Chapter 8

6 0 0
                                    

Grade 9




"Good morning tita!" bati ni Nash sa mommy ni Caden. It's the first day of school at himalang maaga siyang nagising. Well, people change. Sa totoo niyan, inagahan talaga niya upang siya naman ang sumundo kay Caden sa bahay nito for the very first time. Grabe ang tawa niya kanina ng makita kung gaano ka gulat ang kanyang ina't ama nang makita siyang kumakain ng cereals sa kusina. Kakababa lang ng mga ito mula sa itaas. Kahit ang kuya niya ay nasamid mula sa pagkakainom ng tubig pagkatapos makita siyang prenteng nakaupo habang kumakain. Ngisi lang ang isinagot niya sa asar nito.

"Good morning too, Nash! Wow. You're so early!" hindi maitatago ang pagkabigla sa boses nito ng tuluyang buksan ang pintuan.

"Early bird catches worms, sabi nga nila." komento ni Nash ng makapasok na sa bahay. She heard her chuckled. And indeed! Hindi niya alam ang ire-react ng makita si Caden na tanging towel lang ang nakabalot sa ibabang bahagi ng katawan nito.

"Mom, did you see my- holy shit! What are you doing here, at this early Nash?" gulat na tanong ni Caden na ngayon ay mahigpit na nakahawak sa tuwalyang nakapulupot sa bewang nito.

Kailan pa nagkaroon ng munting pandesal si Caden?? At kailan pa nangyari na mas tumangkad pa ito sa kanya? Nashelle blinked when Caden threw a shirt on her face. Nash glared at him, but Caden just grinned and raised his eyebrow.

"Cad! Ba't hindi ka pa nagbibihis? Pumasok ka nga sa room mo." sabi ng mommy nito sabay tulak papuntang itaas. Umakyat naman ito pero lumingon pa ito sa kanya ng isang beses bago tuluyang umusad.

Pinapakalma ni Nashelle ang kanyang sarili habang nakaupo sa sofa. She didn't know why but her heart beats as fast as she could ever imagine after seeing Caden in that situation. She shook her head in annoyance. What was happening to her?

Hindi sanay si Caden na tahimik si Nash sa byahe na siyang ipinagtataka niya. Kailan pa ito naging mute? Kaya naman sinadya niyang banggain ang braso nito.

"What?" nakakunot ang noo nitong tanong. Agad naman niyang itinaas ang dalawang kamay.

"Sungit. What have I done?" mapagkumbabang tanong niya rito. Umirap ito bilang sagot. "Hey.." He pokes her arm.

"Wala. I'm not just in the mood, 'kay?" sagot nito na nakairap.

"Halika ka nga rito. May topak ka na naman.."

Hinayaan ni Nash na ilagay ni Cad ang ulo nito sa kanyang balikat na para bang normal na sa kanila ito. She didn't even protest when he holds her hand and eventually intertwined it together.

"Look how it perfectly fits." amused na komento nito habang nakatingin sa magkahugpong nilang kamay.

"Hmmm, yeah.."

Gaya ng nakasanayan, si Caden ang nagdala ng bag ni Nash habang papunta sa kanilang classroom.

"Bro!" napatingin si Nash sa lalaki na tumapik sa balikat ni Caden. Kasalukuyan silang naglalakad sa hallway ng makasalubong ito. Bahagya tumingin ang lalaki sa kanya but Caden immediately blocked her view. He heard a chuckle.

"Quiet possessive, but anyway practice mamayang four, pinapasabi ni coach."

"Yeah, see you later, Red."

"Who's that?" tanong ni Nash ng tuluyan na itong makaalis.

"A basketball team mate." tanging sabi nito.

"Alright. Can I watch?" tanong niya

"Why? Don't you have any practice?" balik tanong nito.

"Right! I forgot." natatawa niyang sabi

The Mischievous and The UnpredictableOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz