Part 11

275 2 0
                                        

Ilang araw lumipas nung nakita ko si Tristan na may kasamang iba. Ewan ko ba, naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit ganon, hindi ba dapat masaya ako? Masaya dapat ako kasi finally nalaya na din ako sakanya. Pero ang gulo kasi. Hindi ganon ang nasa isip ko.

"Ely tara na sa room 408, Thesis subject na natin." - Danica

Sabay na kaming naglakad ni Danica, wala talaga ko sa mood. 1 week na din nagsimula ang pasukan. Ganon pa din naman. Buong sem kaming nasa school tapos ang final sem para sa OJT. Siguro sa firm na lang din namin. Para masanay na ko.

"Ely sabi ni Jolina punta daw tayo mamaya sa Valley Bar. Pwede ka ba? Friday nama na. Walang pasok bukas."

"Bakit daw?"

"Inom inom daw ganon. Gusto mo ba? Wala ka namang gagawin sa condo mo. At wala ring magbabawal sayo. Ang tagal mo na ngang walang boyfriend"

"Ano ka ba? Sira ka talaga haha! Sge. See u later. What time ba?"

"Mga 9 :) totoo yan ha"

Nanahimik na lang ako dahil malapit na kami sa aming room. Pero nadaan kami sa locker room. At may nadinig akong boses

"Tristan ano ba? Kausapin mo ko. Binalikan na kita! Eto na ko. Mahal mo ko diba? Hindi mo nga kayang mawala ako"

"Ela tama na. Mali to, bakit bumalik ka pa? Ayoko na."

Dahil curious ako sinilip ko sila. At nagulat ako dahil naghahalikan si Tristan at ang babae na kasama niya nung nakaraan.

Biglang tumulonang luha sa aking mga mata. Bakit ganon? Ang sakit sakit. Hindi dapat ganito pero bakit ang sakit. Tumakbo ako ng tumakbo ng nakita ako ni Tristan. Ayoko na, ang sakit.

EXIT Where stories live. Discover now