Iniwan na kami nila mom and dad, alone time daw. Hay nako, bakit ganyan sila sakin? Pero kailangan ko din naman to. Kailangan kong malaman kung bakit nila nalaman.
"Babe can we continue?"
"Ano ba Tris, paano nalaman to nila dad?"
"Why? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ayaw. Pero nagulat lang ako, pinangunahan mo ko"
"Nagpakilala na ko sakanya kasi ayaw mo naman ako ipakilala"
"Hindi ko naman kasi alam na gusto mo."
"Gustong gusto ko babe."
Hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi niya. After that conversation nagpaalam na siyang uuwi dahil gabi na daw at nakakahiya kila mom and dad.
Naguguluhan ang isip ko, hindi ko alam. Ano ba talaga kami? Kami ba talaga? Akala ko lokohan lang to.
Gusto ko linawin sakanya lahat, gusto ko itanong. Kaso natatakot ako, paano kung ayaw ko sa sagot niya? Paano kami? Hindi ko na alam.
Mali to ely. Maling mali! Gumising ka sa katotohanan.
Kinabukasan ay umuwi na ko sa condo ko dahil maaga pa ko ngayon papuntang school.
"Eto na ko yca. Wait mo ko! Kakagaling ko lang kasi kila dad. "
"Oh sge wait kita sa parking. Dalian mo ha!"
"Osge bye"
Nakapark na din ako at nakita ko si Danica na nakasibangot na. Nang lumingon siya sa side ko ay napawi iyon.
"Sorry to keep you waiting.
Lets go na!"
"Okay lang. Sanay naman akong mag-antay"
"Hugot bebe! Why? Haha."
"Wala. Nakaka frustrate tong enrollment ha! Next week pasukan na din. Finally 4thyear na tayo. Saan mo balak mag ojt?"
"Malamang sa company namin. Ikaw ba?"
" baka sa company niyo na lang dn. Iba ang firm nila dad eh"
Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa may admin.
"Ely is that the guy who save you?"
"Who? Saan ba?"
"Ayun oh"
Di ko alam kung bakit biglang parang sumabog ang dibdib ko. Akala ko ba kami? Akala ko lang ba yun? Hindi ko na alam.
Tristan is with another girl.
