"What do you mean?"

"Believe me Rio, she know everything, that you always violate the rules in order to see her." Tinitigan ni Raiden ng kakaiba si Rio. "Based on what I heard to her, she have a crush on you too but it didn't last, that's why she force herself to have a boyfriend para tigilan mo na siya. Para maturn-off ka pero hindi niya alam kung ano ba napainom niya sayo at humaling na humaling ka sakanya. That's why she made you like this, she distance you from her to get rid of you."

"Why are you telling me this now Raiden?"

Napatahimik si Raiden. "I think it is the time for you to know what Cheska real identity"

"But she's still Cheska that I love Raiden, kahit pagbali-baliktarin pa natin ang mundo. Tumitibok parin ito para sakanya."

Natahimik na lamang si Raiden sa mga hinaing ni Rio, kahit na bumibigay na ang mata niya dahil sa tama ng alak ay hindi parin ito nagpatinag.

Kinaumagahan, hindi na malaman ni Raiden kung papaano siya nakapasok sa loob ng kaniyang kwarto. Hindi niya rin alam kung saan na napunta ang mga kaibigan niya. Minabuti niyang mag-ayos ng sarili dahil may maaga pa siyang aasikusihin sa office. Pagbaba niya ng hagdan nila ay nakangiti siyang sinalubong ni Bam ang kanyang nakababatang kapatid.

"Wala kang pasok?" tanong niya habang pumapasok siya sa loob ng kanilang kusina. Nakita niya roon ang tatlo niyang mga kaibigan na devastated sa alak kagabi. Gulo-gulo rin ang mga buhok nito habang nakikipagkulitan sa kanyang Ina.

"Papasok kana kaagad? Have some breakfast." Alok sakanya ng kanyang Ina habang tinuturo ang upuan na nasa harap nito.

"I will have my breakfast in the meeting Mom. Don't worry." Tiningnan niya isa-isa ang kanyang mga kaibigan. "And you too, pumasok na kayo. You will be late."

Nakita pa ni Raiden ang pagirap ng kanyang mga kaibigan sakanya at mabilis na naglakad paalis sa kanilang bahay, hinabol pa siya ng kanyang Ina.

"Are you coming here tonight?" tanong ng kanyang Ina.

Binuksan niya ang frontseat at doon nilagay ang dala niyang bag at tsaka tumingin sa kanyang Ina. "No. Mom. Sa Condo ako uuwi, maybe this weekend." Sambit niya at tsaka na umikot at umupo sa driverseat.

"All right. Take care." Nakita niya pa ang pagkaway ng kanyang Ina bago siya tuluyang nakalabas ng gate ng bahay nila. Payapa niyang binabagtas ang traffic as he go to their company. They set the meeting in Ten oclock in the morning, pero dahil sa alak ay late na siyang nagising kaya sigurado siyang galit na galit na ang mga naghihintay sa kanya ngayon.

Pagdating niya sa kanilang opisina ay inihagis niya lamang sa mga nagbabantay sa labas ang susi ng kanyang kotse at pumasok sa loob. Nasa labas rin at naghihintay ang kanyang Secretary.

"Where are they?" tanong niya kaagad dito.

"They're in the conference Sir." Mabilis na sagot nito sakanya.

"Okay. Then" iyon na lamang ang naging tugon niya habang hinihintay ang elevator na nasa 5th floor. Napansin niya rin ang hindi mapakaling secretary at panay lamang ang pindot ng down buttom. Napangiti siya ng matipid sa nakita. Nang tuluyan ng tumunog ang elevator, hudyat na magbubukas na ito ay nakahinga kaagad ng maluwag ang kanyang secretary. Walang katao-tao sa loob ng Elavator, tanging dalawa lamang na bodyguard at silang dalawa kasama ang kanyang secretary. Inayos niya ng maayos ang kanyang suot at necktie.

"Sir, about the community that we are sponsoring." Biglang singit ng kanyang secretary.

"Yes. What about it?"

"They are also here, yung investor po kasi na ime-meet niyo ngayon is also sponsoring that community. Kaya nirequest po nila na isama sila ngayon."

Sandaling natigilan si Raiden sa sinabi ng kanyang secretary at sandaling nagisip. Ilang Segundo ang lumipas at napakunot ang noo ng kanyang secretary dahil hindi nito alam kung payag ba siya na isama iyon sa meeting o hindi.

"Sir?" basag ng kanyang secretary sa katahimikan Raiden.

"Sige." Iyon ang huling sinabi ni Raiden at tuluyan ng bumukas ang elevator. Hindi niya ipinakita sa mga kasama ang nararamdaman. Hinayaan niyang pagbuksan siya ng kanyang secretary as he enter the room. Mabilis na napatayo ang mga tao roon-ngunit sa iba nakatuon ang paningin niya. Hinanap niya sa anim na tao roon si Sharla ngunit hindi niya nakita.

Nakaangat ang kanyang labi sa mga iniisip habang inaalalayan na siya ng upuan ng kanyang secretary. Patuloy parin siya sa paglinga-linga at hinanap roon si Sharla, pero wala talaga.

Isa-isang nagpakilala sa kanya ang mga investor. May mga iprinesenta sila sa harap niya, about sa plano nilang pag-sponsor. Sunod na nagreport ang kanyang secretary na handang-handa sa gagawin. Lumulutang ang isip niya habang may nagsasalita sa harapan, napatingin ang direskyon niya sa dalawang tao, babae at lalaki nakaupo sa harap niya habang may nakasulat na maliit na papel na "Representative of St. John Hospice for Heaven"

Itinago niya ang pagkadismaya sa pamamagitan ng pagpikit ng mata at pinilit na inalis doon ang iniisip ngunit as he focus on the report ay gayun din ang pagkalabog ng kabilang pinto-hudyat na may pumasok sa loob.

Napatingin lahat maliban kay Raiden.

"Bakit ngayon ka lang? kanina ka pa namin hinihintay!" napatingin si Raiden dahil isa sa Representative ng Community ang nagsalitang iyon. Napakunot ang noo niya at tiningnan ang dumating.

Nakita niya ang pagngiti nito habang paulit-ulit na sumesenyas na "Sorry".

Napako ang paningin niya dito, gusto niyang kurutin ang kanyang pisngi para makasigurado. Ngunit totoo!

He's seeing Sharla not in his dream but in front of him.

VOTE, COMMENT

Finding YouWhere stories live. Discover now