Chapter 12

3 0 0
                                    

Fastfood



Kasalukuyan akong naghihintay kay Caden na ngayon ay nasa counter upang um-order ng aming pagkain. Most of the customers here are students from different schools. Kapansin-pansin ang mga babaeng nagnanakaw-tingin kay Cad na masyadong oblivious sa kanyang paligid. May ilan pa ngang nagtutulakan sabay hagikhik. I rolled my eyes in their so cliché moves. I busied myself with my phone hanggang sa naglapag na nang pagkain si Caden sa mesa namin.

"Girls are ogling at you." I stated habang kumukuha na ng fries. He sat in front of me and arranged all the foods in our table not minding the words I said.

"I don't see it. Let's eat." sabi niya.

"Lumingon ka ng makita mo." sabi ko na may halong pang-aasar.

"Hindi ko alam kung para saan pa." he said habang nagsimula na ring kumain.

"Nerd." bulong ko. He glared at me in annoyance. I only smirk.

"Just eat." sagot niya.

Kumain na rin lang ako. Siya pa naman ang nagbayad ng lahat ng ito. Ni hindi ko halos nagagalaw ang allowance ko dahil palagi nalang akong nalilibre. I sometimes volunteered to pay for our snacks pero sinasamaan niya lang ako ng tingin. Oh well, my gain.

"My teammates invited me to have a sleepover. Wanna come?" anyaya ko sa kanya.

"Your teammates are all girls." sabi niya.

"Yeah but they invited some of their male friends or boyfriends." pagsabi ko no'n ay bigla siyang natigilan.

"At tutuloy ka pa rin? Akala ko kayo-kayo lang since it's a sleepover intended for your teammates." salubong ang kilay niyang sagot.

"Well, that's what I thought too. But the girls thought that it would be better if there are some boys who can do some errands." sabi ko sabay ngisi. "And besides, sa isang resort na pagmamay-ari ni Sheye gaganapin ang sleepover."

"Sheye?" tanong niya.

"One of my teammates, we're not that close. Sila ni Hecatte ang close but she said na okay lang if magdala din ako ng kasama."

"What did your parents said?" tanong niya.

"Well, they agreed but you'll need to come." nakangiti kong sabi sa kanya. "Naka-oo na rin kasi ako kina Ash. Matagal na nila akong niyayaya but I always decline kasi I don't feel like going pero since pwede ka namang isama, go na tayo." tuloy-tuloy kong sabi. He scoffed and glared at me.

"Please? Tiningnan ko ang resort nina Sheye sa website nila, maganda naman. I think mag-i-enjoy tayo do'n. What do you think?" nakataas-baba ang kilay kong tanong sa kanya.

"Do you really want to go?" mataman niyang tanong.

"Yeah? Wala akong gagawin this Saturday kaya mababagot lang ako sa bahay. Tapos ko na lahat ng activities sa school. How about you?"

"I'm done with everything, too. Alright. But you must behave, Nashelle Sean Akira." seryoso niyang sabi.

"Of course!" masaya kong sabi.

Magana akong kumain habang nagpa-plano sa utak ko kung anong magandang gawin sa araw na yon. Wala akong plano na ubusin ang oras ko kasama ang halos hindi ko kakilala sa araw na yon. Hmmm

"Thanks! Mauna na ako." paalam ko kay Cad pagkarating namin sa bahay. Hindi ko na siya hinayaang bumaba pa.

"Alright. See you tommorrow." sagot niya. I just waved my hand as a response to him.

"I'm here!" sigaw ko pagpasok ng bahay. I looked around. Ang tahimik. I went to the kitchen when I heard something.

"Hello, ate Myrna, where are they?" tanong ko sa bagong hired na house helper ni mama na ngayon ay naghuhugas ng pinggan.

"Nandiyan ka na pala. Nagbilin sina ma'am at sir na may dadaluhan silang party ngayon at medyo matatagalan. Si sir Nashton naman ay kakauwi lang din pero umalis din kaagad. May importanteng lakad daw siya." sagot  niya.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Tiningnan ko ang akong cellphone at nakitang may mensahe nga si mommy.

Mom

Hey, baby. We're going to a party. Stay with Caden kasi invited din ang tita Leigh mo.

Napairap nalang ako pagkatapos kong basahin ang messaged niya. I immediately went to my room and took a shower. I wore an oversized t-shirt and a cotton shorts. Napatingin ako sa aking wall clock at nakitang alas siyete palang so I decided to watch some movies.

Saktong pagbukas ko ng aking pintuan ay ang mukha ni Caden ang sumalabong sa akin. He's wearing his pambahay already. He stayed still and intently watching me. My heart beats fast. Pigil ang hininga ko dahil sobrang lapit ng mga mukha namin.

"I was about to knock." sabi niya sabay baba ng kanyang kanang kamay na nakabitin sa ere.

"Let's go to the entertainment room." sabi ko sabay hila sa kanya pilit isinantabi ang kakaibang nararamdaman.

"Are you going to sleep here?" tanong ko pagkaraan ng ilang saglit. Naghahanap pa rin kami ng mapapanood.

"I don't think so. I'll just accompany you here while waiting sa parents mo." sagot niya sabay click sa isang science-fiction movie.

"Alright."

Magkatabi kami ngayon sa malaking sofa bed. Nakapalibot sa amin ang mga throw pillows. Seryoso lang siyang nakatingin sa malaking LED SCREEN.

"Don't you want something to eat?" tanong ko sa kanya.

"I'm still full." maikli niyang sagot.

"Comforter, you want?" alok ko sa kanya. Medyo maginaw pa naman sa entertainment room namin. Tinaas niya ang kanyang kilay at pinitik ang aking noo. "Ouch." reklamo ko sa kanya sabay bigay ng masamang tingin.

"Don't make this hard for me." he murmured.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mischievous and The UnpredictableWhere stories live. Discover now