Chapter 3: He just...

1.8K 77 10
                                    

~~~Sunday~~~

Cassandra's POV

Another weekend for me. Ano kayang gagawin ko ngayon? 

Hmm.. Aha! Alam ko na.  Bumaba ako at pumunta sa mini-boutique ko at hinanda ang mga gamit ko para.. I-make-over ang mannequin ko. Wala na kasi akong ibang maisip na pwedeng gawin kaya eto nalang, pampalipas ng oras.

Sinimulan ko sa wig. Blonde yung buhok neto kaya naman nilagyan ko ng konting light-brown para maging dark ng konti.

Sunod ay yung t-shirt na pinalitan ko ng light-blue na polo that matches his pants. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. 

"Ayan! Gwapo ka na! Ano sa tingin mo?" sabay tingin ko sa kanya ng nakangisi. Napaupo ako sa malapit na sofa dahil sa kashungahan ko. 

"This is just stupid. I'm talking to a lifeless mannequin. Siguro eto ang napapala ko kapag bored."

Matawagan nga yung dalawang bruha. Una kong kinontact ay si Cathy. Nag ring naman at agad na sinagot.

(Hello Cass, bakit?)

"Cathy, busy ka ba? Pwede mokong samahan?"

(Naku girl, gusto ko sana kaso may pinapaasikaso pa si mommy at daddy eh. Next time nalang?)

"Okay sige. No problem. bye."

Binaba ko na at tinawagan si Marian rin but turns out,  busy rin siya. Well, mag sho-shopping na lang ako at maglilibot-libot sa mall mag-isa. 


***

After kong mag-shopping, umuwi ako para matulog. Konti lang naman ang pinamili ko pero nakakapagod pa rin. 


~~~8:00pm~~~

After I ate my dinner, I decided na pumunta sa bar. Hindi naman ako maglalasing. Sasayaw lang.

Naglagay ako ng light make-up lang. Nakalugay ang mahaba kong buhok at nakasuot ng purple fitted dress which is an inch above the knees and is also matched with my 5-inches heels and lastly, ang maliit na black na hand bag ko.

So I'm ready to go.


***

Pinarada ko ang kotse ko sa parking lot tsaka pumasok na sa bar.

Pagkapasok ko, bumungad sakin ang malakas na music at ang iba't ibang amoy tulad ng mga alak and cigarettes. Well, what do I expect diba? ganito talaga sa mga bars. Umupo muna ako sa isang stool sa may bar counter.

"What can I get you ma'am?" tanong sakin nung bartender.

"A glass of lost cherry."

"Okay ma'am."

After a few minutes, binigay na sakin nung bartender yung order ko. Pagkatapos kong inumin ito, dumiretso ako sa dancefloor. I danced with some strangers. Okay lang naman sakin at least I'm enjoying for the mean time.

Tumigil muna ako sa pagsasayaw kasi kailangan kong pumunta sa bathroom. Nag re-touch ako ng konti and natapos rin ako.

Sa paglabas ko, hindi ko ini-expect ang makikita ko sa may gilid. Lumapit ako sa dalawang taong nagme-make-out para makasigurado.

And I was right.

Hinablot ko ang buhok ng babae para makalayo siya sa boyfriend ko.

Yes. It was Matt.

"What the heck?!?!" inis na sabi sakin nung babae.

"Cassandra??!!" gulat rin si Matt pagkakita sakin.

"The one and only. At ikaw!" sabay duro ko sa pagmumukha ng babae.  "Do you know that he's my boyfriend??" singhal ko sa kanya.

"Oh please! Ako kaya ang girlfriend!" sabi nung malanding babae.

Ngayon napatingin ako kay Matt.

Tinanggal ko yung singsing sa daliri ko na bigay niya nung first anniversary namin last month.

"Here! you fuckin' asshole!! One week out of town pala ah? Manloloko ka! We are totally over! Magsama kayo ng babae mo!"

"Cass! Let me explain!"

Rinig ko pa si Matt na tinatawag ako but I've had enough of him. Dumiretso ako sa parking lot and went home.

Its already 11pm kaya tulog na ang mga tao. Kumuha ako ng wine at dumiretso sa mini-boutique ko. Nilaklak ko ang alak without any glass. Inom lang ako ng inom hanggang sa nag-replay sakin yung sa bar. He cheated on me.


This time, tumulo na talaga ang mga luha ko.

"Akala ko ba... pag iinumin kita... makakalimutan ko sagilt...ang sakit ha??!!"

Binagsak ko yung wine sa maliit na table.


Third Person's POV

Umiyak ng umiyak si Cassandra tapos uminom ulit. Tumayo siya at naglakad patungo sa mannequin ng pagewang-gewang na.

Dahil narin sa kalasingan, inakala niya na si Matt yung mannequin.

"Ikaw! Alam mo.. bang.. mashaaaakkiitt yung ginawa  mooooo??!!!!"

Hinahampas hampas niya ito sa dibdib habang umiiyak.

"Pero.. halam mo?? mahaaal na mahhaaal kitaa..."

Nakaramdam siya ng pagod dahil sa pag-iyak.

"Pa huuugg nga...*"

"Ang shakeeet.. mashakeeet.. sa puso..." then she sobbed. 


Cassandra's POV

Hindi na ako masyadong nakakapag-isip kung ano bang ginagawa ko but one thing is for sure..

I felt this mannequin hugged back tapos...

"Okay lang yan."

BLACKOUT


to be continued...

----------------------------------------------------------------------------------------------------

eto na ang chapter 3 :D sana comment and vote rin if gusto niyo :)

-Claire Montecino

My Mannequin Boyfriend(COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora