CHAPTER 6 - Truth or Dare/ Dark Guevarra

7.2K 221 7
                                    

'Eunice's POV'

"Game! Truth or Dare tayo" masayang sabi ni Ruby

Tumango naman kami bilang sagot, nandito ulit kami sa palasyo, perp this time ay kwarto naman ni Blue ang tinambayan namin

Nakaupo kami paikot sa lapag sa tabi ng kama ni Blue, Ang pwesto namin ay:
Me-Black-Ash-Blue-Aqua-Gray-Ruby

Sinimulan kong paikutin ang bote at tumapat naman yon kay Black

"Black, Truth or Dare?" nakangising tanong ko

"Truth" confident at naka ngiti naman niyang sagot

"Kung may magugustohan ka saming apat na babae, sino?"
"Wala nabang ibang tanong?"

"WALA!" sabay sabay naming lahat na sabi

"Dali na kasi, sagutin mo na!" pamimilit ko

"ah eh, uhmm, si ano, si.." pabitin pa ton si Black ej

Sinamaan naman namin siya ng tingin

"I-ikaw" nahihiya at nakayuko niyang sabi sakin

"AYIEEEEEEE!" sabay sabay na pangiinis nila samin ni Black

Pinaikot naman ni Black ang bote at tumutok yon kay Ash

"Ash, Truth or Dare?"-Black

"Truth"-Ash

"Katulad nung tanong ni Eunice"-Black

"Si Blue" direstong sagot ni Ash

"Buti pa itong si Ash, diretso ang sagot, di katulad mo Black, pabitin, para kang babae, bakla ka ba?" pangaasar na tanong ni Ruby kay Black

"A-anong sinabi mo? hindi ako ba-bakla! sa totoo nga niyan may husto ako kay White eh!" sigaw niya kay Ruby at nanlalaki na napatingin ako sa kaniya

"W-what?" tanong ko

Unti unting nanlaki ang mata niya nang marealize kung ano yung sinabi, "Ha? wala wala! basta! wag niyong intindihin yon tsk!"

Natawa nalang kami dahil sa inasal niya, nagtuloy tuloy pa ang laro hanggang sa magsawa kami at makauwi sa room namin sa academy

Pagkadatoing ko sa room ko agad akong naligo at nahiga sa bed ko, 9:00 pm na pala late na kami umuwi.

Di parin matanggal sa isip ko yung nangyari kanina, na ako ang magugustuhan ni Black sa aming apat na babae, at nang sabihin niyang may gusto siya sakin, pakiramdam ko napakasaya ko, sobrang saya.,

'Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sayo Black? bakit sa twing naaalala kita ay napapangiti ako?'

~~~~~~~~~~

'Ruby's POV'

*At Cafeteria*

Naglalakd ako habang tinitignan ang nails ko sa right hand ko, hawak ko kasi sa left hand ko yung 3 books ko, hindi ko maalis ang tingin sa kuko ko dahil ang ganda kasi, color green hihihi

"OUCH/ARAY!" sabay naming sigaw nung nakabungo kong lalaki

kKasabay naman nun ang pagbagsak namin sa sahig

"Ano ba yan! hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! pakshet!" sigaw ko habang kinukuha ang books ko na nabitawan ko

"Ow Shit, I'm so sorry miss" sabi nung lalaki at tumayo

Tinapat niya naman sa muka ko yung kamay niya, kaya napatingala ako

'OH FCK. WAAAAAAAAAAHHH ANG GWAPO!!!!! YUNG PANTY KO NASAN NA BA!? NALAGLAG NA YATA!'

"Miss tulungan na kitang tumayo" sabi niya at tinulungan akong tumayo

"Sorry miss" paghingi niya ulit ng paumanhin

"Hindi, wag ka na magsorry, ok lang, pasensya na nasigawan kita" mahinahon kong sabi

"Uhm, I'm Dark Guevarra by the way, bago lang ako dito sa school" sabi niya at nakipag shakehands

"I'm Ruby Green Granger" nakangiti kong sabi

Nagulat naman siya at biglang yumuko

"Princess Ruby! pasensya na po talaga, hindi na mauulit, titingin na ko sa dinadaanan ko" natawa ako ng malakas dahil sa inasta niya

"What the fuck are you doing? wag mo na akong tawaging Princess, 'Ruby' nalang" natatawang sabi ko

Kasabay ko na siyang naglakad, ang haba din kasi nitong hallway kaya medyo matagal din ang kwentuhan namin

"So Dark, ano ang Power at Special power mo?" tanong ko

"Earth Element user ako at isa akong Wizard, ikaw?, anong power mo?" tanong niya

"Earth, Fire, and Ice element user ako, kaya kitang makita kahit nakatalikod ako sayo, pero pinaka malakas ang earth power ko"

"Wow!"

"Saan nga pala ang punta mo ngayon?" tanong ko

"Sa library, hihiram ako ng books" sagot niya

"Ah parehas lang pala tayo ng pupuntahan, sabay na tayo, ibabalik ko kasi itong books na hiniram ko" sabi ko sabay taas nung books na hawak kong libro

"Tulungan na kita jan sa hawak mo" sabi niya kaya ibinigay ko yung books ko at bag ko nalang ngayon ang hawak ko

Binigay ko na kasi cellphone niya lang ang hawak niya, pero wait, parang may kulang sa dala niya...bakit kaya hindi niya dala ang Wand niya? Diba wizard siya?

"Uhm, Dark?" tawag ko sa kaniya

"Hmm?"

"Asan yung wand mo? diba dapat kayong mga wizard lagi niyong dala ang wand niyo?" tanong ko na may pagtataka

Pinasok niya ang kamay niya sa bulsa ng Pants niya na para bang may kinukuha, pag labas niya ng kamay niya ay hawak niya na ang wand niya, wow naman shet ang galing! pano yun nagkasiya dun?

"Eto oh! nasa Bulsa ko lang" nakangiti niyang sabi

"Wow namern ang Galing! pano nagkasiya jan" tanong ko at itinuro ang bulsa niya

"Magic" nakangisi niyang sabi

"Ay oo nga pala"

"Pwede ba tayong maging friends?" tanong niya

"Yes naman ofcourse! why not?"

"Friends?" tanong niya at nakipag shakehands sakin

"Best Friends" sabi ko

Bigla naman akong nagulat nang umakbay siya sakin

"Ah Dark, bakit mo ako inakbayan?" tanong ko

"Oh bakit, ayaw mo? friends naman tayo diba? ganyan talaga ako sa friends ko, pero kung naiilang ka pasensya na, hindi ko na uulitin" nakangiti niyang sabi sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko

"Hindi sige,ok lang" sabi ko at kinuha ang kamay niya at nilagay sa balikat ko

**********

WHITE ACADEMY SCHOOL OF MAGICS  [Under Revising]Where stories live. Discover now