Chapter 27 - Red the Traitor

2.6K 77 0
                                    

'White's POV'

Hay buhay,sana normal na tao nalang ako, sana wala nalang akong magic,sana hindi nalang ako prinsesa..... Haist

mamayang gabi, susundan namin nila Gray,Aqua,Ash,Blue, Dark at Ruby si Black, umaga pa naman, 8am palang, at shempre ako lang magisa dito sa room ko, saturday ngayon, sina Rose at Grass nagtetraining, ang mga kabarkada ko nagdedate,,, psh.. Si Mama naman at si Papa pumunta ulit sa Majestic Kingdom para bisitahin ang Kapatid ni mama na Queen ng Majestic Kingdom, si Queen Athaliah at ang kaniyang 3 anak na sina Irina,at ang kambal na Angelo at Angela

'TOK TOK TOK'

Agad kong binuksan yung pinto,baka isa to sa mga kaclose ko at pwede kong makakwentuhan

pagbukas ko ng pinto, hindi ko nagustuhan kung sino ito.... well si Red lang naman

"Bakit ka nandito?"Masungit kong tanong sakanya

"Sorry"

"bakit ka nagsosorry?"

"Ah... eh... kasi diba, inaway ko si Black,sorry"

"yun lang ba? pinapatawad na kita,makakaalis kana"

"Wait. wait. wait."

"bakit nanaman?"

"Wala ka bang kasama?wala ka bang makausap?tara punta tayo sa mall"

"Anong gagawin natin sa mall?tatambay?"

"Hmmm... pwede naman"

"Psh... hintayin mo ako jan,magbibihis lang ako"

at sinara ko ang pinto, haha, maghinatay siya sa labas....

pagkatapos kong magbihis,lalabas na ako,bubuksan ko na sana ang pinto nang may naramdaman akong hindi maganda at narinig kong may kausap si Red sa labas, kaya pinakinggan ko, mukang seryoso ang pinaguusapan nila

"Oh ano na? kumusta na ang plano natin?" sabi nung kausap ni Red

"Ok naman, pupunta kami ngayon sa mall, may naisip na akong paraan"sabi ni Red

"Mabuti, maari mo bang sabihin sakin ang plano mo?"

"Bibili ako ng juice at mga pagkain, dadalhin ko siya sa sinehan, at pagkatapos nun ay uuwi na kami dito"

"Oh paano mo naman siya madadala sa akin nun?"

" Prince Jasper naman, matalino ako noh, may ilalagay akong pampatulog dun sa juice"

"Sige, hihintayin kita,mamayang bago mag 12 ng madaling araw, dapat nasa Black Kingdom kana kasama ang White na yun"

huhuhuh, si Jasper ang kausap ni Red, napaka sama talaga ni Jasper, pati si Red ginamit niya para makuha ako! kaylangan ko ang tulong ng mga kaibigan ko

tatawagan ko sana sila pero naalala ko, malakas ang pandinig ni Jasper at Red, Cloning ang powers ni Red, itetext ko nalang sila

To: Blue, Ash, Aqua, Gray, Ruby, Dark

Guys, kaylangan ko tulong niyo, mamayang 12ng madaling araw, dadalhin ako ni Red sa Black Kingdom, niyaya ako ni Red na magmall, may pinaplano silang masama ni Jasper, magkasabwat sila, tauhan ni Jasper si Red, i-e-explain ko ang lahat pagkatapos ng labanang ito...o kaya naman ay puntahan niyo ako sa mall, sa sinehan lang kami pupunta ni Red,sundan niyo nalang kami

Message sent

Pagkasend nun,lumabas ako ng room ko na kinakabahan

"Oh White,antagal mo naman yata"

WHITE ACADEMY SCHOOL OF MAGICS  [Under Revising]Where stories live. Discover now