Chapter 1 - The Magical World

20.6K 385 7
                                    

Hayyy, sana naman bakasyon na, nakakainis! nakakastress lagi dito sa school! daming projects, daming assignment, daming activities, at ang daming-- project ulit!

Haisssttt...

By the way high way, ako nga pala si Eunice Fortalejo, 19 years old, Anak ako ng isang Teacher dito sa school namin

Ah oo nga pala, dito ako nagaaral sa White Academy School of Magics dito sa Magical World, well hindi ito pangkaraniwang school na gaya ng inaakala niyo dahil ang mga nagaaral lang dito ay yung nakatira lang din dito sa mundo namin na may kapangyarihan

Dito rin ako nakatira sa loob ng campus, may dorm dito sa school, Oo nga't may mga village at subdivision dito sa magical world pero meron talagang dorms dito sa loob ng campus, parang kumpleto na nga dito eh, may mga rooms na para na naming bahay, may hospital, alam ko nagtataka kayo dahil sa ibang school clinic lang, aba malamang magical school ito eh, meron ding 'mall' dito sa loob ng school, meron ding mga kainan, may mga pasyalan at galaan pag walang pasok at naiinip ka sa kwarto mo pwede kang gumala, at meron ding--- ah basta marami pang iba!

Ang powers ko ay Lightning at Wind, pero to be honest minsan may bigla nalang lumalabas na ibang element magic sa katawan ko kahit na dalawang elements lang ang magics ko, ang special ability ko naman ay mind reading, telepathy, at kaya kong makipagusap sa kahit anong uri ng hayop

Oo tama lahat ng nabasa niyo, yan lahat ang magics ko, dami noh? di ko nga rin alam kung bakit eh, lahat ng students dito, isa o dalawa lang ang powers, at isa lang ang special power nila, sa pagkakaalam ko ang Royal Family lang ang may maraming powers...

--- 6:45 am ---

Naglalakad ako ngayon papunta sa class room nang may humawak sa balikat ko, agad akong naging alerto kaya naman agad ko itong hinawakan, halos mabingi ako dahil sa matinis na boses ng kaibigan ko

"OUCH!!!" sigaw niya dahil sa kuryenteng nanggaling sa akin

"Ay sorry Ash, bakit kasi hindi mo nalang ako tawagin? alam mo namang ganito ako pag bigla nalang may humahawak sakin eh" sabi ko habang nakakunot ang noo, yan nga palang kausap ko ay si Ash Perez, 19 years old, Fire element user siya, healer and telepathy ang special ability niya

"Sorry naman! kala ko kasi ikaw si Aqua eh" nakangusong sabi niya habang hawak parin ng isa niyang kamay yung kamay na nakuryente ko

"Gagita! ang layo ng itsura ko kay Aqua kahit nakatalikod tsk! Bakit mo ba kasi hinahanap si Aqua?" taas kilay kong tanong sa kaniya

"Anak ng..!? Sorry na nga diba? nasakin kasi itong wand niya eh" sabay taas ng hawak niyang wand

"Oh eh bakit kasi nasayo ang wand niya? tsk! tara na nga sa class room at baka malate nanaman tayo sa first class natin"

Si Aqua, yung pinaguusapan namin kanina, Aqua Lacson ang full name niya, 20 years old, Water naman ang powers niya, at isa siyang Wizard

Pagdating na pagdating namin sa classroom ay nadatnan namin na maingay at magulo ang mga classmates namin, may mga nagbabatuhan ng papel, may mga pinagtitripan ang mga powers nila, merong naglalandian-- ewww, pero meron din namang tahimik, halos lahat ng tahimik ay mga wizard, tapos lagi silang may binabasang book, siguro mga spell yun

WHITE ACADEMY SCHOOL OF MAGICS  [Under Revising]Where stories live. Discover now