02 -The Prince-

2.9K 59 8
                                    

"KULANG na lang ay magkaroon ng chimney sa bahay na ito at ikaw na talaga si Cinderella," reklamo ni Diane habang nililigpit ang mga pinagkainan sa dining room.

"Hindi rin, wala naman akong ugly step-sisters," kinibit ni Kisses ang mga balikat.

"Wala ka ngang ugly step-sisters pero mayroon ka namang evil foster brothers. Hindi ko mawari kung alin sa dalawang pares na iyon ang mas masaklap," muling maktol ng best friend niya.

Technically, pinsan niya ang tinutukoy ni Diane ngunit dahil ayaw niyang maaalala na kadugo niya ang mga ito ay hanggang foster family na lamang ang tingin niya.

Ngumisi siya. "Nag-away na naman kayo ni Blake, ano?" Kumunot ang noo ni Diane at tinapunan siya ng masamang tingin pagkatapos ay nagbuntong hininga.

"Humanap ka na nga ng Prince Charming mo, Kisses. Magpakasal ka na rin para mawala na rito ang pamilyang iyon at nang matahimik na pareho ang buhay natin," frustrated na sabi ni Diane na parang anumang oras ay magkakawrinkles na sa mukha.

Bumungisngis si Kisses. "Baliw ka, Ateng, hindi pa ako eighteen. Technically, minor pa ako. Hindi pa ako puwedeng ikasal."

"Asus! Problema ba iyon? Eh, 'di sa ibang bansa kayo magpakasal. Doon kayo sa Las Vegas!" suhestiyon ng magaling niyang kaibigan. Desidido talaga itong mawala ang mga Agustin, ano?

"Hindi ba't dalawa lang naman ang kondisiyon sa inheritance mo? It's either you're eighteen or you're married. Pakasal ka na lang! Ang tagal pa ng two months," reklamo ulit nito bago ilapag ang mga pinggan sa lababo.

"Ang problema kasi, D, wala naman akong boyfriend, wala akong Prince Charming kaya wala akong choice kundi ang maghintay na lang hanggang sa pagsapit ng kaarawan ko."

"Ang tagal naman kasi! Naiinip na ako na mawala sila sa buhay mo."

"Mawala sila o mawala si Blake?" nakangisi niyang tugon, sumimangot ang bruha.

Si Blake ay kababata nila. Anak si Diane Margot Ledesma ng katiwala sa mansiyon. Si Blake naman ay pinsan niya, isa itong Agustin. But they were cool. Hindi sila magkaibigan at hindi rin naman magka-away. Oo, galit siya sa pamilya Agustin pero kung may blacksheep man sa pamilya, si Blake iyon dahil ito lamang ang kahit paano'y nakakasundo niya. Si Diane lang talaga ang madalas nitong kaaway.

"Tse! Dyan ka na nga!" nakanguso pang sabi ni Diane bago nag-walk out. Naiwan sa kanya ang napakarami pang hugasin. Napakadayang bruha!

"DIANE, Please pumayag ka na, Ateng," pangungumbinsi ni Kisses.

Dadalo siya sa isang party. Kahit pa siya si Cinderella ayon kay Diane na naglilinis, nagluluto, naglalaba at nagsisilbi na parang alipin sa sariling pamamahay, sa tuwing may okasiyon ay humaharap siya sa mga tao bilang si Kisses Constantino— heiress.

Matalino nga si Rodolfo, ang foster dad niya at asawa ng half-sister ng kanyang ama. Nagiging mabait ito sa kanya sa harap ng ibang tao. Hindi rin niya magawang magsumbong ng mga pagpapahirap na ginagawa nito sa kanya. Palagi siya nitong pinauulanan ng mga banta, ng mga posibleng gawin sa oras na makarating sa ibang tao ang pagmamaltrato nito.

Isa pa, kung may lumabas na ganoong isyu ay wala ring maniniwala sa kanya dahil kilala ang mga Agustin at isa ito sa pinaka-respetadong pamilya. Walang kamalay-malay ang iba na sakim ang mga ito at nilulustay ang perang hindi naman nito pag-aari.

"Please, D, kahit ngayon lang. Ito na ang huli, promise." Ngumuso siya at itinaas ang isang kamay tanda ng pangako. Umiling-iling naman si Diane.

"Gusto ko na naroon ka, D. Kailangan ko ang tulong mo para makuha ang Prince Charming ko, para mawala na sa buhay ko ang pamilyang iyon."

Mapanuri ang tinging ibinato ni Diane. Kanina lamang ay pinag-uusapan nila ang bagay na iyon. Napag-isipan niya na may punto ito. Bakit pa ba siya maghihintay ng dalawang buwan kung puwede namang ngayon na?

