"Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko, magbago man ang hugis ng puso mo"
Ang senti naman ng kanta. Ano ba yan, sunday na sunday ayan naririnig ko. Hayy!
Sumasakit ulo ko. Dami kasi namin naimon kagabi. Kagabi nakalimutan ko lahat, nagsaya lang ako. Pero pag katapos pala non nandito pa din yung sakit. Bakit ganon?
1 message receive
From: Tristan
Lets meet today Elisse. At the 82'cafe
Magrereply ba ko? Ano sasabihin ko? Bakit gusto niyang makipagkita? Alam na kaya niyang may gusto ko sakanya? Wala naman siguro. Alam na kaya niyang nakita ko siyang may kasamang ibang babae? Hayy! Ang gulo.
Pupunta ba ako o hindi?
Ano Ely? Magisip kana! Anong oras na. Shems! Hayy. Di ko na alam gagawin ko. Ano nga ba
Naligo na ako at nagayos. Nagsuot ako ng nude dress. At naka flats lang ako. Nag powder at lipstick lang ako. Nagsuot na dn ako ng sunglasses.
Kailangan din naman namin talaga magusap. Para malaman kung ano ba talaga to.
Pag dating ko lumapit sakin ang waiter.
Table for?
Uhh, may nakareserve na. For Mr. Tristan?
Okay mam. This way po.
At hinatid niya ako sa isang VIP room. It must be special ha? Nasa vip pa talaga. Para ano para walang makakita samin?
Pagkabukas ng pinto nandon siya. Nakaupo, nakatulala at di nalaman ang pagdating ko.
Bakit mo gustong makipagkita?
Biglang napalingon ito sakin at di inaasahan na nasa likod na niya ko.
Maupo ka.
Ang cold niya. Ibang Tristan to,
Kain na muna tayo tapos may sasabihn ako sayo ely.
Sabhin mo na ngayon Tristan. Wala akong time sa ganito.
After na lang kumain please?
May diin sa pagsasalita niya kaya naman kumain na lang ako. Ngunit hindi din ako masydong sumusubo. Tinignan ko siya. Hindi to ang tristan na kilala ko. Ayun bossy, pero ito parang uneasy.
So ano nga iyon?
About that ely. Gusto ko lang sabihin na yung about satin na relasyon itigil na natin.
Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpahalata.
Ah ayun ba? Okay.
Naka ngiti kong sinabi. Kahit ang sakit sakit na kahit gustong gusto ko na umiyak.
Im sorry. And sana maging friends pa dn tayo? I hope we enjoy what happened between us.
Ah sure! Una na ko ha? May meeting pa kasi ako.
Okay. Take care ely. Im sorry
Pagkalabas na pagkalabas ko tumulo ang luha ko. Ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Ang sakit pala, so wala lang pala sakanya talaga ang mga nangyari samin. So wala talaga sakanya yung relasyon namin, para sakanya kunwarian lang talaga.
Tangines ely ang tanga mo. Ang tanga mong mahulog sa patibong niya.
