Nagising ako ng wala na siya sa tabi ko. Tumayo na ako at nilinga linga ang paligid. Shit! Bakit ko binigay sakanya ang bataan. Pero other side ko parang okay lang bakit ganon? Hayy. Hinanap ko ang damit ko. At isa isang sinuot. May note sa gilid ng kama, binasa ko ito.
Thanks Elisse, nauna na ko. May pasok pa kasi ako. Bye!
- tris
Umalis na ako ng condo niya, wala na din naman siya doon. Hmm, di ko alam. Pero parang malungkot sakin na paggising ko ay wala siya.
Pagkarating ko ng bahay ay nandon sila mom, nakauwi na pala sila. Umakyat na lang ako ng kwarto at sinabing inaantok pa ko. Syempre di naman nila ko tinanong, ganyan sila. Walang pakialam.
Dahil walang magawa at hindi naman talaga ako totoong inaantok eh nag browse na lang ako sa net.
Facebook login
1 friend request
Tristan Medina
Kumalabog bigla yung puso ko. I dont know why, kailangan ko na sigurong magpacheck up. Hindi maganda ang heart beat ko.
Nanginginig pa ako nang na accept ko ito. After a minute may nag pop up na message.
Tris - nakauwi kana? Im sorry di kita ginising.
Me - okay lang.
Tris - aw! Medyo lame.
What? Anong lame sa sagot ko. Kainis, ano irereply ko?
Me - wala namang lame sa reply ko.
Tris - haha! Meron kaya 😩
Me - Baliw! Haha.
Tris - Can I date you?
Me - for?
Tris - I just want to hangout with you. Know you better.
Me - alright.
Tris - thanks elisse. Ill pick you up later.
Me - lets meet up at Clabet Resto
Tris - sure. Thanks beautiful!
Omg. Bakit ako excited? At bakit kung anu ano na agad na damit ang dapat kung suotin. Bakit pag siya nakaka intimidate? Bakit pag sa iba naman proud na proud ako sa ganda at sexy ko. Di ko na alam. Bakit nga ba?
Thanks guys! Comment naman po kayo. :)
