Chapter 12

1.8K 55 3
                                    

MAINGAT na ibinaba siya ni Dark sa tapat ng pintuan ng bahay nila. Agad niyang binuksan iyon para makapasok na sila. Bigla kasing bumuhos ang malakas na ulan.

"Nga pala, Dark. Lalabas na si Tatay bukas. Thank God!" malawak na nginitian niya ito.

"That's good. Ipapasundo ko na lang kayo bukas sa ospital." tila pagod na umupo ito sa couch nila at ipinikit ang mga mata.

Maingat na nilapitan niya ito at minasahe ang balikat nito. "Ikaw talaga. Nagpapagod ka nanaman. Pasensiya na at wala ako sa opisina para tulungan ka ah. Papasok na ako bukas para naman may hahati sa trabaho mo."

Nakita niyang umangat ang sulok ng labi nito ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata. "As much as I want to be with you tomorrow alam kong kailangan mo pa ng pahinga. You can go back on Monday. Kaya ko naman." naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya.

Tiningnan niya ito at agad na naramdaman niya ang pagpula ng pisngi niya. Paano ba naman ay matiim itong nakatingin sa kanya. Napalunok siya. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"What?" patay malisyang tanong nito.

"Like you want to kiss me.. like you like me." kinakabahang saad niya.

He smiled at her and gently pulled her to his lap. "What if I want to kiss you? Would you let me?" masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya at matiim siya tinitigan sa mga mata. Ramdam niya ang intesidad ng mga tingin nito sa kanya. Parang hinihigop nito ang lahat ng lakas niya. Parang hinihigop siya ng isang malaking blackhole na ayaw niyang pangalanan sa kadahilanang ayaw niyang umasa.. masyadong kumplikado.

Nakagat niya ang ibabang labi at pinagmasdan ito. Imposibleng magustuhan ako ni Sir Dark.. unang una pa lang isinampal niya na sa mukha ko na bawal akong mainlove sa kanya.. pero bakit ganun? Parang I want to make him fall for me.. parang gusto kong siya ang mainlove sa akin para pwede na akong mainlove sa kanya.. pero ang tanong paano? Wala siyang karanasan sa mga pag-ibig pag-ibig na yan. Siguro ang last nga ay yung kay Bright. Ewan niya ba pero umaasa pa rin siya sa binitawang salita nito na pakakasalan siya nito pagdating ng panahon.. pero hanggang kailan naman kaya siya maghihintay.

Tiningnan niya si Dark nang maramdamang palapit na ng palapit ang mukha nito sa kanya. Nanlaki ang mata niya nang makitang pumikit ito at halos gahibla na lang ang layo ng labi nila.

Shemay! So help me God! Jusmiyo! I need to do something.. like now na.. or else..

Malakas na hinead butt niya ito at tumayo. Napasinghap naman ito at hawak hawak ang noong nakatingin sa kanya. May mapaglarong ngiti pa sa mga labi nito. "Why did you do that?" amused pang sambit nito habang hawak hawak ang noong ngayon ay pula na ang kulay.

Kinakabahang napalunok siya. "E-Eh.. k-kasi naman S-Sir! H-Hahalikan niyo kaya ako! Nakareserve ang labi ko sa magiging asawa ko!" defensive niyang sabi habang nakahawak sa armrest ng couch sa likod niya.

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Hmm.. so kailangan pakasalan muna kita?" pilyong wika nito.

Para siguro siyang kumain ng sampung hot and spicy pansit canton sa sobrang pula niya ngayon. Ang crush niya.. ehem.. ayan na inamin na.. crush lang! Gusto siyang pakasalan.. para mahalikan siya. Emeged! Sino ang kinikilig? Happee Love Castro lang naman. Kilig hanggang singit!

Namumula ang pisnging hinagisan niya ito ng throw pillow. "Joke iyon? Tatawa na ba ako?"

Natatawang tumayo na ito at tila nanggigigil na pinisil ang tungki ng ilong niya. "Pasalamat ka at maganda ka.. kung hindi nasipa na kita kanina pa. You'll pay for this." turo nito ang noo. ".. kapag nagkabukol ako." nakangising hinalikan nito ang noo niya. "Mag-cold pack ka sa noo mo. Malakas din impact nun. Tinamaan na yata ako."

Natigalgal niyang sinundan ito ng tingin habang palalabas ito ng bahay nila. "Ilo-lock ko na iyong gate ah. See you tomorrow, Love." narinig niyang nag-click ang pintuan nang hawakan nito senyales na pati ang pintuan ng bahay nila ay ila-lock na rin nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. "Mag-iingat ka.."

Napalingon ito sa kanya. "I will." and gave her another heart warming smile that left her awake til sunrise.

"OH, anak! Bakit parang puyat na puyat ka naman?" nag-aalalang wika ng ina niya pagkapasok niya ng kwarto ng ama niya.

"Anak, may problema ba?" dagdag ng ama niya.

Malalim na napabuntunghininga siya habang ibinababa ang bag na naglalaman ng pampalit at gamit ng ama niya. "Hindi po kasi ako masyadong nakatulog kagabi eh."

"Bakit naman, anak? Ano ang bumabagabag sa iyo? Pwede mo namang sabihin sa amin ng Inay mo." wika ng ama niya.

Napalunok siya. "Wala ho ito. Okay lang ako." Alangan namang sabihin ko.. Nay.. Tay.. May crush ho ako. Crush ko ho ang pretend boyfriend ko na sa tingin ko ay mahal ko na. Naguguluhan siya. Para sa kanya kasi ay masyadong mabilis kung sasabihin niyang mahal na niya ito. Parang ang OA sa bilis naman kasi. Ilang linggo niya pa lang itong nakakasama ay parang binagyo na ang sari-saring emosyon na ipinaparamdam nito sa kanya.

"Anak--"

"Magandang hapon po!" magiliw na bati ni Dark sa kanila. Grabe siya oh. Ang gwapo gwapo parang prinsipe! Ehem. Baka naman tumulo na laway ko. Pasimpleng hinawakan niya ang gilid ng bibig niya kung may tumulo ngang laway doon. Mabuti nga at wala. "May dala ho akong pagkain galing sa bahay. Pinapabigay ho ni Mommy at Lola." hawak nito ang isang malaking bag.

Agad niyang kinuha iyon dito at inilapag sa mesa. "Ang aga mo yata." sinipat niya ito. Parang kakagising at kakaligo lang kasi nito. Ang presko presko tingnan. Nakasimpleng black na polo shirt, khaki shorts, at sneakers lang kasi ito. "Hindi ka ba pumasok sa opisina?" tanong niya rito habang iginigiya ito sa couch na malapit.

Umiling ito. "They can manage even if I'm not there." nginitian siya nito at pinaupo sa tabi nito. "Namiss mo ba ako? Bakit parang napuyat ka?" malambing na tudyo nito sa kanya habang masuyong hinahaplos ang mukha niya.

Inirapan niya ito. "Tigilan mo nga ako!" hinawakan niya ang kamay nito at inilayo sa mukha niya. Onting onti na lang talaga.. Kuu! Mamahalin ko na tong mokong na to.

"Sus! Pakipot pa kasi kagabi." bulong nito malapit sa tainga niya na ikinatindig ng balahibo niya. Paano ba naman ay ang sexy ng boses nito at natamaan pa sa sensitibong bahagi sa may tainga niya ng mainit na hininga nito.

Nakita niya ang medyo namumulang noo nito. Napasinghap ito nang mahawakan niya ang noo nito. "Yan kasi puro kalokohan. Yan napapala mo."

"Is it a sin to kiss my girlfriend?" nakasimangot na wika nito habang pinipigilan siyang mahawakan ang noo nito.

Inilapit niya ang mukha rito. Nakangising hinaplos niya ang mukha nito. Halata niyang natigilan ito at napatitig sa kanya. "Correction, Mr. Meneses.. pretend girlfriend mo lang ako."

Tila nag-iba ang mood nito at kaagad na lumabas sa kwarto ng ama niya. Tama yan! I should know my limits..

Alam nga ba niya?

Ako'y Sa'yo At Ika'y Akin Lamang (Dark Vincent Meneses & Happee Love Castro)Where stories live. Discover now