Special Chapter

3.3K 69 4
                                    

3rd Person's POV

Tapos na ang laban... tapos na, wala na ang magkakaibigan... pero hindi lang sila ang nawala, lalong lumakas ang pagsabog dahil sa nilagay nila ang kanilang mahika sa bomba, sinakop ng pagsabog ang buong kaharian ng White, kaya lahat ng tao na nasa White Kingdom ay namatay...

As in lahat talaga ng tao... lahat ng tao sa 4 na Kingdom ay namatay

Sa gitna ng maraming nakahandusay na tao ay may dumating na apat na babae, ang magkakapatid na pinaka unang namuno sa apat sa kaharian

"Mga Kapatid ko, sinasabi ko na nga ba't mangyayari ito" sabi ng isang babae na nagngangalang Whickelia

"Dapat pala ay hindi nalang natin ipinagkatiwala ang ating mga kaharian sa iba, edi sana'y hindi ito nangyari, hindi nawala ang may hawak ng Lahat ng mahika" sabi naman ng isa na nagngangalang Mystica

"Wala na tayong magagawa, nangyari na" sabi ni Blare

"Mga kapatid ko... may nararamdaman akong kakaiba, naghiwahiwalay ang mahika ni White at ito'y na salin na bigla sa iba, at sila ay nasa Mundo ng mga mortal" ang seryosong sabi ni Majestica

"Kung ganon ay kaylangan natin silang hanapin at dalhin dito, kaylangan nating maparaming muli ang mga magic user dito sa ating mundo"-Mystica

"Kung ganon, tayo na uli ang mamumuno dito?" Masayang sabi ni Blare

"Oo Blare, tayo na ulit ang mamumuno dito"- Whickelia

"Uhm... guys, isa pa sa mga nararamdaman ko ay wala nang natirang Wizard at witch, puro Elemental users nalang ang natira, nagkalat na sila sa Mortal world, at kaylangan na nating hanapin"-Mystica

***

Nagsimula nang maghanap ang apat na magkakapatid, at doon nahanap nila ang magical user ng Air,Thunder,Water, and ice... hindi pa nila nahahanap ang dalawa na Fire and Fire Elemental User... bukod sa nahanap nilang apat na matataas ay nakahanap na sila ng maraming may mahika

Ang Air user na si Azheera
Ang Thunder user na si Tyler
Ang Water user na si West
Ang Ice user na si Isha

Nadala nila ang apat sa magical world at naatasan silang hanapin ang dalawa pa

*******

Abangan na po ang mga sunod na pangyayari sa BOOK 2 !!!

Thanks for reading the Special Chapter

WHITE ACADEMY SCHOOL OF MAGICS  [Under Revising]Where stories live. Discover now