Chapter 8

1.6K 61 1
                                    

"SHIRLEY, where's Love's bag?" tanong niya sa HR head ng kumpanya.

Halata na nagulat ito. Hindi kasi siya naglalalabas ng opisina niya maliban na lamang kung may meeting. At lalong lalo na ay hindi siya nakikipag-usap sa mga empelyado niya. "Ay! Ete he sher Derk." inabot nito sa kanya ang kulay baby pink na leather bag.

"Thank you."

"Welcome pe, sher." halos mangunyapit na sabi nito. Wala naman akong nabalitaan na nastroke siya.. bakit tabingi ito kung magsalita?

Pagkalabas niya sa opisina nito ay nakasalubong niya ang pinsan niyang si Marie Rose.

"Kuya Vin!" nakangiting niyakap siya nito nang mahigpit.

"Let's talk."

"What's wrong?" kumunot ang noo nito.

Inakbayan niya ito. "Let's just talk at my office."

"Kanino yang bag, Kuya?"

"My girlfriend."

"WHAT?! MAY GIRLFRIEND KA NA, KUYA?!" di makapaniwalang bulalas nito.

He flicked her forehead gently. Mahinang napa-aray naman ito. "Wag kang maingay." he glared at those workers na talaga namang naglabasan sa kani-kanilang opisina nang sumigaw si Marie Rose. He sighed. "Get back to work." agad naman na nagsipulasan ang mga ito papasok ng kaniya kaniyang opisina.

"Seryoso ka, Kuya? May girlfriend ka na talaga?" siniko siya nito.

"Yes. I'm serious. I'm actually surprised na hindi mo to alam. Grandma already met her."

Lumabi ito. "Nauna pa talaga si Grandma. Psh!"

Pinisil niya ang pisngi nito. "Wag ka na magtampo."

She rolled her eyes. "Oo na. When will I meet her?" nagningning ang mga mata nito.

"I think you know her already."

Tumaas ang kilay nito. "Don't tell me isa sa mga bitch sa tabi-tabi!"

He smirked. "Bakit? May kilala ka bang bitch?"

Napaisip ito. "Wala."

Natawa siya. "She's not a bitch. She's actually kinda cute and magkasing-ugali kayo."

Kumapit ito sa braso niya. "Then she's pretty nice then. Kung kasing-ugali ko siya." she chuckled.

"Tara na. Baka gutom na yun."

"Teka.. akala ko ba isa lang ang babaeng mamahalin mo? Di ba you made a promise on someone called Cherry?" tumingala ito sa kanya.

He shrugged. "She's okay for now."

"Wait.. so pampalipas oras lang siya?" namaywang ito sa harap niya.

He sighed. "Look, I'll explain everything to you once we arrive at my office. For now let's just peacefully walk."

She rolled her eyes. "Sana lang worth it ang paglakad ko papunta sa opisina mo."

Pagkabukas na pagkabukas ng opisina niya ay agad na bumungad sa pang-amoy niya ang amoy ng seafood.

"Ang bango naman sa opisina mo, Kuya." komento ni Marie Rose.

Nilibot niya ang tingin sa loob ng silid. Now where is that girl?

Maayos na nakasalansan na sa office table niya ang mga pagkain. Napakunot noo siya. Nasaan na ba siya?

Muntik na siyang matapilok sa pares ng heels na nakaayos sa gilid ng couch. Natawa si Marie Rose. "Okay ka lang, Kuya?"

Nadako ang tingin niya sa pigura na natutulog sa couch niya. Napailing siya. "I think you won't be able to meet her for now."

Kumunot ang noo ni Marie Rose. "Huh? Bakit naman? Umalis na ba siya?" kasalukuyan kasi itong nasa mini-kitchen at nagtitimpla ng kape.

Umiling siya. "She's asleep."

"Asleep? Aga pa ah. Call center agent ba yun?"

He chuckled. "She's asleep on the couch. Napagod yata."

Nanlaki ang mga mata ni Marie Rose. "Omg, Kuya! Don't tell me na parausan mo lang yung girl. Kawawa naman siya!" mahinang hinampas siya nito sa braso.

"Aray! Ano bang pinagsasasabi mo riyan? She's my secretary kaya napagod siya. Nahimatay ako kaninang umaga kaya siya ang gumawa ng lahat."

"Secretary?" tiningnan nito ang natutulog na si Love. She gasped. "Si Happee Love?"

Tumango siya. "I told you, you know her."

Sinamaan siya ng tingin ni Marie Rose. "Kung sasaktan mo lang siya, Kuya Vin.. stop this. I know na mas matagal na kitang kilala kaysa sa kanya but she's a very hard working and kind woman. Hindi ko alam kung anong plano mo at kung paano mo siya napapayag... pero Kuya I know her. Marami ang lalaking nagkakandarapa sa kanya pero hindi niya pinapansin kasi priority niya ang pamilya niya. Kaya please lang, Kuya.. as much as possible wag na wag mo siyang sasaktan."

He sighed and sat on the couch across where Love is sleeping. "I have no intention to hurt her, Marie Rose. Nilinaw ko na sa kanya na it's all pretend. I warned her not to fall in love with me."

"Ano? Akala ko ba kayo? Bakit bawal mainlove? And what did I just heard? Pretend?" sunud-sunod na tanong nito.

"It's only pretend. I hate it when grandma bugs me to have a girlfriend. I hired Love as my secretary and also my so called girlfriend. Pinapahanap ko pa rin si Cherry. I vowed to marry her. And I will."

"Eh paano kung mafall siya sa'yo? At ikaw, sa kanya. Paano kung makita mo nga si Cherry.. pero hindi na siya ang mahal mo? Kuya, paano kung yung Cherry na nakilala mo dati ay hindi na katulad nung batang babaeng pinangakuan mong pakasalan? Paano kung nainlove ka lang sa idea na in love ka sa kanya kasi siya pa lang ang babaeng pinaglaanan mo ng oras at hindi dahil mahal mo talaga siya. Think about it, Kuya. Wag kang magsalita ng tapos. Just go with the flow for now. Follow your heart." mahabang lintanya nito.

Natigilan siya sa sinabi ng pinsan niya. May point naman kasi ito. Paano nga kung na in love lang siya sa idea na ito ang mahal niya? Paano kung na in love lang siya sa mga iniisip niyang katangian nito nung mga bata pa sila? Paanong kung hindi nga talaga pagmamahal ang naramdaman niya? Paano? "I'll think about it. Thanks, Rose." tipid na nginitian niya ito.

"Sige na. Mauna na ako. Nakalimutan kong may merienda date pala kami ni Ulysses." hinalikan siya nito sa pisngi. "Bye, Kuya. Ingat ka. At ingatan mo si Happee."

"I will."

At sana.. I can protect her from me.

Ako'y Sa'yo At Ika'y Akin Lamang (Dark Vincent Meneses & Happee Love Castro)Where stories live. Discover now