Chapter 1

24 1 0
                                    

Graduation



"Mom! Hurry up!" sigaw ni Akira sa kanyang mama na kanina pa na sa kwarto nito at nag-aayos ng sarili.

"Dad! Kuya! Ano ba?! Kapag ako na-late sa graduation march, patay kayo sa akin!" inis niyang sabi sa mga ito. She hated being late. Yun ang isa sa pinakagusto niya sa sarili. Yun kasi ang turo ng daddy niya. Sabi nga nito "Time is gold". Pero tingnan mo nga naman, mag-aayos lang ng susuoting damit ay umabot na nang halos tatlumpong minuto.

"Mom!" muli niyang sigaw. Kanina pa siya nakaayos at nakahanda para dumalo ng graduation nila. Magtatapos na siya ng elementarya sa wakas. Excited na siyang mag-high school dahil alam niyang may bago na naman siyang magiging prospects. She grinned at the thought. Iyon nga alang kung may haharang-harang sa kanya. Natatawa siya sa naiisip. Wala kasing nagtatangkang kumalaban sa kanya.

"Coming baby!" sagot ng kanyang mommy sa wakas na ngayon ay pababa na ng hagdan kasama ang kanyang daddy. Todo ngiti ang mga ito sa kanya habang siya ay pinaikot lang ang mga mata.

"Seriously guys? How long does it takes to wear your fancy clothes?" naasar niyang tanong sa mga magulang.

"Oh cm'on Nash, this is one of your special occasion. And we want to be almost perfect." sabi ng kanyang mom. Well, there's no such thing as perfect. Nag-abala pa talagang mag-order ng new set of clothes ang kanyang mommy para suotin sa araw na'to. Napansin niya lang.

''You're mom is right baby." segunda naman ng kanyang daddy habang iginigiya na sila palabas ng bahay.

''Nashton! You better hurry lad!" sigaw ng kanyang daddy sa kuya niyang daig pa ang babae sa sobrang tagal magbihis.

"Whoah guys! Huwag niyo namang iwan ang kagwapuhan ko!" sagot ng kanyang older bro na ngayon ay nagmamadaling bumaba ng hagdan. Akira just rolled her eyes. Sanay na siya sa kanyang kuya na GGSS (Gwapong-gwapo sa sarili).

"Kuya, why don't you just used your own car?" sarcastic niyang tanong dito.

"Ayoko nga. Tinatamad akong mag-drive." sagot nito habang pinagbuksan siya ng pinto. Sumakay na ang kanyang mga magulang sa front seat ng kanilang four-wheels.

"Lazy toad." sagot niya dito ng tuluyang makaupo na sa likurang bahagi ng sasakyan. Ngumiti lang ang kanyang kuya ng mapang-asar. She rolled her eyes. Siguradong pagkakaguluhan na naman ang kanyang kuya mamaya. Tsk. Nashton Thaddeus is a varsity player and a ramp model. Halos lahat ng mga kaklase niya ay may gusto sa kuya niya. Kaya hindi niya pinapayagan na ito ang maghatid sa kanya o kaya ay magsasabay sa kanya papasok sa eskwela. Marami ang mangungulit sa kanya lalo na ang mga single nilang teachers. Kadalasan pa naman ay mga fresh graduate pa. Ew. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakita ng mga ito sa kuya niya.

"Nash, alam kung gwapo ako kaya hindi mo na kailangan pang suriin ng mabuti ang mukhang to." sabi ng kanyang kuya sabay hawak sa mukha nito.

"Kuya, huwag masyadong feeler. Hindi ka gwapo okay? Sadyang kakaiba lang talaga ang mukha mo. Ewan ko nga kung saan ka nagmana. Gwapo si daddy. Maganda naman si mommy. At dahil nagmana ako sa kagandahan ni mommy, so I'm sure maganda rin ako. But, how about you? Hindi mo kasi namana ang kagwapuhan ni daddy. I really wonder kung bakit mukha kang alien." asar niya dito.

Her kuya just gave her a tongued-out as a response. Isinalampak na nito ang headphone sabay head bang. She rolled her eyes. Kahit kasi ano ang gawin niyang pang-aasar sa kuya niya ay hindi ito tinatablan.

The Mischievous and The UnpredictableWo Geschichten leben. Entdecke jetzt