Chapter 7

1.6K 58 3
                                    

HIMATAYIN si Vincent aka Dark Meneses. Napatili siya. "Omona!" she shrieked. Sakto namang nagsara ang elevator kaya hindi na siya nakahingi ng tulong. "Ano nang gagawin ko?" nagpapanic na wika niya. Mahinang tinapik niya ang pisngi nito. "Dark! Sir!" sumalampak siya sa sahig at iniunan ang ulo nito sa hita niya. Inilabas niya ang pamaypay niya at pinaypayan ito. "Kuuu! Malilintikan ako nito. Ano bang gagawin ko sa'yo! Kailangan ba kitang i-CPR? Teka.. sa nalulunod lang pala yun. Tama!" napapitik siya sa hangin. "May gamot ako sa bag. Buti na lang. Tsk. Kung hindi tsugi ka na. Nakakalokang manong ito." marahang pinunasan niya ang noo nitong pawis. She sighed. "Sobrang aga pa naman. Walang tao ngayon sa floor mo."

Pinilit niyang buhatin si Vincent papasok sa opisina nito. Marahang inihiga niya ito sa couch doon. "Now what?" napahawak siya sa balikat niya. "Jusko! Ang bigat." marahang tinanggal niya ang coat at ang tie nito. Kinuha niya ang basurahan sa banyo at doon itinapon ang pinagpunasan na wet wipes ng mukha at kamay nito. "Kung hindi ka lang gwapo! Hmp!" naglabas rin siya ng bottled water at gamot at ipinatong iyon sa mesa. Nag-iwan rin siya ng note at idinikit iyon sa bottled water.

Take this as the sign of my love.. Charaught! Bigla ka na lang nahimats, pogi. Ako na ang bahala today. Magpahinga ka at inumin mo tong gamot pagkagising mo. ♡(^ε^ )♡
― Happee Love

Tiningnan niya ang mga nakatambak na papeles sa mesa nito. She sighed and lowered the temperature in the room. She stretched her arms. "Time to work!"

NAPAUNGOL siya pagkagising niya. Ramdam niya ang bigat at sakit ng katawan niya. Inikot niya ang paningin sa kwarto. He's inside his office. Pinilit niyang bumangon at pawis na pawis na siya. Nanlalagkit na rin siya. Paglingon niya sa mesa ay nakita niya ang gamot at ang note. Napailing siya. "That woman."

Agad niyang ininom iyon at dumiretso sa secret room niya sa loob ng opisina niya. Mabilisan siyang naligo at nagpalit ng damit. Pagkalabas niya ay sakto namang kakapasok ni Happee sa loob ng opisina niya. Nakita niya kung paanong tinanggal nito ang heels nito at sumalampak sa couch.

"Haru josko! Ang hirap naman pala nito. Hindi biro ang magpatakbo ng kumpanya." he heard her sigh heavily.

Bigla itong napatayo. "Hala! Nasaan na si Pogi??" nagpapanic na lalabas na sana ito nang hawakan niya ang braso nito.

He cleared his throat. "Love."

Natigilan ito at dinama ang leeg niya. Siya naman ang parang tuod na natigilan nang dumampi ang malambot nitong balat sa leeg niya. "Okay ka na ba?" nagaalalang tanong nito sa kanya.

Napatango siya. "Thank God! Hindi ko alam ang gagawin ko nung nahimatay ka na lang bigla. Pinag-alala mo ako." nakangiting hinaplos nito ang pisngi niya.

Why does her gestures warm my heart?

He cleared his throat and let her arm go. "Anong oras na?"

She looked at her wrist watch. "One in the afternoon, sir." niligpit nito ang pinag-inuman niya ng gamot.

"Have you eaten yet?" he went to his office table at napakunot noo nang makitang wala na ang mga nakatambak na papeles roon. Iilan na lang na folder ang mga nandoon. Nakabukas rin ang laptop niya. "Hindi pa ba nadadala ni Shirley ang mga papeles rito?"

Tumingin ito sa kanya. "Ah. Okay na po yung mga papeles at proposals, sir. Nirevise ko na tapos sinauli ko na kay Shirley, siya na raw po ang bahala. I also attended the meeting with Mr. Cabriga. Magpapagawa na lang raw po siya ng kontrata at ipapadala niya raw po rito. Pipirmahan niyo na lang raw po."

Napasandal siya sa swivel chair niya at napahawak sa mga labi niya. "How did you manage to do all of that?"

"Uhm.. dati po kasi may kumpanya ang Tatay ko. Tinuturuan niya po ako minsan. Minsan na rin ho akong naging sekretarya niya." nagpunta ito sa mini-kitchen at ipinagtimpla siya ng kape.

Marahang inilagay nito ang kape sa table niya. "Sandali na lang po at dadating na yung pina-deliver kong pagkain. Alam ko naman pong gutom na kayo." nakangiting hinalo nito ang kape niya.

"Salamat."

"You're welcome, sir!" nakangiting naglakad ito patungo sa sapatos nito. He saw blisters on her feet. Tumayo siya at pinaupo ito sa couch.

"Stay still."

"Uhm.. s-sir. Aray!" lumabi ito nang marahang haplusin niya ang paa nito.

"Nagbalat at dumugo na. You've been walking around wearing those heels?"

Piping tumango ito at ngumuso. "Required kasi sa office na naka-heels."

"Still. Dapat nag-ingat ka. You should've worn heel gels."

She sighed. "Okay lang po ako, sir Vincent. No need to worry po. Malayo po sa bituka yan."

"Do you have band-aids?"

Tumango ito. "Nasa bag ko po."

"Nasaan ang bag mo?"

"Naiwan po sa desk ni Shirley." ngumiwi ito nang ilapag niya ang paa nito sa couch.

"Wait here. I'll be back. Wag kang gagalaw."

Nagulat siya nang hawakan nito ang laylayan ng suit niya. "Thank you, sir Vincent." nakangiting sambit nito.

Ayan nanaman ang pamilyar na dagundong ng puso ko.. I've never felt strong emotions before.. kay Cherry lang ako.. sa kanya lang. Kay Cherry ko.

Ako'y Sa'yo At Ika'y Akin Lamang (Dark Vincent Meneses & Happee Love Castro)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora