Chapter 21: Gorgon's Haven

Start from the beginning
                                    

He went into the room where Fate had stayed and started looking for something useful. He saw her white shoulder bag and there was nothing there except a make-up kit and a small black notebook. There was no phone there. He sighed.

Na-curious si Ayden sa notebook na nasa bag kaya kinuha niya ito at unti-unting binubuklat.

Hindi pala ito basta isang notebook lang kundi isang makalumang aklat. Mukha lang itong moderno dahil pinalitan ito ni Fate ng cover.

Tiningnan niya ang lahat ng pahina, pero wala siyang maintindihan. Para bang nakasulat sa kakaibang lengwahe.

If he was not mistaken, it was an ancient gorgon writings.

Pero bakit mayroon nito si Fate? At para saan ang notebook na hawak-hawak niya?

Nawala sa isip, narinig ni Ayden ang tunog ng cellphone na hindi naman kalayuan sa kanya. Nasa kama nagmumula ang tunog at sa ilalim pa ng unan.

Kinuha niya ang phone at nabasa niya ang pangalan ni Sunshine na tumatawag.

Dali-daling sinagot ni Ayden ang phone.

“Hello?” Boses ni Sunshine ang nasa kabilang linya. Mukhang hindi maganda ang mood nito at halatang natataranta.  “Hello Fate? Asan ka na ba? Kanina pa ako dito sa restaurant. Ilang oras na oh! Wala ka pa rin. Asan ka na ba? Pupuntahan na kita diyan at-----“

“Hindi dumating si Fate sa usapan?” Inulit ni Ayden ang maga salita para manigurado. His heart beat even rapidly at the thought of Fate.

Sa kabilang linya, lihim na ngumingiti si Sunshine.

“Mr. Ayden, you are already in my trap.”

Ang pag-ibig nga naman, karaniwang dahilan upang matanga ang isang hindi pangkaraniwang nilalang.

“Is this Ayden?”  She asked again even if she already knew.

“Yes.”

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Sunshine.  Mayroon ngang kakaiba sa dalawa simula nung una niyang nakita si Ayden na kasama ni Fate. There was something between the two, and now she knew why.

The Gorgon Heiress was falling in love with her boss.

Too bad, Ayden was way handsome to be killed.  Sayang.

Pero sabi nga nila, para mas babaon ang sakit, hindi physical ang dapat saktan, kundi ang puso ng isang tao. Mas tumatagal ang sakit sa loob kaysa sa panlabas. Alam ni Sunshine ‘yun nang mawala ang Mama niya. Alam niya ang pakiramdam na bitbit ang hapdi ng nakaraan hanggang sa kasalukuyan.

“Bakit nasa ‘yo ang cellphone ni Fate?”

“Kasama ko siya kanina.”

It was true enough. Pero para bang may kakaibang nararamdaman si Ayden para hindi sabihin sa babaeng ito na kasa-kasama niya si Fate lagi. Something bothered him. He just didn’t know why.

Pero isa lang ang masasabi niya, nawawala si Fate.

Damn! Dapat hindi na lang niya pinakawalan kanina.  There was no one to be blamed for, but him.

“Ayden, samahan mo ko please. Hanapin natin si Fate. Nag-aalala ako sa kanya eh. Baka mapaano ‘yun. Puntahan natin siya sa condo niya. Baka nandun lang si Fate.”

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Where stories live. Discover now