Chapter 6

13 0 0
                                    

Class



Sinusundan lang ni Nash ang mga kasama niya na ngayon ay papaakyat na ng hagdan para humanap ng mauupuan. Well, the students are also busy finding a nice spot to settled on. May mga naka-uniporme na ring mga guro sa entablado na umuokopa sa mga nakahilerang upuan. She wondered why kung para saan ang pagtitipon na ito. Mukhang auditorium ang napasukan nila. Ilang minuto muna ang lumipas bago may nagsalita sa harap ng entablado. Napag-alaman niyang presidente at ang may-ari ito ng paaralang pinapasukan.

The president warmly welcomed them to the school, especially them, the newbies. After thirty minutes ay natapos rin ito. Jisleh and Charles accompanied her to her classroom and there she saw Caden sitting near the window. Nagmamadali siyang pumasok sa room upang tumabi kay Caden dahil may bakante pa sa left side nito. 

Napansin niyang nagkakahiyaan at nagtutulakan ang ilang mga babae upang umupo sa tabi nito. She rolled her eyes and immediately took the sit beside Caden. Napasinghap ang mga babae ng makitang okupado na ang upuan na balak sana nilang pag-agawan. Nashelle laughed on her thought.

"Hi Cad, long time no see." nakangiti niyang bati dito at hindi pinansin ang mga babaeng nanatiling nakatayo sa kanilang gilid at harap. Pathetic losers! Alis!

Caden just look at her and sighed. She grinned and took her sticky notes and pen on her bag. Then, a mid thirty woman who wore a teacher uniform entered the classroom. Nagmamadali namang nagsihanapan ng mauupuan ang mga kaklase nilang nakatayo pa rin. Napansin niyang may umupo sa tabi niya pero isinawalang bahala niya lang ito.

Nagsulat siya sa kanyang stickey note ng pangalan niya at isinulat niya rin ang pangalan ni Caden sa isa pa. Ang may pangalan niya ay idinikit niya sa sandalan ng kanyang upuan at ang kay Caden naman ay idinikit niya rin sa sandalan ng upuan nito. Hindi naman ito nag-reklamo at hinayaan lang siya. Well, hindi naman talaga ito nag-rereklamo sa kahit anong gawin niya.

"Good morning class. I'm teacher Jane, your classroom adviser and your English subject teacher." pakilala ng guro sa kanila.

They greeted her back. Nagpaalam ito na kukunin lang daw ang master list dahil naiwan sa faculty office. Kaya naman pagkalabas mismo nito ay nagsimulang mag-ingay ang klase. May ilang magkakilala na at ang iba ay nakikipagkaibigan pa lang. 

On her case, she doesn't need new friends or what. Si Caden pa lang ay sapat na. Matalino ito kagaya niya at pwede na ring utusan na samahan siya kahit saan siya magpunta. Tumaas ang kilay niya ng mapansing lalaki ang nasa kaliwang bahagi niya.

"Hi, I'm Earl." pakilala nito ng mapansing nakatingin siya dito. Nashelle's wearing an annoyed look. Nakangiti itong inabot ang kamay sa kanya. Well, he's kinda cute. Sa isip-isip ni Nash. She was about to throw some sarcastic remarks when Caden poke her arm. Nilingon niya ito na may pagtataka sa mukha. Caden's now wearing an irritated look. Oh, what have I done? Nagtatakang tanong ni Nashelle sa sarili. Wala pa nga siyang natatandaang ginawa ay naiirita na ito.

"Palit tayo." tanging sabi nito sabay kuha ng bag at tayo. Nagtataka man ay tumayo rin siya at kinuha ang kanyang bag upang magpalit sila ng pwesto. Mas maganda nga naman ang malapit sa bintana.

Dumating na rin sa wakas ang kanilang adviser at tinawag ang pangalan nila isa-isa upang siguraduhin na nasa master list sila. Kapag natawag ang pangalan ay magpakilala sa harap ng klase at magsasabi ng tatlong bagay na kinahihiligang gawin o bagay na naaayon sa sarili.

"Nashelle Sean Akira Medina." tawag ng kanilang adviser. Tamad na tumayo si Nash at ngumuso kay Caden bago pumunta sa harap. May narinig siyang bulong-bulungan but she just rolled her eyes mentally.

The Mischievous and The UnpredictableWhere stories live. Discover now