"Paano kung wala kang mahanap na Prince Charming?"

"Tutuloy pa rin ako sa pag-alis. Hindi ko na kayang manatili rito, D. Tatakas ako kung kinakailangan."

Nanlaki at namilog ang mga mata nito. "Tatakas? Paano?"

"Aalis ako sa kalagitnaan ng party. Isasama kita roon para tulungan mo akong tumakas. May naipon na ako at nasa akin na rin ang orginal na copy ng last will ni Papa. Maghahanap ako ng mapagkakatiwalaang abogado. Kapag dumating na ang tamang oras, babalik ako at sisiguraduhin ko na makukulong sila."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa dress na susuotin para sa party. Tuluyan na iyong nalukot. Napupuyos siya sa galit.

Hindi ko na hahayaan na maulit pa ang muntik nang mangyari kanina.

"Pero, Kisses, two months na lang. Hindi naman puwede na umalis ka na walang kasama."

"Hindi ko na kaya pang magtiis ng dalawang buwan pa, Ateng."

Gumuhit ang confusion sa mukha ni Diane. Tiyak na nagtataka ito sa biglaan desisiyon niya. Nagawa niya magtiis ng sampung taon. Kung tutuusin ay maiksi lamang ang dalawang buwan.

Hindi na talaga niya kayang maghintay pa. Gustuhin man niyang sabihin ang dahilan ay hindi niya magawa.

"ANG ganda mo, K. Bulag na lang ang hindi makakapansin sa iyo. Siguradong luluwa ang mga mata at mababali ang leeg ng mga kalalakihan sa party."

"Ang ganda mo rin," aniya.

Ngumisi si Diane.

Mas matangkad ito kumpara sa kanya, hugis-almond ang brown nitong mata at hugis puso ang mukha. Naka-braid ang itim na buhok sa kaliwa. Black and white ang suot nitong mermaid dress.

"Kapag hindi mo pa napa-oo ang prinsipe mo, ewan ko na lang," ani Diane matapos siyang pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

Nagpaganda siya nang todo-todo. Kulot ang dulo ng mahaba niyang buhok, naglagay din siya ng make up na bumagay sa kulay ng suot. Isang silver venus-cut cocktail dress. Mataas ng dalawang pulgada sa tuhod ang laylayan at kita ang malaporcelana niyang balat.

I need to get my prince charming. I need to get out of here. But with prince or not, I would still go and escape from this dungeon.

"Uy, Chicks!" halakhak ng papalapit na si Blake. Ang guwapo nito sa suot na black suit. Naglalakad sa likuran nito ang nakatatandang kapatid na si Pierre. Kaagad niyang inalis ang tingin sa magkapatid dalawa at bumaling kay Diane.

Katulad ng inaasahan, naningkit ang mga mata nito sa inis.

"Bwisit talaga ang Blake na 'yan," reklamo ni Diane saka hinatak ang braso niya palabas ng bahay.

"Wala yung kotse ko. Pasabay," nakangising sabi ni Blake saka binuksan ang pinto ng kotse. Wala si Pierre. Mabuti naman.

"Gamit ni Kuya ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan pupunta." Kibit-balikat ni Blake noong nasa gitna sila ng biyahe. Nasa front seat ito samantalang sila ni Diane ay nasa likod.

I AM Kisses Constantino and I'll get what I want.

Iyon ang itinatak niya sa isipan nang makapasok sa hotel ng mga Mackenzie— isa sa mga kilalang pamilya sa San Joaquin. Iyon ang pinaniniwalaan niya noon, makukuha niya ang lahat ng gusto. Kailangan niya iyong paniwalaan ulit... kailangan niya iyon para makalaya.

Lumingon-lingon siya sa paligid. Hinanap ang kanyang target— ang Prince Charming; ang host ng party.

Crush na crush niya si Tristan noon. Madalas niya itong makita sa San Joaquin. Sino ba'ng hindi makakapansin sa binata? Kahit pa noong mga bata sila ay malakas na ang dating nito. Matangkad, chinito at sobrang guwapo kahit pa may pagkasuplado.

Nang mamatay ang ama ni Tristan ay iniwan nito ang maliit nilang bayan. Gayunpaman, masaya si Kisses na bumalik na ito.

Kailangan niya itong kumbinsihin na pakasalan siya. Sa kahit na anong paraan ay pipilitin niya ito. Kung kailangan niya itong pikutin ay gagawin niya. It would be like hitting two birds with one stone. Nagpakasal na sa kanya ang childhood crush niya, nakuha pa niya ang mana.

Sisiguraduhin kong makukuha kita kahit pa may nakaharang sa daraanan ko, Tristan Royce Mackenzie.

Captivated By Your KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon