FINALE

1K 42 46
                                    

Cassandra's POV
Nandito na kaming lahat sa iisang private plane na pag-aari talaga ng agency ni Tita Jen at papunta na sa sinasabing resort na pag-aari raw ni Mr. Zack West. Narinig ko na minsan ang pangalan niya pero alam kong sikat siya since he's a young bachelor. Other than that, wala na akong alam.

"Oh em gee I'm so excited!! Ang gwapo gwapo nun!" sabi ni Marian at nakipag-apir kay Cathy. Oo nga pala, kasama namin sila kasi sabi ni Ate Jen isama ko na raw. Kilala niya naman ang dalawa kong bestfriends at para na din the more the merrier. 20 kaming lahat dito counting Tita Jen, Raph, Darra, Marian, Cathy, and the rest are the other models.

"Ugh. Ang ingay ninyo. I'm trying to get some sleep here." reklamo ni Darra kasi nasa harapan siya ng dalawa.

Hinayaan ko nalang sila at pumikit. Nauna na kasing natulog ang katabi ko dahil excited masyado. Para daw pagdating namin sa resort, full na energy niya para maglibot kami. Nako Raph. Wala ka talagang sinasayang na oras.

Darra's POV

"Ang KJ mo naman Darra. Balita ko din single pa siya. Tignan mo oh!!" at bago pa ako makasagot, nasa tapat na ng mukha ko yung magazine na hawak ni Cathy.

Isang lalaki na naka black suit, matangkad, itim ang buhok na sinadyang i-messy at yung mga mata niyang grayish? Tas yung ngiti niyang misteryoso pero swabe. Woah.

Ang gwapo nga. So this is Zack West.

"Ui kat-kat, natameme si Darra. Na mesmerize na din ni Papa Zack. Hahaha! " komento ni Marian.

"Ewan ko sa inyo. Mga isip bata. Don't disturb me. I'll be sleeping." sabi ko at tsaka pumikit na. Got to get some rest since I'll be meeting him soon. New prospect? Depends. Wink wink.

***

Cassandra's POV

Ang van namin ang nauna habang yung iba nakasunod din. Huminto kami sa isang malaking gate na may sign sa itaas na West Hotel and Resort. Yung gate may kakaibang pattern na parang pamilyar ata pero hindi naman siguro kasi ngayon pa ako nakapunta dito. Bumukas na nga ng tuluyan at nag-drive pa si manong ng ilang minuto bago huminto.

"Woah. Ang gandaaaaaaaa!!! " si Marian iyan habang nakataas pa ang dalawang kamay.

Tama nga siya. Nasa tapat na kami ng hotel at tanaw dito yung beach nila at white sand pa. Kanina, medyo na weirduhan pa ako dahil sa gate at yung security. Ewan ko ba. Tas ngayon, wow. Just wow.

"Hey Cassie. Come on. I'll help you carry your things to our room tapos libot tayo. Okay??" medyo natawa ako kay Raph kasi halatang halata na excited talaga siya. Sa bagay. First time niya ring makapunta sa ganito.

"Sure Raph. "

Nakarating na nga kami sa Room 331 kung saan raw ang kwaro namin. Una, inasar pa talaga kami kasi nasa iisang kwarto nga. Mga isip nila talaga pero di bale na nga. Di naman totoo.

Napasalampak agad ako sa kama matapos kong itabi yung mga gamit namin. Naramdaman ko ding ibinagsak ni Raph ang sarili niya sa gilid ko. Tumagilid ako para tignan siyang nakapikit pero may ngiti sa labi.

"Tired? " tanong ko.

"A little but I'm ready to go anytime if you want. " Sagot niya pero halata namang pagod siya.

"Let's sleep for a while." He smiled and nodded before closing his eyes. Ako din ay umidlip na.

***

Nagising ako ng naramdaman kong ako nalang mag-isa sa higaan. Madilim na ang kwarto. Pagtingin ko sa orasan, 9:01pm. Bigla akong kinabahan at agad na pinaandar ang ilaw. I scanned the room pero wala si Raph. May nakita akong maliit na papel sa higaan kaya kihuha koi yon.

My Mannequin Boyfriend(COMPLETED)Where stories live. Discover now