Chapter 4

1.8K 66 3
                                    

"GOOD morning, Sir Dark!"

Napatalon siya at napayakap kay Dark nang makitang sabay sabay na nagyukuan ang mga nakapilang mga empleyado ng building. "Juicecolored!" mahinang sambit niya.

"Come on. Ignore them. Let's talk at my office." hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya sa elevator.

Natulala siya nang makapasok sila roon. "Wait.. Sir.. D-Dark? Ikaw ba yun?" binalingan niya ito.

Tumango ito. "Sa gwapo mong yan yun ang pangalan mo? Dapat nga Bright! Kasi lumiliwanag ang paligid sa kagwapuhan mo!" seryoso niyang sabi.

Umangat ng kaunti ang sulok ng mga labi nito. "Yeah. But unfortunately it's Dark."

"Don't tell me may kapatid kang Light, Earth, Wind at Fire ang pangalan? Pwede na kayong Clow cards ni Sakura." iling na wika niya.

Tiningnan lang siya nito. "They're all my brothers. Isama mo na si Shadow at Thunder."

Napanganga siya. "Seryoso?"

Tumango ito. "Seryoso. I don't know what came to my mom's mind to do that but I think it's kinda cool."

Napangiti siya. "Ang cute kaya. Dark. Taray! Pang-nobela ang pangalan. Yung tipong pang-Fifty Shades. Charaught!" natatawang umiling siya.

"Fifty Shades?" kunot noong tanong nito.

Natawa siya. "Wala yun. Nainlove lang talaga ako kay Christian Grey. He's a control freak. But I fell in love with him."

"You have a boyfriend?" nakataas na kilay na tanong nito.

She rolled her eyes. "Alam mo kung pwede ngang akin na lang siya.. kaso hindi pwede." she sighed.

Lalong kumunot ang noo nito. "Bakit hindi?"

Hinampas niya ito sa braso. "Kasi nga gawa gawa lang siya ni E.L James. Alangan naman pakasalan ko ang libro." she rolled her eyes.

"Libro? So Christian Grey is just a character of a book?"

"Malamang. Duh. Wala namang maiinlove sa akin na mayaman, gwapo, may abs at mabango." nauna na siya lumabas sa elevator nang magbukas iyon. "Unang una, mahirap lang ako. Pangalawa, hindi naman ako kakinisan at kagandahan. Pangatlo, TESDA graduate lang ako. Pang-apat, baby face ako. Panglima, walang magkakagusto sa akin.." she sighed. "Isang malaking sampal sa akin nang tanungin ako ng ex ng ex ko kung ako raw ba ang baby sister ng ex ko. Tsk. Leche talaga. Mukha ba akong bata?" hinarap niya si Dark at ngumuso.

Tumango ito. "How old are you?"

She sulkily sighed. "26."

Halatang nagulat ito. "26? You look like a pre-teen."

Inirapan niya ito. "Makalait naman. Ikaw nga mukha ka nang piptitu!"

Kumunot ang noo nito. "What?"

"Wala! Sabi ko kamukha mo ang yumao kong Lolo. Sumalangit nawa." she reached the door knob of the only door at that floor. Nagulat siya nang isandal siya nito sa pintuan at inilapit ang mukha nito sa kanya. Napalunok siya nang gahibla na lang ang agwat ng mga labi nila.

"I'm just 30 years old. Kaya wag mo akong ikumpara sa Lolo mo." tiim bagang na sabi nito.

Napakagat siya sa kanyang labi at napatango. "O-Opo, sir.."

"Good." hinawakan nito ang kamay niya at pinaupo siya sa swivel chair nito.

It was a large spacious room. Ito siguro ang opisina nito. It was painted in black and gray. Walang buhay. The furnitures also matched with the walls paint. May isang mahabang leather couch sa gilid, mini-ref, office table nito at ang swivel chair nito. May painting ng isang batang babaeng nakatalikod at nakatanaw sa puno ng Rhododendron. "Wow! Ang ganda naman niyan." di mapigilang sambit niya. "Sino siya, sir.." tiningnan niya ang pangalan nito sa mesa nito na nakaukit sa parang gold bar. "..Vincent?"

He shrugged. "I don't know her."

"Huh? Hindi mo kilala?" binalingan niya ito.

He stared at her. "No. Kalaro ko siya dati pero nakalimutan ko na ang pangalan niya."

"Tsss. Ulyanin!" she rolled her eyes. "Favorite ko rin kasi ang Rhododendron. Meron kasi niyan sa mansyon ng Lolo ko dati sa Canada." nakangiting wika niya habang nakatitig sa painting. Cherry ang palayaw niya nung bata pa siya dahil akala niya dati ay Cherry Blossoms iyong puno sa bakuran ng mansyon ng Lolo niya. Iyon pala ay puno iyon ng Rhododendron. Dati kasi ay paikut-ikot sila sa iba't ibang bansa dahil sa trabaho ng ama niya kaya nang nagawi sila sa Japan ay nagustuhan niya ang puno ng Cherry Blossoms at kung paanong nahuhulog ang mga petals nito sa daan habang naglalakad siya. Nung papunta punta sila sa mansyon ng Lolo niya dati ay laging spring season at lagi siyang nakatambay sa labas ng mansyon ng Lolo niya at nakatanaw sa malaking puno ng Rhododendron. Pero dati yun.. simula nang na-bancrupt ang kumpanya ng pamilya nila ay hindi na sila nakakalabas ng bansa.

"What's your name?" umupo ito sa table.

"Happee Love Castro po, sir Vincent." nakangiting sagot niya.

Malalim na napabuntung-hininga ito. "Call me Dark. Not Vincent."

"Vincent na lang, sir!" she insisted.

"Fine. Only for today. You're hired."

"Ho?" baka kasi nililinlang siya ng pandinig niya.

"You're hired as my secretary."

"Seryoso kayo, sir Vincent?" di makapaniwalang bulalas niya.

"Yes. But you'll also be my pretend girlfriend."

Napanganga siya. Kakagat ba siya sa offer nito? "Pr-Pretend girlfriend?!" nanlaki ang mga mata niya. "Pe-Pero sir Vincent.."

"Vincent na lang. Tutal naman girlfriend na kita." nakangising wika nito. "One rule, don't fall in love with me."

Ako'y Sa'yo At Ika'y Akin Lamang (Dark Vincent Meneses & Happee Love Castro)Where stories live. Discover now