Nagising ako sa sakit ng puson ko. Grabe talaga ngayon. Kakaiba, mas masakit. Di ko na alam ang gagawin ko. Ang sakit sakit talaga.
Chineck ko yung kalendaryo. Period week na naman pala, kaya sumasakit ng ganito ang ovary ko. Bakit to ganito! Nakakainis. Sana alam ng mga lalaki ang dinadanas na sakit ng babae para maisip nilang di dapat saktan ang mga ito.
Wala na pala kong gamot. Naubos na last month. Hayy anong gagawin ko? Titiisin na lang to? Di ko na alam. Mahihiga na lang ako.
Tristan's calling
Bakit napatawag itong ugok na to? Tsk. Ang galing din nito eh, boyfriend my ass! Kung di lang dahil kay daddy. Nakakainis
O bakit?
Aww. Wala manlang goodmorning?
Ano ba tristan. Masakit puson ko. Tigilan mo nga ako.
Aww, my baby elisse is in pain.
Sige na bye.
Wala namang sasabihing matino kaya pinatay ko na. Saka di naman talaga kami mag boyfriend/Girlfriend non. Sex lang ata habol nun eh. Ano porque binigay ko sakanya ang vcard ko eh ganon ganon na lang yon. Asa naman sya.
Nakatulog ulit ako sa sakit ng puson ko, nagising ako dahil may katok ng katok sa labas ng condo ko. Sino ba to! Nakakainis.
Surprise! I have something for you.
Anong ginagawa mo dito?
Tuloy tuloy itong pumasok at diretso sa kusina ko. Ano ba naman yan! -.-
Humiga kana don. Ipagluluto kita baby ng soup. And then I have this hot compress ilagay mo dyan sa ibabaw mg puson mo. Para malessen yung sakit. Go baby higa kana.
Hindi na ko nakipagtalo sakanya dahil masakit talaga ng puson ko. Pero iba siya ngayon ah, sincere lahat ng mga sinasabi niya. Parang good thing pa na may totoong bf na ko. What totoo? Nakoo Elisse wag kang feeling.
Lolokohin ka lang niyan. Lahat ng lalaki mangloloko.
