Chapter 39 - War starts NOW

2.3K 71 2
                                    

'White's POV'

Nakaayos na lahat... Ang mga healers, nakapalibot na sa buong White kingdom at may kasamang mga wizards na galing sa Mystic Kingdom, lahat ng mga taga Majestic kingdom ay nakakalat na sa may west side ng Kigdom at ang Majestic Kingdom ay sa may East, and the rest ay sa North and South part ng kingdom

Kami nila Black,Blue,Ash,Ruby,Dark,Aqua and Gray ay nasa may North dahil sigurado kamig dito sila unang susugod... Ang mga Ladies ay nasa may likod namin sina Mama at Papa pati na rin ang mga nagtatrabaho sa Castle ay ang nagbabantay sa castle... pero siguradong mahihirapan sila sa pag pasok sa teritoryo White Kingdom dahil may Barrier sa dadaanan nila

"White"tawag ni Black sa pangalan ko

"Hmm?"

"Kung mawawala na tayo ngayon, sana hanggang kabilang buhay tayo parin"

"Oo naman shempre, walang makakapaghiwalay satin" sabi ko sa kaniya kaya hinawakan niya ang kamay ko

"Guys, kaya natin to, lalaban tayo hanggang sa wakas, ililigtas natin ang White Kingdom" ginamit ako ang Air messenger power ko para iparating sa kanilang lahat yan

***

Madilim na ang kalangitan,it means, magsisimula na ang laban...

"Lalaban ako hanggang sa huli kong hininga bilang ako ay isang Prinsesa ng Kaharian ng White" sigaw ko

"Lalaban ako at hindi ako uurong dahil ako ay ang nagiisang prinsipe ng White Kingdom"-Blue

"Hindi ako susuko, kahit buhay ko pa ang kapalit ng pagkapanalo ng White kigdom dahil isa akong Prinsesa" napangiti naman ako sa sinabi ni Ruby, ngayon ko nalang ulit siya nakitang ganyan kaseryoso simula nung huli kaming magaway

Maya maya pa ay may mga nakita na kaming paparating, at sigurado ako na ang mga taga Black Kingdom na yun

Tinanggal ko na ang pagkakahawak ko sa kamay ni black at nilabas na ang Twin Gun ko, at naglabas na ng kanikanilang weapons ang lahat

Maya maya pa ay nagsimula na ang laban, may lumapit sakin na isang Black Wizard at itinutok niya sakin ang wand niya

"Wow! Ang ganda ng wand mo, pero sorry mas maganda yung akin" sabay labas ko ng Wand ko

"Tss. I don't care... Neutaimbyo Merukusxtsha" nagsabi siya ng spell na pampatulog at di na magigising pero dahil matalino ako, binlock ko agad ang spell na yun

"Galing ah, Vertuxenatiyo Jabitendasgha" spell na para mawala siya sa sarili niya, in short nababaliw

"Napaka easy lang palang kalaban nito"bulong ko at may naramdaman akong parang masakit yung Right arm ko

At pagtingin ko sa likod, dun lang nagsink in sa utak ko na ginamitan ako ng Air Blade nitong Babaeng naka itim

"Oh hello Air Use ---" di ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong itulak, hindi tulak na gamit ang kamay ha, pero ganun na nga, kaso lang tinaas niya lang ang isa niyang kamay at naglabas ng malakas na hangin kaya eto ako ngayon napasalampak sa may tabi ng malaking puno, aray lang ha, ang sakit!

Agad ko siyang binasa ng tubig... pero ngumisi lang siya, ano nga naman bang magagawa ng tubig diba?pero tanga lang niya nag labas ako ng thunder bolt kaya ayun siya ngayon nangisay at nakahiga na, sayang ate, ganda mo panaman masama ka nga lang

oh sheyt! Tatlo tatlo agad? Grabe naman to!

"Di ba pwedeng isa isa lang?" Bulong ko na narinig naman nila

"Prinsesang lampa" sabi ni pangit 1 kaya tumawa silang tatlo

"Psh... lampa pala hah!?"

Isa isa ko silang binasa at binigyan din ng thunder bolt

"Mangisay kayo jan"

Blue's POV

"Hoy pangit! Pakita mo nga yang pangit mong muka, kaya siguro ayaw mo tanggalin yang hood mo hahaha" sabi ko dito sa kalaban ko ngayon na isang Shadow manipulator

"Psh, tanga mo pre!bakit di ka gumagalaw jan ha!?" Sigaw ko pero di parin siya gumalaw

Kaya binato ko siya ng madaming Fire balls, pero kakagulat lang hah, pero walang nangyari sakaniya, tumingala siya at nakita ko muka niya na sunong, sabi na eh tumalab sa kaniya yung apoy, kala ko hindi, haha

Pero laking gulat ko nang ngumisi siya at bigla akong inikut-ikutan hindi basta inikutan lang, yung mabilis kaya eto nahihilo ako ngayon,hahaha

Agad akong naglabas ng Air blades at ipinalibot iyon sa akin, at iyon siya boom! Hahaha daming galos, haha, habang tinitignan niya ang mga galos niya naglabas na ako ng Water Spikes,Fire Ball,Air Blades,and Thunder Dragon

Nice Combination... lusaw siya! HAHA!!!

Ruby's POV

"Good catch Witch!" Sabi ko sa kalaban kong witch...

Pano ba naman kasi, binato ko ng napakaraming Earth Rocks, pero nailagan niya lahat

Nilabas niya yung walis niya at saka sumakay doon.....

"HOY WITCH! BUMALIK KA DITO!!!"sigaw ko kasi lumipad siya palayo

Dwag pala, makahanap na nga lang ng ibang makakalaban

Tumalikod na ako ang maglalakad na sana pero may narinig akong MGA tumatawa, take note marami sila... humarap ako ulit at nakita ko yung kalaban kong witch na may mga kasama nang mga witch

"Tss. Dwag nga, at nagsama pa talaga ng mga kauri niya... psh tingnan natin ngayon kung anong laban niyo sakin" bulog ko sa sarili

Sinugod nila ako bigla at sinabunutan nila ako... shete! Yung buhok ko😭😭😭 my lovely hair huhu

"Hoy! Ibaba niyo ako! Mga bruha kayo ibaba niyo nga ako! Ang papangit niyo!" Oh my! Ang taas ng babagsakan ko pag nagkataon!

Saklap naman nito! Sinabihan ko na nga ng bruha sila at pangit pero tuloy parin sila sa katatawa, tanggap na tanggap nila na pangit sila --

"Waaaaaaaaaaaaaaaah! Big earth leaf!"

Huh! Thanks sa powers ko

"Thanks sa pagsalo sakin Big leaf --- Dark?"

Si Dark yung sumalo sakin!?

Nginitian niya lang ako at saka niya itinaas ang wand niya... bigla nalang nagsilaglagan ang mga witch sa mga walis nila... Wow!

"Oh ayan na, parusahan mo na yang mga Bruhang yan" nakangiting sabi ni Dark

Ih Dark! Wag ka ngang ngumiti ng ganyan! Ih! Enebeyen Kenekeleg akish, haha di naman masamang kiliging during war noh? Haha, back to normal

Agad kog pinabagsakan ng malalakig Earth rocks yung mga witch bahala sila kung mapisa sila....

Napisa nga, daming dugo!


__________________________

Itutuloy sa Next Chapter

WHITE ACADEMY SCHOOL OF MAGICS  [Under Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon