Chapter 13

1.5K 49 1
                                    

MALAKAS na iniuntog niya ang ulo sa pader nang makalabas sa kuwartong inookupahan ng ama ni Love. Inagahan niya talaga ang punta para makasama niya ang babaeng nakakagulo sa sistema niya. Alam niyang wala siyang karapatang magalit kay Love dahil tama naman ang sinabi nitong 'pretend girlfriend' niya lang ito. Pero anak ng pretend pretend naman na yan.. siya na yata ang nahuhulog sa babaeng may nakakahalinang mukha at mamulamulang labi.

Malalim na bumuntunghininga siya at hinawakan ang noo niya. "Nababaliw na yata ako."

Nagulat siya nang may sumulpot na calling card sa harap niya. "Contact yan ng Psychiatric Department." tinapik siya sa balikat ni Dion at naglakad na papalayo.

"Hay naku! Buti pa ang operation successful! Yung lovelife ko isang malaking failure." reklamo nito habang minamasahe ang balikat nito.

Natawa siya sa kakornihan nito. "Ikaw na yata dapat magpatingin. Nababaliw ka na rin."

"Nagpapa-confine na nga ako, ayaw naman nila. Masyado daw akong magandang lalaki at baka lalong magwala at pag-agawan ako ng mga pasyente sa loob."

Napailing na lang siya sa kahanginan nito. "Ipagpatuloy mo yan! Siguro nalipasan ka nanaman ng gutom."

"Aalis na ako. Kakain pa ako ng spanish food." kumaway ito habang naglalakad palayo. "Spanish food.. Hay nako!" narinig pa niyang sambit nito.

Napangiti siya habang nakatunghay sa kaibigan niyang mukhang tangang naglalakad palayo. Mukhang babae din ang problema niya.. Goodluck, man. Di mo madadaan lahat sa kagwapuhan ang mga babae. Yung iba masyadong mailap ang puso..

"Dark.."

Napalingon siya sa babaeng parang mushroom na sumulpot sa buhay niya at gumulo sa tahimik niyang buhay. "Bakit?" walang emosyong tanong niya rito.

Nakita niyang napalunok ito sabay lakad papunta sa harap niya. "Uhm.." malalim na huminga ito. Halatang kinakabahan ito at baka magalit siya rito. "K-Kain na tayo sa loob. Nakahain na." masuyong wika nito.

"Kumain na ako."

She cleared her throat and nodded at him. "Okay. Nagluto pa naman ako ng tinolang manok. Pagkatapos naming kumain pwede na tayong umalis." tipid na ngumiti ito. "Pasok na ako ah." paalam nito sa kanya.

Nang makapasok ito ay malakas na iniuntog niya uli ang ulo sa pader. "Ang ganda ng ngiti niya." agad siyang pumasok sa kwarto kung nasaan kumakain ang mga ito. Ano ba naman tong kabaliwan ko? Kakakain ko lang kakain nanaman ako para lang matikman ang luto ng babaeng to. Hirap talaga mabaliw.

"Hainan mo na ang boyfriend mo, Love!" utos ng nanay nito.

Tila nagulat pa ito ng tinabihan niya ito. "Akala ko ba kumain ka na?" bulong nito sa kanya.

"Nagutom uli ako eh. Bakit ba?" masungit na tirada niya rito.

Umismid ito sabay irap. "Arte arte pa kasi! Kakain rin naman!" agad siya nitong inabutan ng plato at kubyertos. "Anong gusto mo?"

"Tinola."

"SALAMAT, anak." pagpapasalamat ng nanay niya kay Dark.

"Wala ho iyon." nakangiting ibinaba ni Dark ang mga dala dala nila sa ospital. "Basta po para sa inyo kahit ano po iyan." hirit pa nito.

Umismid siya. "Charot!" mahinang usal niya.

"Ano iyon? May sinasabi ka ba, Love?" tanong ng nanay niya.

She smiled sweetly. "Wala po, 'nay. Pasok na po kayo sa kwarto ninyo para maasikaso niyo na si Tatay."

"O sige, anak. Ikaw na ang bahala sa boyfriend mo at aalagaan ko muna ang tatay mo." binalingan muli nito si Dark at hinawakan sa kamay. "Maraming salamat sa tulong, hijo. Makakabawi din kami sa kabutihang loob na ipinakita mo sa amin."

"Walang anuman po, Mrs. Castro."

Mahinang hinampas nito sa balikat si Dark kasabay ng mahinang hagikgik. "Ano ka ba naman! Nanay na lang. Parte ka na ng pamilya namin ngayong boyfriend ka na ng aming unica hija. O siya sige at baka makatulog na ang aking mahal. Kailangan pa niyang uminom ng gamot. Mauna na ako."

Ilang sandaling katahimikan ang namuo sa pagitan nila nang makapasok na sa bahay nila ang kanyang ina.

Tumikhim siya nang mapansing wala itong balak magsalita. "Gusto mong magkape muna sa loob?"

"Ayoko. Baka maisipan mong halayin na lang ako bigla."

Agad niyang binalingan ito upang makita ang nakangising mukha nito kung nagbibiro ba ito o hindi ngunit ang tumambad sa kanya ay ang seryoso at nagniningning nitong mata. Sinamaan niya ito ng tingin. "Excuse me!--"

"Daan na." putol nito sa sasabihin niya.

"Huh?" naguguluhang nakalimutan niya ang sasabihin niya.

Humalukipkip ito sabay sandal sa sasakyan nito. "You said excuse me. Pinapadaan na kita. Ang luwag luwag ng daan."

She scoffed. "Nasisiraan ka na talaga ng ulo."

Dumiretso ito ng tayo sabay lapit sa kanya. Agad naman siyang umatras palayo rito. "Hoy! B-Bakit ka lumalapit ha?" kinakabahang umatras siya nang humakbang itong muli palapit sa kanya.

"Siguro nga nasisiraan na ako ng ulo.." patuloy ito sa paghakbang palapit sa kanya habang matiim na nakatitig sa kanya.

Nahagip niya ang hininga nang ma-trap siya nito nang mapasandal siya sa pader ng bahay nila. Akmang iikot sana siya sa kaliwa upang makatakas rito pero agad nitong ikinulong siya sa pamamagitan nang pag-tukod nito ng dalawang braso nito sa pader na kinasasandalan niya dahilan na ma-trap siya sa pagitan ng mga matatag nitong braso.

Nanlaki ang mata niya nang ilapit nito ng husto ang mukha nito sa kanya. "D-Dark.." halos gahibla na lang ang layo ng mga labi nila at kaunting galaw lang niya ay paniguradong magdidikit ang mga iyon.

"Sabi nila kapag marami ka daw iniisip, mababaliw ka. Eh bakit ako? Ikaw lang iniisip ko, nababaliw na ako." matiim na nakatitig ito sa mga mata niya.

Napalunok siya. "Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" nag-iwas siya ng tingin rito.

"Normal naman akong tao. Pero bakit kapag iniisip kita, nababaliw ako? Your smile, your scent, your voice.." nangingiting napailing ito. "You make me happy in a way no one else can. And it's driving me insane. What have you done to me, woman?" he tilted her chin to meet his gaze.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi kita ginayuma! Baka naka-drugs ka! Ako pa sisisihin!"

Natatawang hinalikan siya nito sa noo. "Always ruining the moment with witty comebacks. Pasok ka na. See you on Monday."

Hinatid niya ito ng tingin hanggang makaalis na ang sasakyan nito. Napahawak siya sa dibdib niya at napakanta. "Ako'y kinikilig! 'Pag ika'y lumalapit ako'y nanginginig! At nadarama ang puso na pumipintig! Natutuwa sa iyong tinig, 'O ito nga ba ang pag-ibig?"

Kinikilig siyang pumasok sa bahay nila. "Wagi ka teh! Akala niya hindi ko nagets english niya ah. Aba! Best in English yata to." mahinang napatili pa siya nang makapasok sa loob ng kwarto niya. "Pag-ibig na ituuuu!"

Ako'y Sa'yo At Ika'y Akin Lamang (Dark Vincent Meneses & Happee Love Castro)Where stories live. Discover now