Chapter 8:Weekends

1.5K 57 3
                                    

Dedicated sa'yo Bright_Princess! Sorry natagalan ang dedication kasi wala na sana akong planong mag-UD. Haha. xD

Enjoy readers!!:DD

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

FLASHBACK...

Nagkibit-balikat lang siya. Tinapit ko naman ang balikat niya.

"Don't worry. Tutulungan kitang totohanin yan. Ipaparamdam ko sayo na totoong tao ka. Okay ba?"

"Okay na okay! Thanks Cassandra."

"You're welcome Raph." and then we remained quiet after that. A peaceful kind of silence.

CONTINUATION...


***

Cassandra's POV 

Pagkadilat ko sa mga mata kong medyo mugto, ang gwapong mukha na naman ni Raphael na nakangiti ang bumulagta sakin. Aba kung ganito pala araw-araw ang sasalubong sakin, ayos na ata. 

"Morning Cass! We've prepared some breakfast already. Baba tayo!!" excited na tugon niya sakin habang hinihila-hila pa ang isang braso ko.

"Raph ang kulit mo. Chill ka lang muna mukha pa akong di tao. Mag-aayos lang saglit."

"I disagree with that. You're very pretty. But okay, I'll wait for you outside?"

"O-okay." ngumiti muna siya sakin bago lumabas. Grabe. He never fails to compliment me every now and then. Nakaka-flattered kaya. Haayyst stop with this na nga. Makaligo na muna. 

Matapos kong mag-ayos, lumabas na agad ako at nandoon lang si Raphael na nakasandal at pagkakita niya sakin, ngumiti siya agad at pumunta kaming kitchen.

"See! Dami noh? All of your favorite breakfast!"

"Ang dami nga at ang bango. Teka, paano mo pala nalamang mga paborito ko yan??"

"Ay nako Ineng, alas siyete gising na yang si Raphael at kinulit akong ipagluto ka raw namin ng mga paborito mo. Nakakatuwang binata. Palaging masaya eh diba?"

"Ay oo nga po Nay. Salamat po at tsaka sa'yo Raph."

"No problem. Upo ka dito Cass." then he pulled a chair for me. Ang gentleman naman.

"Thanks." 

"Ako narin maglalagay ng pagkain sa pinggan mo. Hehehe." tsaka nilagyan niya rin ako ng iba't ibang klase ng pagkain. 

"Uii Raph andami niyan di ko kaya yan!"

"Hindi kain ka lang to lessen your stress. Food helps a lot. How bout I feed you too??" tapos nag-slice rin siya ng pancake na may chocolate syrup narin na siya rin ang naglagay at tinusok iyon ng fork at itinapat sa bibig ko. 

"Ano ba Raph nakakahiya na. Kaya ko na sige kumain ka lang diyan."

"Okay lang. Please Cassie??"

Cassie?? Siya palang ang tumawag sakin ng ganun pero dahil irresistable talaga siya eh hindi na ako pumalag pati sa pagsubo niya sakin.

"Ay nako naman bagay na bagay kayong dalawa Ineng! Ang tamis tamis o." ngumunguya pa ako kaya di agad ako nakapagsalita.

"Balak ko kasing pagsilbihan rin tong si Cassie ya. Ako nalang kaya ang pansamantalang mag-alaga sa alaga niyo ya? Hahaha!" Mga pinagsasabi't pinaggagawa talaga ng 'sang to. 

My Mannequin Boyfriend(COMPLETED)Where stories live. Discover now