."

"I can do this Flare... Promise, hihingi ako ng tulong sayo kapag hindi ko na kaya."

"Promise yan ah? It's for baby Fenette naman e pati para hindi ka mahirapan."

She nodded her head. Tinignan naman nito ang kanyang anak na nasa icu. Napa-tingin siya rito. Mapakla siyang napa-ngiti.

Kakayanin niya ito. Kakayanin niya ang lahat para lang sa kanyang anak.

---

"Gulay ho! Isda! Preskong-presko! Mura! Walang daya ang presyo!" Sigaw ni Heleia sa mga tao sa palengke. Namamaos na siya ngunit tinitiis niya ito para sa kanyang anak. Kailangan niya pang maka-ipon ng pera. Titiisin niya ang init at sakit ng kanyang lalamunan para lang sa kanyang anak.

"Magkano itong galunggong ineng?"

Mabilis niyang inasekaso ang kanyang kostumer. Sinabi niya ang presyo rito at nasiyahan rin ito dahil sa mura ng kanyang binebenta. She smiled at her at tsaka nagpatuloy na nagtinda ng mga gulay at isda.

"Leia babes."

Automatikong sumimangot ang mukha niya nang marinig ang boses ni Richard. Isa ito sa mga masugid niyang manliligaw. Hindi niya na mabilang kung ilang beses niya na itong ni-reject ngunit sadyang makulit ang lalaki at hindi pa rin tumitigil.

"Nako Richard wag ka nga munang mangulit sa'akin!"

"Asus naman babes, nilalambing ka lang e."

Ngumiwi si Heleia nang marinig ang sinabi nito.

"Babes, sabi ko naman sa'yo e. Pakasalan mo lang ako, hindi ka na magt-trabaho. Pati na rin ang mga gastusin sa ospital ng iyong anak ako na ang bahala. I love you babes."

Naikuyom niya ang kanyang palad nang maramdaman ang paghaplos nito sa kanyang balikat. Mabilis niyang kinuha ang kutsilyo sa kanyang tabi at tsaka iyon tinutok kay Richard. Nanlaki ang mga mata nito sa kanyang ginawa.

Ito kasi ang problema sa lalaking ito. Oo nga't mayaman, may itsura at matalino ngunit kilalang-kilala rin ito bilang dakilang manyakis sa kanilang lugar. Hindi siya ang klase ng tao na naniniwala sa sabi-sabi lang pero nung isang beses ay nakita niya talaga na may minamanyak itong babae.

Kahit ayaw ay pinipilit. Hindi niya na rin mabilang kung ilang beses itong ini-report sa pulis dahil sa panghihipo, may kaso rin itong rape pero hindi lang umabot ng isang linggo ay nakalaya agad ito dahil sa connections ng pamilya nito. Anak kasi ito ng governor sa kanilang lugar.

"Babes ano'ng ginagawa mo?!"

"Lumayas ka at wag mo akong dini-distorbo dito Richard! Papatayin talaga kita bahala na kahit makulong ako!"

Nakita niya ang paglunok ng lalaki. Inilapit niya pa rito ng kaunti ang kutsilyo, ilang segundo lang ay mabilis na itong kumaripas ng takbo papalayo sa kanya. Napabuntong-hininga siya.

"Leia ineng, okay ka lang ba?" tanong ng matandang tindera sa kanyang tabi. Mabilis niya namang ibinaba ang kutsilyong kanyang hawak-hawak at tsaka ito tinanguan.

"O-Okay lang po."

"Naku ineng, mabuti at pina-alis mo iyong manyakis na iyon dito dahil sigurado akong manghihipo lang iyon ng mga babaeng tindera dito sa palengke dito. Nga pala, mag-iingat ka pag uuwi ka sa bahay na inuupahan mo ah, parang mas interesado kasi sa iyo iyong Richard na iyon at baka abangan ka sa daan, madilim pa naman sa lugar niyo."

Nahihiyang nginitian niya ang matanda at tsaka tumango.

Kailangan niya na sigurong magdala ng patalim simula ngayon.

---

Heleia yawned as she counted her money that she got from selling vegetables and fishes earlier. Nananakit na rin ang kanyang buong katawan dahil sa tuloy-tuloy na pag-galaw kanina.

Wala talagang biro ang pagiging tindera sa palengke kaya't simula ngayon ay hindi na siya hihingi ng discount sa mga tindera't tindero doon dahil kakaunti lang pala ang capital na nakukuha.

Napapikit si Heleia nang pumitik ang kanyang noo. Papasok na siya ng entrance ng hospital nang biglang may bumangga sa kanyang katawan.

Napa-igik siya sa sakit, mawawalan na sana siya ng balanse nang mabilis nitong mahawakan ang kanyang bewang.

She groaned. Dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at napanganga nang makita ang huling tao na ayaw niyang makita.

"Heleia."

---

NOCTURNALBEAST

Sexy Beast: Kalev De La Valliereजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें