Chapter 7:His Unbeating Heart

1.7K 75 3
                                    

dedicated sayo kasi hindi ako makakapag-UD kundi dahil sa inspiration na nafeel ko sa message mo. :D

Thank you nga pala ulit!

Heto na ang update!

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

FLASHBACK...

"Cass."

"Bak------"

He hugged me.

"Don't worry. His not worthy enough for your love. You deserve someone better but for now, know that I'm here. I'll be your crying shoulder."

I just smiled and hugged him back.

CONTINUATION...


Third Person's POV

"Why don't you skip work for today and go somewhere else?" sabi ni Raphael habang hinagod-hagod pa ang likod ni Cassandra.

Bumitaw naman si Cass tsaka nagpunas ng mga luha niya.

"No. Kailangan kong pumunta sa boutique pero pwede mo ba akong samahan after?"

"Of course."

Ngumiti rin si Cassandra sa kanya tsaka umalis na sila para pumunta sa boutique. Pagkapasok nila, bumati ang mga tao.

"Good Morning Ma'am Cassandra." bati ng isang sales-lady. Bumati narin yung iba pa. May nagtaka at napatingin kay Raphael.

"Hi. I'm Raphael Warren Davis. Cassandra's friend." masayang pakilala nito. Bumati naman pabalik yung iba tsaka ngumiti. Iba kasi talaga ang aura ni Raphael. Yung tipong pag nakangiti siya, siguradong mapapangiti ka rin. 

"Ang gwapo ma'am ah. Manliligaw niyo?" pagbibiro ng isa.

"Hahaha. Hindi. Magkaibigan lang talaga kami." sagot ni Cass.

"Pero bagay kayo ma'am."

"Yiieeeeehhhh!" they all said in chorus. 

Tumawa lang ang dalawa at umiling.

Nagsimula na si Cassandra sa trabaho niya habang nakasunod sa kanya si Raphael at inoobserbahan ang pasikot sikot niya sa boutique.

"Di ka napapagod niyan?" tanong ni Cass.

"Hindi naman. Sige lang.


Cassandra's POV

Buti na rin at nasa tabi ko itong si Raph. Kahit pa hindi siya totoong tao, nasasandalan ko naman siya at sobrang bait niya talaga.

After we settled everything, pinabuksan ko na ang boutique.

"Okay na dito Raph."

"Alright. Saan ang sunod?"

"May photoshoot ako ngayon."

"Sige. Tara na?"

"Okay."


Third Person's POV

Pumunta na nga sila sa *** Modelling Agency. Habang naglalakad, maraming napapatingin sa kanila but mostly, kay Raphael kasi naninibago ang mga ito sa mukhang ngayon lang nila nakita.

"OMG! Ang pogiiii!" komento ng isang  babae.

"Oo nga! Is he a model rin??" sabi ng isa pa.

"Siguro. Gusto ko siyang makilala! Waah!!" marami pang ibang nagbubulung-bulungan na rinig naman nila Cass.

My Mannequin Boyfriend(COMPLETED)Where stories live. Discover now