Chapter 5: Meet my Friend

1.7K 73 4
                                    

~~~8:30am~~~

Third Person's POV

"What's your name?"  tanong ni Raphael kay Cassandra.

"Cassandra Kaye Smith."

"What a beautiful name. Suits you well." sabay ngiti nito.

"Pssh. Ang aga-aga nambobola ka na."

"Totoo kaya." 


~~~9:00am~~~

Cassandra's POV

Tapos ko ng gawin ang daily routines ko. Tiningnan ko si Raphael. Tumingin rin siya sakin ng may halong pagtataka. 

"Maligo ka." sabi ko. Hindi naman ibig sabihin na mabaho siya or what pero kasi, everyday routine yun diba so kailangan lang.

"I don't have extra clothes."

"Oo nga pala. Madali lang yan."

Tinawagan ko ang isa sa mga staff ko at pinakuha ko ng casual set: shirt, shorts, brief, shoes na panlalaki at maya-maya ay dumating na rin kaya lumabas ako para kunin yun at bumalik ulit sa kwarto ko.

Pumunta naman agad si Raphael sa banyo. 

Kinuha ko muna yung laptop ko at chineck ang website ko habang nakaupo sa kama at may tinigpan pa ng kung ano-ano. After a couple of minutes, bumukas ang pinto ng banyo kaya napalingon ako. 

"I'm done." sabi niya. 

Oh. Naglakbay ang paningin ko mula sa paa niya patungo sa tuwalyang nakabalot sa bewang, tapos sa abs, sa chest na medyo basa pa tapos sa mukha niya.. holy shit. I am checking him out! 

Napaiwas ako bigla ng tingin.

"B..Ba't di ka pa nakabihis?" tanong ko ng hindi pa rin nakatingin but in my perepheral vision, I can see him. 

"I forgot the paperbag."

"Ohh. Okay. Eto." sabay abot ko sa kanya sa bag.

"Thank you. Why are you not looking at me? Is there something wrong??" 

Napalingon agad ako sa kanya. "No No! Nothing at all." focus sa mukha Cassandra. 

"Okay. Sige, magbibihis lang ako." he smiled and turned his back on me bago naglakad patungong banyo. Look at how those back muscles flex as he walks.  Sexy. 

Argh! Bakit ang hot ng mannequin na 'yun?! And he's not even aware! Babae pa rin ako at lalaki siya. There's this thing called hormones but wait, meron ba siya nun?? Aba ewan. Palibhasa, masyado siyang inosente. 

Six packs. Darn. Ughh. Hinampas ko ang ulo ko. 

Kababae kong tao tapos ganun naging reaksyon ko pero hindi siguro matatawag na normal na babae kung hindi hahanga sa ganung katawan. 



***

Pinasuot ko ng hoody jacket at shades si Raphael at sumilip ako sa labas ng kwarto ko at tumingin tingin sa hallway. All clear. 

"Dali, sa likod tayo dadaan." sabay hila ko sa kamay niya at lumiko sa gilid.

At salamat naman at nakarating kami sa likod ng bahay. Iniwan ko muna si Raphael dun at kinuha sa garrage yung kotse ko at dumiretso ako sa likod para pasakayin si Raphael.

"Buti nalang at nakalusot tayo." he nodded.

"Where are we going?" tanong niya.

"Shopping! Ipamimili kita ng bagong damit!"

My Mannequin Boyfriend(COMPLETED)Where stories live. Discover now