CHAPTER 5 - Ruby's Room

7.5K 234 0
                                    

Lunch na namin, nandito kami ngayon sa cafeteria, dito kami sa isang malaking table...

kasama na namin si Ruby ngayon sa barkada

"So Ruby,maliban sa earth element,ano pa ang powers mo?" tanong ni Ash

"Earth, Fire, and Ice element user ako, at kaya kitang makita kahit nakatalikod ako sayo" sagot ni Ruby

"Ruby,ilang taon kana?"-Gray

"I'm 17"-Ruby

17 years old pala kaming lahat dito

"Guys! mamayang uwian, punta kayo sa room ko, gusto niyo? bonding tayo, gusto ko kayong lahat maka-close"-Ruby

"Sure!!!" sabay sabay naming lahat na sigaw

"Ah guys, hindi yung room sa dorm"-Ruby

"Huh? eh saan?" tanong ko sakaniya na nakakunot noo

"Room ko sa Castle"-Ruby

"Woah talaga talaga! Sige gusto ko yan! exited nako! first time ko makikita ang loob ng castle!"-Ash

"Ash, hindi lang ikaw ang exited noh? kami rin kaya ni Eunice, diba eunice?"-Aqua

"Ah?" sinamaan naman nila ako ng tingin "Ah eh haha O-oo oo hehe" bigla kasing sumama ang pakiramdam ko, yung para bang may masamang mangyayari pag pumunta ako sa castle

-------------------------------

*KRIIINNGGG*

"Ok,Class Dismissed"-Prof. Diamond

nagsitakbuhan na palabas ang mga classmate namin at ang ibang wizard at witch ay nawala ng parang bula,ganun din naman si Prof. Diamond

kami nalang ang nandito sa class room namin

"Ano guys? Tara na?"-Ruby

"Tara, gagamit nalang ako ng spell na pang teleport para mabilis"-Aqua

Tumango nalang kami at humawak sa wand niya

Nandito na kami sa castle, parang isang kurap lang nandito na kami

Grabe! ang laki! at ang ganda dito!

"Tara na sa room ko!"-Ruby

Naglakad na kami papunta sa room niya

"Dito na tayo guys!" sabi ni Ruby habang binubuksan ang pinto ng room niya, ang ganda ng pinto! kulay Green,tapos kumikinang pa

Pinto palang maganda na,yung loob pa kaya?

pagkapasok namin.....WOAH! ANG GANDA!

Color green ang bed at closet, ang daming paintings, nilibot niya muna kasi kami sa room niya, parang bahay sa laki itong room niya!

tumapat kami sa isang napakalaking painting

"Yan si Mama at Papa"-Ruby

Susunod naman ay tatlong baby, at magkakamuka

"Yan naman ay kami ni Blue at si White... itong nasa pinaka una ay si White, tapos ay si Blue, at ang pinakahuli ay ako, ang cute ko diba? Hahaha" -Ruby

"Ang cute ka? pare pareho lang kayong tatlo ng muka kaya pare pareho lang kayong cute no?" natatawang sabi ni Ash

May mga solo paintings pa

"Yan ang mga solo paintings naming tatlong kambal, 2 years old kami jan"-Ruby

"Guys! wait lang, punta lang ako sa kitchen, kukuha ako ng mga pagkain natin"-Blue

Tumango nalang kami bilang sagot

"Wait guys, wala ba kayong napansin kay Princess White?" tanong ni Aqua kaya napalingon kami sa kaniya

"Wala naman, bakit?" nagtataka naman si Gray

"Tignan niyo si Eunice at si Princess White" utos ni Aqua

"Huh? bakit naman ako?" tanong ko, tinignan nila akong lahat pati yung picture ni Princess White

"Wait wait wait" sabi ni Black at paulit ulit na pinaglipat ang tingin sa painting at sakin

"May napansin ako! hindi lang sa kanilang dalawa, pati narin kay Blue at Ruby!" sigaw ni Ash

"Eh ano naman guys?" kunot noong tanong ni Ruby

"Magkakamuka kayong apat, si Princess White at Eunice ay sobrang magkamuka" sabi ni Gray na pinaglilipat lipat ang tinin sakin at sa mga paintings

"Oo nga, ano? magdikit nga kayo Ruby at Eunice" utos ni Black kaya nagtabi kami ni Ruby

"WOAH! MAGKAMUKA NGA KAYO!" nanlalaki ang mata sa gulat na sabi ni Ash

"Huh?" pagtataka ni Ruby

"Ruby! para kayong kambal ni Eunice! sobrang magkamuka kayo! kulay ng mata at buhok lang ang magkaiba" sabi ni Gray

"Wait, Eunice Anak ka ba talaga ni Prof. Divine?" tanong ni Aqua

"Oo naman! anak ako ni mama, ano ka ba naman Aqua"

"Pero bakit di kayo magkamuka?"s abat ni Ash

Nagkibit balikat ako

"Wait, anak ka pala ni maam Divine!?" halos mabingi ako dahil sa lakas ng boses ni Ruby

"Oo, ngayon mo lang nalaman?" tanong ko

"Oo eh, pero teka lang, hindi pa kinakasal si Maam Divine, hindi pa din siya nagkakaroon ng crush or boyfriend, single since birth ang babaeng yon Eunice! paanong nagkaroon siya ng anak?"-Ruby

"Huh? eh pano mo nalaman?"-me

"Simula pagkabata, dito na nagtatrabaho yang si Maam Divine, close kaya kami niyan, astaka magkaibigan sila ni Tita Diamond" pageexplain ni Ruby

"Wag na nating pagusapan yan, mag enjoy nalang tayo!" pagiiba ko ng usapan

"I agree, nandito tayo para magsaya, hindi para pagusapan ang mga ganyang bagay noh!?" sigaw ni Ash

"Ang ingay mo Ash, hindi ko akalain na ganyan ka kaingay, feeling ko tuloy mabibingi ako ng di oras" nakangiwing sabi ni Blue sa kaniya

"A-ano!? hoy kahit maingay ako, maganda naman ang boses ko no!" sigaw nanaman niya at hindi nalang siya pinansin ni Blue

Nagsimula na kaming magkwentuhan, puro lang kami tawanan na para bang wala kaming mga problema, ang saya ko na naging kaibigan ko sila

Nag movie marathon pa kami habang kumakain pero halos wala kaming maintindihan sa pinapanood namin dahil sa pagbabangayan ni Blue at Ash

Matapos ng pagsasaya namin ay nagsi-uwi na kami sa kani-kaniyang dorm, natapos ng masaya ang araw ko, natulog ako na may ngiti sa labi

____________________________

WHITE ACADEMY SCHOOL OF MAGICS  [Under Revising]Where stories live. Discover now